Kabanata 11

915 52 19
                                    

Kabanata 11


"YOU LIVE here?" gulat na bulalas ni Rein nang makita ang lugar na tinutuluyan ni Ashleigh. Kakatapos lamang ng dinner nila kasama ang ilang miyembro ng tennis club at siya na ang nagprisintang ihatid ito pauwi.

Matinding kalaban ang mga tennis players ng Saint Louis pero nanalo pa rin sila kaya kumain sila sa labas para mag-celebrate.

Hindi sa panglalait subalit hindi siya panatag sa kalagayan ng dalaga nang makita ang hitsura ng tinutuluyan nito. Mukhang hindi iyon safe.

Tumango ito. "Yup! Mas mura kasi ang fee dito kaysa sa ibang boarding house."

"Where are your parents?" nakakunot ang noong tanong niya.

"Nasa probinsya."

"Is it safe here?" Hindi pa rin maalis sa dibdib niya ang umusbong na pag-aalala para sa kalagayan nito. Maybe he was overreacting but he could not help feeling this way. Why? He didn't know.

Kumislap ang mata nito at kaagad siyang nginisihan. "Uy! Concern ka sa akin, 'no?"

Napabuga na lamang siya ng hangin imbes na sagutin ang tanong nito. Of course he was concern about her! "Pumasok ka na nga sa loob."

Hindi man niya aminin sa dalaga subalit sa loob pa lamang ng ilang araw na nakasama niya ito ay may nakikita siyang pagbabago sa sarili niya. He found it easy to smile when he was with her. Aaminin din niyang masaya siyang kasama ito. He enjoyed her company so much.

At hindi niya maikakailang may umuusbong na damdaming hindi niya maipaliwanag sa puso niya kapag nasa malapit ang babae.

Nang nakapasok na ito sa gate ay binalingan pa siya nito. "Aminin mo Rein na enjoy ka na sa company ko."

"I'll admit nothing."

She grinned at him and through the space on the bars of the gate, she held his hand and squeezed it gently—giving him the warmth he didn't realize he was craving for so long. "Masaya akong kasama ka, Rein. Goodnight."

Bago pa man nito mabitawan ang kamay niyang hawak-hawak nito ay nahigpitan niya ang pagkakahawak doon. Hindi niya alam kung anong espiritu ang sumapi sa kanya at nakikita na lamang niya ang sariling hinaplos ang pisngi nito.

"Goodnight."

Nakapasok na ang babae sa loob ng boarding house subalit siya ay nanatiling nakatayo room. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi niya. He agreed to be Ashleigh's boyfriend to help her moved on from her feelings for him. Pero bakit parang lumiliko ang daan ng puso at isipan niya?

He realized that he liked whatever this feeling he was feeling right now. To hell with his plan. He would enjoy this for now. And her company as well.



GUSTO nang manlumo ni Ashleigh nang mabasa ang text message galing sa ina.

We're busy. Sorry, iyan ang nakalagay sa mensahe nito.

Inimbitahan niya kasi ang mga magulang sa papalapit na awarding ceremony dito sa Saint Vincent University. May makukuha kasi siyang parangal dahil sa isang contest na sinalihan niya at siya ang first place. Ang mga kalaban niya ay mga galing sa iba't ibang unibersidad sa Pilipinas.

She knew that her parents would decline her invitation but the little girl in her yearned to be with her parents and share the joys of her winnings with them. Sadly, they were still angry at her for choosing this path.

Pumunta siya sa likod ng main building. Hindi dinadaanan ng tao roon at hindi rin tinatambayan. Doon ay maaari niyang alisin ang maskarang suot-suot niya—iyong nakangiti niyang maskara.

Pasalampak siyang umupo sa madamong sahig at tahimik na pinalaya ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Ilang ulit na ba siyang binalewala ng mga magulang niya? Hindi na niya mabilang. Subalit masakit pa rin pala.

Isinubsob niya ang mukha sa kanyang palad at doon umiyak nang umiyak. Nakakaiyak lamang siya kapag mag-isa siya. Sa harapan kasi ng ibang tao, gusto niyang ipakitang masaya siya, na ayos lamang siya kahit mag-isa siya.

Napapiksi siya nang may maramdamang mainit at matatag na braso ang pumaikot sa katawan niya. The warmth and the smell coming from the person were so familiar that was why she accepted the hug.

"What happened?"

Lalo siyang yumuko at pinunasan ang mga luha sa pisngi. Isang praktisadong ngiti ang ibinigay niya kay Rein. "Wala, wala." Nginitian niya ang lalaki subalit hindi nabura ang pagdududa at pag-aalala sa mata nito. "Anong ginagawa mo dito?"

"Don't change the topic! Why are you crying?"

"Wala 'to. Napuwing lang ako."

Sa pagkagulat niya ay ikinulong nito ang mukha niya gamit ang magkabila nitong palad at tinitigan siya nang diretso sa mata. "I know you're not okay. Tell me what's wrong."

"Wala nga! Kulit nito, oh!"

Kumunot ang noo nito. Kitang-kita niya ang hindi pagkapaniwala sa mata nito. "Ashleigh..."

Muling namuo ang luha sa kanyang mata nang makita ang pag-aalala sa mata nito. Bakit ba ito pa ang kailangang makakita sa kanya kung kailan mahina siya?

"Sshh." Ipinulupot nito ang magkabila nitong braso sa katawan niya at hinapit siya papalapit sa katawan nito. "Don't cry."

Muli'y ibinuhos niya ang kanyang luha na tila ba sa pamamagitan niyon ay mabubura ang sakit sa kanyang puso.

Patuloy ang lalaki sa paghaplos sa likod at buhok niya. Naroon din ang maya't mayang paghalik nito nang magaan sa tuktok ng ulo niya.

For the first time since she has been alone, she felt that she was not alone anymore because of the person hugging her right now.

"My parents hate me," panimula niya. "Hindi ko kasi sinunod 'yung gusto nila. They wanted me to take Business course but after one year, I shifted and chose Journalism. Wala daw akong mapapala sa pagsusulat kaya ganoon na lang ang tutol nila. I love writing kaya gora ako. Now, I think they are right. Wala nga yata akong mararating," mahinang aniya at natawa nang bahaw.

The hole in her heart was slowly eating her alive.

"I feel like I'm such a big disappointment to them."

Inilagay ni Rein ang dalawa nitong daliri sa baba niya at iniangat ang kanyang mukha. Bago sa paningin niya ang ekspresyon ng mukha nito. Napakasuyo ng tingin nito sa kanya habang pinupunasan ang luha sa magkabila niyang pisngi.

"You should believe in yourself, Ash. Sino ang sa tingin mo ang maniniwala sa 'yo kung ikaw mismo, hindi naniniwala sa kakayahan mo?"

Namuo ang luha sa kanyang mga mata. Hindi siya nakakibo dahil alam niyang sa oras na ibuka niya ang kanyang bibig, isang hikbi ang lalabas doon.

Idinikit nito ang noo nito sa noo niya at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi.

A soft smile appeared in his lips. "You are a strong lady, Ash. Yeah, stubborn, too. Kaya alam kong may mararating ka. The same thing that I believe your parents know that, too. Sa tingin mo ba, kung sa palagay nila ay hindi mo makakayang mag-isa, pababayaan ka nilang mag-isa dito sa Maynila?" Umiling ito. "Do not doubt yourself. Erase those insecurities in your heart."

Nagpatakan ang luha sa kanyang mga mata dahil hindi na niya iyon napigilan pa. Sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig din niya ang matagal na niyang gustong marinig sa bibig ng ibang tao—that she could do it.

"Thank you," umiiyak na aniya sa lalaki.

"Iyakin. Huwag ka ngang iiyak sa harapan ko," anito at sa pagkagulat niya ay bigla siyang hinapit papunta sa dibdib nito at niyakap. "Hindi bagay sa 'yo."

"At hindi rin bagay sa 'yo ang nagsasalita, Rein."

"I know," anito. Tila naramdaman pa niya ang magaan nitong paghalik sa ulo niya.

Habang nakakulong sa mainit at matatag nitong bisig, pakiramdam niya ay unti-unting nawala ang takot at insecurity sa puso niya. At naramdaman din niya ang pagbabago sa puso niya.

Mahal na niya talaga ito.

The Prince's Trial-and-error Love (Tennis Knights #8) (Published under PHR)Where stories live. Discover now