Wakas

1.9K 78 27
                                    

I want to say thank you to everyone who had read this story (be it here on Wattpad or the book version). You guys don't know how much your support means a lot to me. We may be small in number but I really, really appreciate you all. Thank you for your comments and votes. They kept me going through hard times.

Thank you for giving my story a chance. Thank you for being with Rein and Ash as they grow with and without each other.

Simply thank you. Thank you for letting me do what I love to do the most— and that is making stories. I hope you will still be there for me even if I'm a turtle when it comes to writing.

See you on to the final book of my Tennis Knights series: Enzo Guttierez.

Wakas


GUSTO nang mag-back out ni Ashleigh nang makarating sila sa venue ng Grand Fans' Day. Nang makita ang mga nag-aabang na tao ay pinagpawisan siya nang malapot. Alam naman niyang isang tao lang ang makapag-aalis ng kaba sa puso niya pero malayo ito ngayon. Ang maaasahan niya lamang ay ang sarili niya.

"Okay ka lang, Ash?" tanong sa kanya ng co-writer na si Delah. Ito ang katabi niya sa red table.

"Keri pa naman," mahinang tugon niya dito. Magpanggap kaya siyang hinimatay para lang makaalis na siya rito?

Hindi kaagad nagsimula ang signing dahil ipinakilala pa isa-isa ang mga writers na present sa event. Kung kanina ay grabe ang kaba niya, ngayon ay halos triple na iyon dahil hindi niya alam ang sasabihin sa harap ng maraming tao.

"Please welcome, Miss Rhianne Alexandra," anang MC. Rhianne Alexandra ang pen name niya.

Nang tumayo siya ay nagulat pa siya sa tiliang narinig. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba niya.

"Thank you sa pagpunta. 'Yon lang," simpleng aniya at isang ngiti ang ibinigay sa mga tao.

"Hindi bagay sa 'yo ang tahimik, Ash," bulong sa kanya ni Delah.

"Heh!"

Ilang minuto ang lumipas at sinimulan na ang signing. Nang may maglapag ng mga libro niya sa tapat niya ay napangiti siya. Lahat ng libro niya ay nandoon kahit 'yong kauna-unahan niyang book! Unti-unting nawala ang ngiti niya at namuo ang kanyang luha nang makita ang taong nakapila sa kanya ngayon.

They were her parents.

"Dad, Mom," hindi makapaniwalang bulalas niya.

"We're a fan, Miss Alexandra. Since your first novel has been published, we've been supporting you in silence," anang mama niya.

"You did a good job, Miss Alexandra," sabi naman ng papa niya.

Nagpatakan ang luha niya. Mabuti na lamang at waterproof ang make up niya!

Tumayo siya at sinugod ng yakap ang mga magulang. Habang nakakulong sa yakap ng dalawa, napagtanto niya kung gaano niya na-miss ang mga ito. Ngayon niya napagtanto kung gaano niya na-miss ang yakap ng mga magulang.

"We're so proud of you, baby. Alam namin sa umpisa pa lang na magagawa mo 'to, na makakaya mo ang lahat kaya hinayaan ka naming sundin ang pangarap mo," wika ng papa niya habang yakap-yakap siya nito.

"Patawarin mo sana kung hindi ka namin nilalapitan noong mga nakaraang taon. Pero sa lahat ng okasyon ay nandoon kami ng Daddy mo. Palihim na pinapanood ka. Palihim na sinisigaw sa mundo na anak ka namin. Na proud kami sa 'yo."

Hindi na siya makapagsalita dahil sa labis na emosyon. Dire-diretso ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

"I love you, Dad, Mom."

The Prince's Trial-and-error Love (Tennis Knights #8) (Published under PHR)Where stories live. Discover now