Simula

2.2K 76 14
                                    

Simula


HINDI maiwasang kabahan ni Ashleigh habang hinihintay niya ang pagdating ng kanyang mga kaibigan at co-writers sa LoveString Publishing—ang publishing company na kung saan siya nagpapasa ng mga manuscripts. Ngayong araw ang Grand Fans Day nila at kahit ayaw niyang pumunta dahil balde-balde ang insecurity niya, no choice siya kundi pumunta dahil papagalitan siya ng publisher nila.

Napabuga siya ng hangin nang mapatingin sa orasan. Alam niyang sa mga oras na ito ay nagsisimula na ang Wimbledon match. She uttered a silent prayer for her Prince X. Kasali ngayon ang Prince X niya sa Wimbledon. Isang panalo na lamang ang kailangan nito at ito na ang makakatamo ng Grand Slam. She believed in him and she could feel that he would surely win.

Hindi niya maiwasang isipin na sana ay kasama niya ngayon si Prince X. Siguro ay mababawasan ang kaba niya kung kasama niya ito ngayon, kung makikita niyang sinusuportahan siya nito. Subalit malayo ito at ayaw niyang hadlangan ang pangarap nitong manalo sa Wimbledon.

Tatlong taon mahigit na rin silang hindi nagkikita sa personal. Nagkikita lamang sila sa tulong ng internet, nagkakausap sa cell phone at chat. Masyado silang busy sa pag-abot sa kanya-kanyang pangarap subalit magkagayonman ay hindi nila nakakalimutang kumustahin ang isa't isa at iparamdam ang pagmamahalan sa bawat isa.

For the past years, her love for him never lessen but grew ten folds instead. Despite their long distance relationship, her love for him remained. And she knew that the feeling was mutual. She could see it in his eyes everytime they were video chatting. She could hear it in his voice everytime he was calling her.

Sa loob ng mahigit tatlong taon ay inabot ng Prince X niya ang pangarap nito. He entered the US Open and he counquered the Australian Open and French Open as well. Kung masaya ito, triple ang saya niya dahil sa pag-abot nito sa pangarap nito.

And she was so excited because she knew, after the Wimbledon; they could see each other personally—finally.

Iyon kasi ang binigay niyang kondisyon sa Prince X niya years ago. Hindi sila maaaring magkita sa personal hangga't hindi nila natutupad lahat ng pangarap nila.

Her only dream was to be finally accepted in her family once again. And his dream was to conquer the Wimbledon. Maybe, after he reached his dream, they could finally meet even though she did not reach her own.

"Meow."

Binalingan niya ang pinanggalingan ng tunog na iyon. Mula sa paanan niya ay ang Himalayan Cat na alaga ni Prince X na iniwan sa kanya upang alagaan niya. She knew how much he loved this cat and by letting her have him, she knew he was giving her his full trust.

"Miss ko na rin siya, Ryoma," pagkausap niya sa pusa na tila ba naiintindihan siya nito.

Narinig niya ang pagtunog ng ringing tone ng cell phone niya. Pagtingin sa screen ng cell phone ay ang pangalan ng Prince X niya ang bumulaga doon.

"Good luck," iyon kaagad ang bungad niya pagkasagot ng tawag.

"Good luck to you as well, Ash. Huwag kang kabahan," anito sa kabilang linya. Bahagya pa ngang maingay sa linya nito. May naririnig pa siyang boses galing sa speaker. Malamang ay nasa game na ito.

"Narinig ko na ang boses mo, eh. Hindi na ako kakabahan."

"May surprise pala ako sa 'yo mamaya."

"Ano 'yon?"

Wala siyang narinig na tugon. Pagtingin niya sa aparato ay putol na pala ang linya. Napakunot ang noo niya subalit hindi na niya nagawang tawagan ang lalaki dahil dumating na ang sundo niya.

"Yosh! I can do this!"

The Prince's Trial-and-error Love (Tennis Knights #8) (Published under PHR)Where stories live. Discover now