CHAPTER 19

54.3K 778 7
                                    



Dalawang araw matapos ang kasal ay lumipat na si Vhea at ang daddy Vic niya sa bahay ng mga Torres. Malapit na ang final term nila Vhea habang sila Hans naman ay katatapos lang.



"AH! Ayoko na ang sakit na ng utak ko!" reklamo ni vhea.



"Hindi ka pa nga nangangalahati jan eh." Ynna said.





Kasalukuyang nasa bahay ng mga Torres si Ynna.





"Eh, wala na talagang pumapasok sa isip ko eh.. mukhang babagsak ata ako ngayon best friend."

"Ang sabihin mo hindi mawala sa isip mo yung halik sayo ni Hans. Nakakakilig talaga kayo friend."



Bigla tuloy nagrewind sa isip ni vhea ang nangyari nung oras na hinalikan siya ni Hans nang sila'y kumanta. Oo, kumanta sila, iyon ang regalo niya kay Hans. Nagulat nga siya nang sabayan siya nito sa pagkanta. Pero ang mas ikinagulat niya nung halikan siya nito sa harap ng maraming tao!



Flashback..



Tila'y binalutan ng yelo si Vhea dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Habang hinahalikan siya ni Hans .. at take note gumanti siya sa halik na iyon! Hindi niya alam kung bakit pero tila nasa cloud nine siya ng mga sandaling iyon. Pero agad din siya nalaglag sa cloud nine ng putulin ni Hans ang halik. Nadismaya siya.

"Masyado ng nakakahiya.. may honeymoon pa naman tayo." at kumindat pa ito sakanya. Sabay ngumiti ng nakakaloko.



Walang salitang lumabas sa bibig niya,, inirapan nalang niya ito at pumunta sa cr.

End of flashback...





Matapos mangyari yon, hindi na masyado pinapansin ni Vhea si Hans. Hindi niya rin ito kinakausap ng matino. Pag nagtanong ito tipid lang ang mga sagot niya rito.



"Sabi na nga ba, di makalimutan ang halik ni fafa Hans niya! Uuyyy!"



"Tumigil ka nga jan! Magreview na tayo!"



"Tama yan friend, review ka muna tapos tsaka nyo nalang ituloy ang honeymoon niyo pagkatapos ng finals.. san nga pala kayo pupunta sa honeymoon niyo?"



"Malay ko dun. Sabi niya tsaka nalang daw namin pag usapan eh edi tsaka na. Kailangan ko muna mag-focus sa finals."





Buong gabi nagreview sila Ynna at Vhea. Talagang nagsunog sila ng kilay para siguradong pasado sa finals. Nang dumating ang araw ng exam, hindi naman sila gaanong nahirapan. Pero kabado parin sila. Final term na ito tapos bakasyon na! Nang maipamigay na ang mga class cards nila. Kinabahan agad ang magkaibigan.







"Waah!!! Friend... survive ako sa lahat ng subjects! 2.5 pinakamababa ko! Wooohh. Dali dali tignan mo na yang iyo. I'm sure pasado ka nu! Mas matalino ka kaya sakin!"





Dahan dahang tinignan ni Vhea ang mga class cards niya. At unti unting sumilay ang ngiti niya.





"Friend,!! Wala din akong bagsak! 1.5 din ako sa baking!! whooo!"





Nagtatatalon sa tuwa ang magkaibigan.



"Mag-celebrate tayo!"



"Go!"





Pumunta sila sa mall malapit sa state university na pinapasukan nila. Nanood sila ng sine then kumain. Nag shopping na din sila ng konting damit buti nalang kasesweldo lang niya kahapon sa bistro lounge kaya may pambili naman siya kahit papano. Nang magpahinga sila saglit sa isang bench biglang tumunog yung cellphone ni vhea.



Arranged For You [Fin]Where stories live. Discover now