016

103 11 15
                                    

CHAPTER 16

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 16

KINABUKASAN.

" okay class,reporting tayo. who wants to volunteer? dalawa lang ang kailangan ko. " nagtaas ng kamay si hanna. agad naman akong sumunod sa kanya at nagtaas din.

" okay,lee hanna and pyeon rina. ito irereport niyo. " inexplain naman iyon ni maam. mabuti nalang at hindi gaano kahirap at kaunti lang ang susulatin.

noong vacant ay pinag-usapan namin iyon ni hanna.

" gawa nalang tayo sa bahay namin. hindi kasi ako papayagan sa inyo. " sabi niya. pumayag naman ako. hindi naman ito ganoon kalayo pero strict kasi ang parents ni hanna.

ARAW NG SABADO

pagkatapos kong magpaalam ay pumunta na ko sa bahay nila hanna.

" hanna? lee hanna? " kumatok ako sa gate nila. medyo napaatras ako. baka may aso dito.

maya-maya ay may nagbukas ng gate.

si hangyul,shet !

" pasok na,rina. nasa kwarto ang kapatid ko at nagmumukmok. "

tinanggal ko ang suot kong sapin sa paa at pumasok sa bahay nila. maganda at simple. malinis din ito. nakasunod lang ako kay hangyul. first time ko kasing makapunta sa bahay nila hanna. may second floor pa ang kanilang bahay.

umakyat kami sa hagdan at tumigil sa isang pinto. lee hanna ang nakalagay sa labas ng kwarto.

" andyan ang kaibigan mo. mauna na ako at maglalaba pa ako. " pagsulyap ko sa kanya ay pababa na ito. white shirt lang at simpleng shorts ang suot niya. may bula pa siya sa kamay. naglalaba pala siya!?

kumatok ako sa pinto. bumungad sa akin si hanna na nakasimangot at nakakrus ang kamay. noong nakita niya ako ay nagulat siya.

" rina! doon ka muna sa sala, magbibihis lang ako" medyo nahihiya pa ako bumaba ng hagdan pero bumaba rin naman ako. dahan dahan akong umupo sa sofa nila.

ang pagtunog lamang ng washing machine ang naririnig ko. hindi ko naiwasang mapalingon dahil sa malakas na tunog. nasulyapan ko pa si hangyul na nakatalikod at kita ang bula sa kanyang kamay. sumulyap siya sa akin.

nagkatinginan kami ngunit kaagad akong nag-iwas ng tingin. mabuti nalang at pababa na si hanna.

" dala mo ba yung manila paper at marker?" hinanap ko iyon sa bag ko at ibinigay sa kanya.

mga halos 30 minutes ang lumipas bago magawa ang report namin. sumasakit ang kamay ko. napasandal ako sa sofa dahil sa pagod.

" grabe ang sakit ng kamay ko! " i complained.

" ako rin! " minassage ni hanna ang kanyang kamay.

maya maya ay pumunta si hangyul sa amin,may dala dalang tray. wao may pameryenda naman pala. oo nga pala,tapos na rin siya maglaba kanina pa.

" magmeryenda muna kayo. " inilapag niya ang tray sa mesa. tatlong biscuit at dalawang juice.

" ang weird ni kuya ngayon. " napailing si hanna noong umalis si hangyul.

" bakit naman?" napakunot ang noo ko.

" kabisado ko si kuya. mapagbigay 'yan kung masaya. tingnan mo,may pasobrang biscuit. "

" masaya siya ngayon? " nagkibit balikat si hanna.

" hindi ko rin alam. " iyon ang sabi niya.

 " iyon ang sabi niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

AUTHOR'S NOTE

omg gaiz sorry sa delay ng update ang plan ko talaga is daily update kaso ayon nakalimutan ko so enjoy the double update nalang ngayon !

𝐒𝐀𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐑𝐈𝐍𝐆𝐒 ꧇ 𝐋𝐄𝐄 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐘𝐔𝐋Where stories live. Discover now