023

88 9 2
                                    

CHAPTER 23

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 23

    umalis na ako kaagad noong sumigaw si hanna. gabi na noong naalala ko na itext si hangyul. tiningnan ko sa sling bag ko ang phone ko pero wala. kinapa ko na lahat ng bulsa sa aking suot kanina pero wala pa rin.

   pinilit kong alalahanin kung saan ko ito inilapag at naiwan. sa cr ba? kwarto ko? nanakaw ba? bahay ni hanna?

    oo nga pala! naiwan ko sa bahay nila hanna noong inilapag ko sa may study table niya.

   lumipas ang araw na iyon na wala akong nasabi man lang kay hangyul. araw ng martes ngayon at walang pasok ang buong school namin dahil may gaganaping event. umalis din si mama kaya ako lang ang naiwan sa bahay.

"rina lumabas ka diyan!" ang lakas ng kalabog sa gate. para akong hinahanap ng mga pulis at ganoon na lang. noong narecognize ko ang boses at nakumpira kong si hanna ito ay pinagbuksan ko siya ng pinto.

galit na galit siya. nakakunot ang noo niya at pagalit niya akong tinuro, " layuan mo ang kuya ko! wag ka na lumapit sa kanya at huwag kang pupunta sa pamamahay namin kahit kailan! "

    padabog niyang isinara ang gate namin na ikinagulat ko. itinapon niya ang phone ko. mabuti nalang at hindi ito sira pero may ilang gasgas sa screen. hindi maproseso ng utak ko ang nangyari. noong nakapasok na ako sa loob ng bahay ay doon ko lang ito narealize. galit si hanna sa akin at ayaw niya akong mapalapit kay hangyul.

  

𝐒𝐀𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐑𝐈𝐍𝐆𝐒 ꧇ 𝐋𝐄𝐄 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐘𝐔𝐋Where stories live. Discover now