013

95 10 5
                                    

CHAPTER 13

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 13

" oh,andyan ka na pala! " pagpuna ni seungyoun sa akin.

" ah,oo. s-si hangyul ? " tumingin siya sa kanyang likuran.

" hangyul?eto na oh... " nanigas ako sa aking kinatatayuan. a-andyan siya?! pero maaga pa....akala ko wala pa siya! paano na yan?

" ay,wala pa pala si hangyul. geh dito ka muna. wala rin yung iba eh. ang aga mo naman." nabunutan ako ng tinik. nakahinga ako ng maluwag at umupo sa lagi kong inuupuan.

" matanong ko lang, seungyoun. bakit ang aga mo pumasok? sabi mo maaga ako eh ikaw itong mas maaga. wala pa naman yung tropa mo. " natawa siya.

" basta,mahirap iexplain. pero sana in the future ay matulungan mo ako para hindi na ako laging alone dito. " nag-iwan iyon ng isang malaking tanong sa aking isipan. ano kayang ibig niyang sabihin?

   di ko na iyon masyadong pinag-isipan pero may parte sa akin ang natatakot sa anumang mangyari.

   lumiko ang topic tungkol sa nagugustuhan niyang babae. hindi ko maalala ang pangalan nung babae,basta ang pinakanaalala ko ay ang kanyang katagang,"sana ako nalang ang kaibigan ko." nakalimutan ko lang kung sino iyong kaibigan niyang tinutukoy.

" alam mo ba,lagi ka hinihintay ni hangyul. " tapos tumawa siya. lagi talaga 'tong natawa.

" talaga? " noong napagtuunan ko ng pansin ang kanyang sinabi ay narealize ko. syempre nagdududa ako kasi etong lalaking ito ay mahilig sa biro.

" oo, parehas nga kayo eh. parehas naghihintay. "

   noong araw na iyon ay hindi ko na naabutan si hangyul. sayang! noong pagpasok ko ay kakaupo palang ni hanna.

" kakarating mo pa lang? hindi ko napansing wala ka sa upuan mo,kakalapag ko pa nga lang ng bag ko eh. "

" oo, may pinuntahan lang. " ngumiti siya.

" siya na naman ba? " kaagad akong tumango. hindi nabura ang maloko niyang ngiti.

" ipakilala mo naman sa akin! "

" next time nalang,tapos sabay natin ipakilala iyong mga nagugustuhan natin....kung nagkatuluyan! " crush ko lang naman siya. naniniwala akong mawawala rin ito paglipas ng panahon. i can remove them in my life. or that's how i think. siguro naman hindi ako mahihirapan doon diba?

𝐒𝐀𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐑𝐈𝐍𝐆𝐒 ꧇ 𝐋𝐄𝐄 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐘𝐔𝐋Where stories live. Discover now