Kabanata 7

892 48 12
                                    

Kabanata 7


ISA-ISANG binasa ni Ashleigh ang outlines at plots niya para sa mga pending niyang nobela. Kakapasa lamang niya ng manuscript kung kaya't kailangan niya ulit makagawa ng bago. Dito niya naisipan sa library tumambay dahil tahimik dito kung kaya't makakapag-internalize siya nang mabuti.

Sows! Hindi pa aminin na hinihintay mong dumating si Rein.

Isa na siguro iyon sa dahilan kung bakit siya nandito. Dito siya pumuwesto sa tinatambayan at "tinutulugang" lugar ni Rein. Nase-sense niya kasing tatambay dito ulit ang lalaking iyon ngayon.

Kailangan na rin niyang simulan ang article niya para sa school paper nila. Nagbunutan na sila kahapon. Kung ang kaibigan niyang si Arianne ay very specific ang nakuhang topic, siya naman ay parang abstract.

"Beautiful spot in our university. Ang daya naman!" himutok niya. Iyon kasi ang topic niya. Bakit hindi na lang tungkol kay Rein ang nabunot niya?

Nakayukyok at nakatuon ang buong pansin niya sa binabasa nang marinig ang paglangitngit ng upuan sa tapat niya. Agad na sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang makitang si Rein iyon.

"What are you doing here again?" tanong nito sa kanya.

Inginuso niya ang mga papel sa harapan. "I'm trying to write something. At makakasulat ako kung kasama ko ang inspirasyon ko."

"Inspirasyon? Mga libro?"

"Hindi. Ikaw."

Nagkibit lamang ito ng balikat pero ipupusta niya lahat ng ipis at daga sa boarding house nila na may maliit na ngiti sa labi nito dahil sa sinabi niya!

"Be quiet, okay? Matutulog ako."

Tumango siya. Iniyukyok na nito ang ulo nito sa mesa. Inilapag niya ang lapis sa mesa at kumalumbaba. Walang matinong usapan ang namamagitan sa kanila ni Rein. Pulos panonopla nga ang ginagawa nito sa kanya. Pero bakit hindi siya napapagod na lapitan at kausapin ito?

Ganito ba talaga kapag crush mo ang isang tao? O more than crush na ito?

"Magsulat ka, Ashleigh."

Bumilis ang tibok ng puso niya hindi dahil nahuli siya nitong nakatitig dito kundi dahil binigkas nito ang pangalan niya—sa unang pagkakataon.

Tila tumalon ang puso niya dahil doon. Simpleng bagay, simpleng pagbigkas sa pangalan niya subalit tila nagbagong bigla ang takbo ng buhay niya. Katumbas na nito iyong pakiramdam na nakulong siya sa bisig nito noong nalaglag siya sa puno!

"Mas gusto kong titigan ka, eh."

Umayos na ito ng upo. Nagulat pa siya nang bigla nitong kinuha ang notebook niya. Binuklat-buklat nito iyon.

"You're a romance writer?"

Napangiwi siya sa tanong nito. Nandoon pala sa notebook na iyon ang plots niya para sa mga nobela niya. Hindi naman sa ikinakahiya niya ang pagiging manunulat. Sadya lamang na sobrang dami nang rejections at panunuya ang natanggap niya dahil sa propesyon na iyon kaya natatakot na siyang masaktan pa.

"Y-yeah."

"Hmm. You're great."

Napatanga siya nang marinig ang sinabi nito. "W-what?"

"I said you're great. You're studying and yet you've already achieved something."

Sa tanang-buhay niya, iyon na siguro ang pinaka-magandang papuring natanggap niya. Gusto na niyang maiyak dahil sa kauna-unahang pagkakataon, may isang taong malapit sa puso niya ang tumanggap sa kung ano ang gusto niyang gawin.

"Hindi rin."

Ibinalik nito ang notebook niya at humalukipkip. "May napatunayan ka na sa sarili mo kahit papaano. You love what you're doing, right?"

Tumango siya.

"Then huwag mong isipin ang sasabihin ng iba. Continue what you are doing. Ikaw ang magpapatakbo ng buhay mo dahil buhay mo 'yan, hindi ibang tao."

Bull's eye, ika nga. Hindi niya alam kung mind-reader ba si Rein subalit sapol na sapol siya sa sinabi nito.

Ngumiti siya upang pagtakpan ang pamumuo ng luha sa mata. "Thank you."

Nagkibit lamang ito ng balikat dahilan ng pagngiti niya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakausap niya ng mahaba-haba si Rein.

And he even complimented her!

Score again!


NAPABUGA na lamang si Ashleigh ng hangin nang hindi na naman makita si Rein sa open court. Kahit sa library at roof top ay wala ni anino ng lalaki. Ito ang pangalawang araw na hindi niya nasilayan kahit tuktok ng ulo nito.

Hindi niya tuloy maiwasang isipin na nilalayuan siya nito. Wala siyang dapat ipaghabol sa lalaki dahil hindi naman sila, ni hindi nga sila magkaibigan. Pero hindi niya maiwasang isipin na kahit papaano, base sa huling pag-uusap nila ni Rein, medyo napalapit na siya dito.

Assuming ka lang kasi.

Pabagsak na sumalampak siya ng upo sa isa sa bakanteng bleacher sa gilid ng open court. Pawang mga kaibigan ni Rein at ibang miyembro ng tennis club ang nasa open court. Nakakapagtaka talaga na wala ang anino ng lalaki.

Bakit naman niya ako lalayuan? Hindi ba't sabi niya, gawin ko kung ano ang gusto kong gawin? Ang gulo niya, sa totoo lang! He even called me by my name!

"What are you doing here, Ash?"

Gulat na napatingin si Ashleigh sa pinagmulan ng tinig. Nakatayo sa gilid niya ang genius na si Chase, kaibigan ito ni Rein at miyembro ng Tennis Knights.

"Hinahanap si Rein. Alam mo ba kung nasaan siya?"

Hindi kaagad ito sumagot at nanatiling nakatitig sa kanya. Sa pagkagulat niya ay umupo ito sa tabi niya at itinutok ang mata sa open court.

"Rein wanted to prove something to himself. His father is a popular tennis player here and abroad and so is his brother. Gusto ni Rein na makapasok sa US Open and eventually, sa Wimbledon just like what his father did. Naka-pokus lamang sa isang bagay ang atensyon niya, sa tennis. Are you still willing to take a chance on him despite the fact that you'll just be a second priority to him, eventually?"

Hindi siya nakasagot kaagad sa tanong ni Chase. Hindi naman lihim sa lalaking ito ang pagkagusto niya kay Rein dahil isa ito sa mga nilapitan niya noong nanghingi siya ng inpormasyon patungkol kay Rein.

Napabuga siya ng hangin. She knew how much Rein loved tennis. She could see it everytime he was at the open court, alone and practicing by himself. He could see the glimpse of smile on his lips while sweat were forming on his forehead.

She knew she could not compete with that but she wanted to at least have a space in his life, in his heart, no matter how small that space maybe.

Teka! Kung makapagsalita siya ay parang mahal na niya si Rein at hindi na lamang ito isang simpleng crush lamang!

"Kahit last priority niya ako, tatanggapin ko basta mapagtuunan niya lang ako ng pansin." Napakamot siya ng batok at napangiwi. "Pero malabo 'yon dahil ngayon nga, parang pinagtataguan niya ako." Bahagya siyang napapadyak. "Ang gulo niya, ha! He told me to do whatever I want then he'll suddenly vanish into thin air. Hmp."

Tumayo na si Chase at masuyong ginulo ang kanyang buhok. "There are guys out there who are clueless when it comes to a certain feeling. And when they encountered a new feeling, commonly, they'll back out. Nasa sa 'yo na kung ano ang gagawin mo, Ashleigh."

Nakaalis na ito subalit patuloy pa rin na umiikot sa isipan niya ang binitawan nitong salita.

Napabuga siya ng hangin. Mukhang hindi na pupuwede ang pagpapansin lamang kay Rein. Kailangan na niya siguro itong daanin sa santong paspasan!

Because she realized that in a short period of time, she was slowly yet seriously falling for him.

The Prince's Trial-and-error Love (Tennis Knights #8) (Published under PHR)Where stories live. Discover now