Kabanata 10

941 52 16
                                    

Kabanata 10


"HI, ENZO!" nakangising bati ni Ashleigh sa captain-cum-coach ng tennis club sa unibersidad nila. May tournament ngayon na gaganapin sa Saint Louis University at siya ang naatasan ng editor-in-chief nila na mag-cover n'ong tournament.

Syempre pa, natuwa siya dahil kasali sa tournament na iyon si Rein. Gusto niyang i-cheer ang lalaki at ipakita dito ang suporta niya.

"Ashleigh," bati nito sa kanya at tinanguan siya.

"Nasaan si Re—"

"'Zo, nandiyan na raw 'yung coaster," singit ni Chase, ang genius na member ng Tennis Knights.

"'Uy, pasabay!" singit niya sa pag-uusap ng dalawa.

"No. Manggugulo ka lang d'on."

Sumimangot siya. "Ah, basta. Sasabay ako sa inyo." Hindi na niya hinintay pa ang tugon nito dahil nakita na niyang lumabas mula sa gym si Rein. Nilapitan niya ito. "Rein! Tabi tayo mamaya sa coaster."

Tiningnan siya ng lalaki. Ang akala niya ay lalagpasan lamang siya nito subalit sa pagkagulat niya ay kinuha nito sa kanya ang may kalakihan niyang body bag. Dalawang camera kasi ang dala-dala niya.

"Wala ka bang kanang-kamay?" kunot-noong tanong ni Rein sa kanya at isinukbit ang bag niya sa balikat nito.

Nagtatakang itinaas niya ang kanyang kanang kamay. "Meron, see?" aniya at iwinagayway iyon.

"Assistant ang ibig kong sabihin."

"Ah, hindi na kailangan 'yon. Sisiw lang naman 'yan."

Napapiksi siya nang maramdaman ang kamay nito sa siko niya. Pigil ang ngisi at kilig na binalingan niya ang lalaking inaalalayan pa siya sa paglalakad.

Kakaibang kilabot ang gumapang sa katawan niya nang maramdaman ang init na hatid ng palad nito. Pinanayuan pa siya ng balahibo dahil sa lalaki.

"'Wag kang tatanga-tanga mamaya sa tournament. At huwag kang sasalo ng bola gamit ang noo mo."

Napasimangot at napalabi siya lalo na nang marinig ang tawanan ng mga members ng tennis club.

Bakit ba ganito ang lalaking ito? In a minute, he seemed as if he was concern about her but the next minute, he was acting like he didn't care at all.

Pero ipupusta niyang lahat ang larawan nitong bigay ni Kei sa kanya, there was a different shine in his eyes when he looked at her.

Hindi niya tuloy maiwasang isipin na kahit papaano ay nagkakatotoo na ang pangarap niya—ang magustuhan din siya nito.


"MATUTUNAW na si Rein."

Muntik nang maibuga ni Ash ang iniinom na softdrink nang marinig ang tinig sa kanyang gilid. Dahil nakatutok ang kanyang buong pansin kay Rein, hindi niya namalayang natabihan na pala siya ni Allie—ang manager ng tennis club dito sa Saint Louis at ang "kinakapatid" ni Enzo.

"Bwisit ka, Allie!" asik niya sa kaibigan. Nakilala niya ito at naging kaibigan dahil ito ang kumausap sa kanya noong unang beses siyang nagpunta dito sa Saint Louis dahil sa isang project. "Bakit ba bigla-bigla ka na lang sumusulpot, ha?"

"Kanina pa kaya ako dito. Obviously, hindi mo ako napansin dahil tutok na tutok kay Rein ang pansin mo."

"So? Worth it naman siyang titigan. Look at that butt, 'Li. Ang sexy!" aniya at nakagat pa niya ang ibabang labi habang pinagpapantasyahan si Rein.

Binatukan siya nito. "Puro kamanyakan ang iniisip mo! Hoy 'te, tanghaling-tapat pa po."

"Maka-ate ka akala mo hindi tayo magka-edad, ah!"

The Prince's Trial-and-error Love (Tennis Knights #8) (Published under PHR)Where stories live. Discover now