Kabanata 16

1K 62 20
                                    

Kabanata 16


"NASAAN si Rein, Enzo?" tanong ni Ash sa kaibigan ni Rein. Ilang araw na niyang hindi nakikita si Rein. Wala ito sa library at wala rin ito sa rooftop. Kahit sa practice game sa open court ay hindi niya ito nakikita.

Nag-aalala na siya para sa lalaki dahil baka kung ano na ang nangyari dito. Simula noong nanggaling siya sa bahay nito at nakilala ang kuya nito ay hindi na niya ito nakita.

Naaalala pa nga niya noong inihatid siya nito pauwi noong araw na iyon ay kibuin-dili siya nito.

What happened to him?

Kumunot ang noo nito. "May inaasikaso."

"Ano?"

Hindi ito sumagot at nanatiling nakatitig sa kanya. Bahagya siyang nailang. Kapagkuwan ay umiling ito at tila may ibinulong na kung ano. "Sa kanya mo na itanong. Nandiyan na pala siya," anito at lagpas na sa kanya ang tingin.

Pagtingin niya sa likuran ay nandoon nga at naglalakad papunta sa kanila si Rein. Napalis ang ngiti sa labi niya nang mapagmasdang mabuti ang lalaki. Tila ba hindi ito ang Rein na nakasama niya noong mga nagdaang linggo. It was as if she was looking at the Rein before she made her way into his life—cold and emotionless.

"Come with me."

Nang hindi nito binanggit ang pangalan niya, tila may pumisil ng marrin sa puso niya. Kasabay niyon ay ang pagbalot ng takot sa puso niya.



HINDI maiwasang magtaka ni Ash nang dinala siya ni Rein sa bahay nito. Walang namagitang pag-uusap sa kanilang dalawa noong nasa biyahe sila papunta sa bahay ng huli. Kahit ilang beses niyang i-assure ang sarili na walang problema at ayos lamang ang lahat, alam niyang hindi iyon totoo.

Ang problema, hindi niya alam kung anong dahilan kung bakit ganito ang inaakto ni Rein.

"Maiwan ko na kayo," biglang wika ni Rein. Subalit bago ito makatalikod ay isang malungkot na ngiti ang ibinigay nito sa kanya.

Bago pa man niya ito mapigilan ay nakalabas na ito ng bahay at iniwan siyang mag-isa sa sala. Ay, hindi pala mag-isa dahil biglang lumitaw ang Kuya Storm nito.

Nagtatakang binalingan niya ang kuya nito. "Problema n'on, kuya?"

Umiiling na umupo ito sa katapat niyang upuan. Ngumiti ito nang alanganin at napahawak sa batok nito. "He chose to run away, huh?"

"What?"

"Sabi ko na kay Enzo, problema lang ang hatid ng plano niya, eh."

"Teka, kuya. Naguguluhan po ako. Anong plano? At paanong napasok si Enzo dito?"

"Una sa lahat, kaya namin ginawa ito or rather, kaya ako pumayag sa scheme ni Enzo ay dahil gusto ko kayong tulungan ni Rein. Hindi ko naman inakala na magiging duwag pala ang kapatid ko," anito at umiling-iling pa.

Lalo siyang naguluhan. Nabasa marahil nito ang pagtataka sa mata niya dahil ngumiti ito at nagpaliwanag.

"Alam ni Enzo ang tungkol sa panaginip mo though I don't know how he learned about that. He's the one who asked me about what had happened years ago and I told him I was indeed the guy in your dreams." Napakamot ito sa batok. "Siya rin ang nakaisip na pasingitin ako sa eksena para magising na raw sa katotohanan si Rein at aminin na mahal ka na rin niya. I didn't know he'll choose the other way, Ash," puno ng paumahin ang tinging ibinigay nito sa kanya.

Nanlaki ang mata niya nang marinig ang paliwanag nito. At the same time ay nainis siya sa panggugulo nito at ni Enzo. Naiintindihan din naman niya ang ginawa ng dalawa. Pero napakaepal pa rin ni Enzo!

The Prince's Trial-and-error Love (Tennis Knights #8) (Published under PHR)Where stories live. Discover now