011

102 10 4
                                    

CHAPTER 11

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 11

KINABUKASAN.

   sinadya kong maaga matulog kaya maaga rin akong nagising. pagpunta ko ng kanilang classroom ay nakita ko iyong seungyoun ata na nakikipagdaldalan sa iba niyang kaibigan.  i recognized them. sila iyong nameet ko rin noong isang araw.

  gumawa ng ingay ang pagtapak ko sanhi para lumingon sila sa kinaroroonan ko. noong nakita niya ako ay kaagad niya akong hinila at iginiya papunta sa loob ng room nila.

" pwede ba ako rito? " pagdadalawang-isip ko habang pinagmamasdan ang room nila. malinis naman ito. magfootsock kaya ako?

" syempre! officer namin iyan si wooseok. "

" talaga? "

" oo, escort. " napangiwi ako. kala ko naman vice president.

" dito ka umupo. " noong nakaupo ako ay nagtawanan silang magtotropa. akala ko ay may bubblegum pero wala namang nakadikit sa upuan.

" upuan 'yan ni hangyul. wala pa siya. maya maya siguro ay nandyan na 'yon. "

  habang naghihintay ay dinadaldal nila ako. nagpakilala sila isa't isa sa akin. nahihiya pa nga iyong isa. ang gwapo noong isa at sikat pala siya rito.

" oh,papunta na raw si hangyul! rina,pupunta na raw! " pinakita ni yohan ang text ni hangyul sa kanya.

   kaagad akong namutla. di pa ako ready! paano nalang kung itaboy lang pagkatapos akong makilala? inayos ko ang mga gamit sa aking bag at nagkunwaring nagmamadali.

" next time na lang,malalate na pala ako! bye! " habang nasa hallway ay may nakasulubong akong babae. ang talim ng titig nito at parang gusto akong balatan ng buhay.

  tumigil siya sa harapan ko at hinarangan ako. napatigil ako . grabe yung tibok ng puso parang umikot sa buong campus ng walong beses.

" ikaw ba yon!? sagutin mo ako! "

" anong - "

" ikaw ba yon!? peste ka sumagot ka! "

" hindi ko ala- "

" hayop ka! " sinabunutan niya ako. syempre napatili ako sa sakit. hindi ko na siya sinabunutan baka makahawak pa ako kuto. pilit kong tinatanggal yung kamay niya sa buhok ko pero walang effect.

mabuti nalang at may umawat sa kanya,isa sa mga kaibigan ni seungyoun.

" kalma. rawr. " ninenerbyos na ngiti ni seungyoun sa kanya.

" hindi siya iyon. kay hangyul iyan. " napatingin yung babae sa umawat sa kanya. lumambot yung tingin niya. para siyang maamong pusa ngayon.

ayiee.

  noong napagtanto niya na nagkamali siya ng nasabunutan ay nagulat siya at paulit-ulit na nagsorry. kumaripas ako ng lakad at sinabing okay lang iyon. ayokong maabutan ako ni hangyul ng ganito!

  gamit ang aking daliri,sinuklay ko ang buhok ko. grabe! para akong hindi nanuklay kaninang umaga.

  kinunwento ko ito kay hanna,
" inattack ako ng isang monster diyan. hindi nakalaban ang hero mo. mabuti nalang at may umawat na ally. ayon nagretreat si ate girl. tingnan mo yung buhok ko,defeated. "  mabuti nalang at pinahiram niya ako ng suklay.

𝐒𝐀𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐑𝐈𝐍𝐆𝐒 ꧇ 𝐋𝐄𝐄 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐘𝐔𝐋Where stories live. Discover now