014

99 10 21
                                    

CHAPTER 14

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 14

" tara,rina. sabay tayo umuwi. " pagyayaya ni hanna. syempre pumayag naman ako kaagad. mukhang bumabawi na talaga siya hahaha

     paglabas namin ay lumiko siya sa kaliwa. kaagad ko naman siyang sinundan. baka nagkamali lang?

" teka..bakit dito tayo dadaan? doon dapat sa kanan tayo liliko. " hinigit niya ang aking kamay.

" may ipapakilala ako sa iyo. " tumigil kami sa tapat ng isang tao. hindi ko pa nakikita ang kanyang mukha noong tinanong ko siya.

" omg don't tell me ngayon mo na ipapakilala yung nagugustuhan mo? " i gasped. tumawa lang siya.

" how i wish... sana iyong nagugustuhan ko nga ang makatuluyan ko. " binulong niya iyon.

" baka kasi may makarinig. "

   nag-angat ako ng tingin. gwapo at matangkad! uulitin ko,nag-angat ako ng tingin kasi mas matangkad siya sa akin. hanggang dibdib niya lang ako. ansakit sa heart!

tumawa si hanna at marahang hinila iyong braso ng lalaki. mukhang close sila?

" eto nga pala ang panget kong kuya,si hangyul ! "

wait,what!?

ano!?

bring it back,boy!

kuya niya!?hangyul?iyong katext kong hangyul??

" siguro naman ay pamilyar ka sa name, lagi ko siyang kinukwento sa iyo dati pa. " hindi ko agad iyon naproseso sa aking utak. dati naman ay hindi ko iyon gaano pinapansin. oo, nagkukwento siya pero kahit kailan ay hindi niya sinabi ang pangalan ng kuya niya ! kahit mukha ay hindi ko alam!

" ah,oo. n-nice to meet you po? " i was unsure kung anong dapat gawin. magsplit kaya ako? joke di ako marunong.

" kuya,eto nga pala si pyeon rina! kilala mo na 'yan,lagi ko siyang kinukwento sa iyo eh." tumingin si hangyul sa akin. hindi ako makatingin ng diretso at nakatingin lamang sa sapatos niya. ano kayang tatak ng sapatos niya? dinuduraan kaya ito tapos pinupunasan?

" oh,rina. i know her. " noong sumulyap ako sa kanya ay nakatingin siya sa akin at nakangisi. isang ngising  nagsasabing mayroong hindi alam ang kanyang kapatid tungkol sa aming dalawa.

" tara na,kuya! sabi mo ay dapat uuwi tayo ng maaga ngayon,diba? " hinila ni hanna ang braso ng kanyang kuya. kanina pa siya nakayapos doon at ayaw bitiwan.

" bye,rina! " kumaway si hanna. ngitian ko siya at nagpaalam din.

" see you again,rina..." lumingon ito si hangyul sa akin at ngumisi.

𝐒𝐀𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐑𝐈𝐍𝐆𝐒 ꧇ 𝐋𝐄𝐄 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐘𝐔𝐋Where stories live. Discover now