00 (preview)

90 7 3
                                    

HAN SEUNGWOO'S STORY

RINA.

" huy mangungutang na ako dito sa babaeng 'to. sana all ganito kaganda. " ipinakita sa akin ni hanna ang isang picture ng babae.

pamilyar sa akin iyong babae. siya iyong palagi kong nakikita. ang talim ng titig niya sa akin. kulang nalang ay ipukpok niya sa ulo ko iyong sapatos niya. lahat nalang tinatarayan niya.

" gold digger ka lang! " pinaulanan niya ng pera iyong isang babae. nakatungo lamang iyong isa habang siya naman ay tuwang tuwa. sa tapat lang ng kabilang room iyon nangyari at nakita ko agad dahil malapit ang upuan ko sa may bintana. kitang-kita ang pagkahiya doon sa babaeng pinaulanan niya ng pera.

maya-maya ay may dumating na dalawang lalaki at umawat. kaagad iyong naresolba.

" do you know han seungwoo ? " kaharap ko siya ngayon at medyo natatakot.

" oo,president kasi siya ng ssg kaya sikat talaga siya. mga limang beses lang kami nag-usap at tungkol lang ang lahat ng iyon sa mga school events. " kumalma siya. napatitig si meiri sa kanya. napansin ko rin ang pagkagulat ni meiri nang marinig ang pangalang han seungwoo.

   bagong kaibigan namin ni hanna si meiri. siya kasi iyong palasigaw kapag may lalaking nanliligaw sa babae at mabilis kiligin. we met noong kinulit niya ako tungkol kay hangyul. siya iyong babaeng sumigaw ng " OMG BUMALIK!" noong naghatid si hangyul ng pagkain sa akin.

   anyways, ang alam ko kasi ay naghahanap ng jowa si meiri. hindi naman siguro iyong si seungwoo ang kalandian niya? naku,world war 3 na ata!

𝐒𝐀𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐑𝐈𝐍𝐆𝐒 ꧇ 𝐋𝐄𝐄 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐘𝐔𝐋Where stories live. Discover now