Chapter Seven

1.8K 87 3
                                    


NANG maluto ang inihaw na isda ay inayos na ni Andrea ang mesa sa maliit na palapala kung saan ang nagsisilbing dining nila. Round table lang ang ginamit niya. Pinapaupahan din iyon sa mga torista kasama ang videoke. Kapag wala siyang kasamang kumain ay sa loob lang ng cottage niya siya kumakain. Dumating na rin si Rafael. Inihanda na niya ang mga kobyertos. May ginawa rin siyang sawsawan ng isda na suka't kalamansi na mayroong sili.

"Hm. Ang bango ng ulam. May inilagay ka ba sa tiyan ng isda?" tanong ni Rafael. Umupo na ito sa silyang katapat niya.

"Nilagyan ko ng kamatis, bawang at dahon ng sibuyas," sagot niya.

"Kaya pala mabango. Mahilig ka ba sa maanghang?" anito.

"Hindi masyado."

"E bakit naglagay ka ng sili sa sawsawan?"

"Baka gusto mo."

"Gusto ko pero paano ka? Baka hindi mo kaya ang anghang."

"Okay lang. Makakapag-adjust naman ako."

Nagulat siya nang maglagay ng tuyo si Rafael sa bakanteng platito saka ito naghiwa ng isang kalamansi at ipinatak sa tuyo. Pagkuwan ay ibinigay nito iyon sa kanya.

"Bakit?" 'takang tanong niya.

"Ako ang dapat mag-adjust hindi ikaw," anito.

"Ikaw ang bisita rito, dapat priority ka," aniya.

"Ano'ng bisita? Nandito ako para magtrabaho. Come on, don't threat me like a boss. Let's eat," nakangiting sabi nito.

Lumabi siya. Napansin niya na panay ang sipat ni Rafael sa kaliwang kamay niya. Hindi ito gumamit ng kutsara. Naghugas lang ito ng kamay saka kumain na nagkakamay. Gumamit pa rin siya ng kutsara kahit gusto rin niyang magkamay. Naghugas lang kasi siya ng alcohol dahil nadarang sa init ang kamay niya at hindi puwedeng mabasa ng tubig.

"Did you asked yourself about your civil status, Andrea?" mamaya ay usisa ni Rafael. Nakatingin na naman ito sa kaliwang kamay niya.

Sinipat niya ang suot niyang singsing. Iyon marahil ang tinitingnan nito. "Of course, yes. The ring I worn was the only thing that I think is the key to recover my past. It might be the reason why I can't let my memories gone forever," sagot niya.

"Kaya ba mailap ka sa lalaki?" usig nito.

"Paano mo nasabing mailap ako?" kunot-noong tanong niya.

"Dahil obvious na iniiwasan mo ako. Naisip ko rin na imposibleng hindi na-in love sa 'yo si Martin. Maaring ayaw mo talagang makipagrelasyon."

Bumuntong-hininga siya. "Kailangan ko iyong gawin dahil ayaw ko'ng may umasa at masaktan kapag bumalik na ang alaala ko," aniya.

"Pero kung naikasal ka na, bakit walang nag-abalang asawa mo kung meron man na hanapin ka? Or kung hindi ka taga-rito sa bansa, sino'ng kasama mong pumunta rito? Ano naman ang dahilan kung pumunta kang mag-isa rito? Of course hindi ka basta pupunta rito na wala kang kakilala. Isa pa, marunong kang magsalita ng bisaya. Ibig-sabihin, tumira ka rin dito sa Pilipinas. At kung talagang may asawa ka, walang kuwenta ang lalaking iyon kung hindi niya alam ang nangyari sa 'yo, o hindi niya alam na narito ka sa Palawan," curious na sabi ni Rafael, na bumulabog sa kanyang isip.

Ang mga sinabi nito ay malaki ang naitulong para magkaroon siya ng mga ideya. Imposible nga namang walang maghahanap sa kanya, lalo na kung may asawa siya. Naging uneasy siya. Bigla na lamang sumakit ang ulo niya. Inabutan naman siya ni Rafael ng isang basong tubig. Ininom niya ang kalahati ng tubig.

"I think, na-stock lang ang utak mo sa kung anong impormasyong namulatan mo rito sa Palawan. Kailangan mong mag-explore. Pareho tayo ng kaso pero mas mahirap ang sitwasyon mo," sabi ni Rafael.

"Ginagawa naman ni Martin ang lahat para matulungan ako pero ang problema, kahit sumailalim sa identity scan ang litrato ko, walang lumabas na impormasyon tungkol sa akin. Baka nga hindi talaga ako nakatira rito sa bansa," aniya.

"Pero obvious na may dugo kang pinoy. Maaring foriegner ang isa sa parents mo at nakatira sa Visayas. Maaring tumira ka rito pero sa ibang bansa ka naglalagi. Wala ka bang nare-recall kahit konti kapag may nakikita kang pamilyar na bagay, lugar o naririnig na music?"

Napaisip siya sa huling sinabi ni Rafael. "Noong nag-perform kami sa Mactan Cebu, may mga area na pamilyar ako at nararamdaman ko na malapit sa puso ko ang lugar. May naririnig akong music na bumubulabog sa isip ko at damdamin. Pero mabilis ding naglalaho ang mga pangyayaring naiisip ko at nahirapan na ulit ako'ng ma-recall. Kapag pinipilit ko namang isipin ang nakaraan ay sumasakit ang ulo ko," aniya.

"Pareho pala tayo. Kaya minsan hindi ko na lang pinipilit na makaalala."

"That's okay for you because you have your family to guild you. Unlike me, I'm empty," malungkot na sabi niya.

"Huwag kang mawalan ng pag-asa. Siguro kulang pa sa effort si Martin para mas mabilis kang maka-recover. Siguro dahil busy siya," wika nito.

"What do you mean by that?" curious na tanong niya.

"For sure hindi ka niya inaaliw katulad ng pamamasyal, kuwentuhan and makes some weird things. Kasi, habang naaaliw ka sa paggawa ng mga kakaibang bagay, mga unexpected activities, doon minsan biglang nasasagap ang nawawalang memories. Ganoon ang ginagawa ko that's why I'm here in Palawan. Gusto kong mag-explore at lumayo muna sa realidad para makasagap ng ibang atmosphere. Naniniwala kasi ako na hindi lang sa isang lugar mahahanap ang nawala kong memories. Para sa kaso natin, effective ang music therapy. It will help us to remember our past."

Na-distract si Andrea nang makita niyang nilalagyan ni Rafael ng toyo ang kanin nito saka nito iyon binilog at isinubo. Ang weird pero may senaryong biglang dumapo sa isip niya.

"What are you doing? That looks dirty," komento ni Andrea nang makitang nilagyan ng kasama niyang lalaki ng toyo ang kanin nito saka binilog at isinubo.

"I'm always doing this since I was a kid," sagot ng lalaki.

Bumibilis ang tibok ng puso ni Andrea habang pinapanood niya si Rafael na kumakain.

"Bakit ganyan ka kung kumain?" hindi natimping tanong niya kay Rafael.

Ngumiti ito. "Sorry if it looks dirty. Kapag dry ang ulam at mayroong sawsawang toyo, palagi ko itong ginagawa simula noong bata ako. Pero siyempre, hindi ko ito ginagawa sa mga pormal na kainan. Okay lang dito kasi nasa beach tayo at cowboy naman ang tema natin," sabi nito, na lalong nagpatulin sa tibok ng puso ng dalaga.

God! It's really weird.

Paulit-ulit siyang bumuntong-hininga. Sumasakit na naman ang ulo niya sa kakaisip. Kumain na lamang siya at binabalewala ang kanyang naisip.

Pagkatapos ng tanghalian ay tumambay sa temporary front office si Andrea. Katapat lamang iyon ng ginagawang gusali. Yare sa native materials ang ginawang temporary front office. Doon dumideretso ang mga guest at nagbabayad. May nai-assign siyang staff na lalaki para mag-entertain ng dumarating na guest. Siya lamang ang humahawak ng pera. Kapag wala siya ay si Aleng Delia ang naroon. Matagal nang katiwala ni Martin si Aleng Delia at kaanak ito ng yumao nitong kinilalang ina.

Nang wala pang dumarating na bisita ay naglibot muna siya sa resort habang Hawaiian dress ang kanyang suot. Nagsuot siya ng sunglasses at nagdala ng puting payong. Nang matiyak na maayos ang sitwasyon ng mga guests ay nagtungo naman siya sa construction site.

Namataan niya si Rafael na nagmamando sa mga trabahador, habang walang proteksiyon na sumusuong sa ilalim ng init ng araw. Nakasuot lang ito ng sunglasses. May sampung talampakan lang ang layo niya sa binata kaya pansin niya'ng basa na sa pawis ang puting kamiseta nito. Bakat na bakat na ang maskulado nitong katawan. Lumapit pa siya at tumayo siya sa lilim ng puno ng mahogany.

Mamaya ay humarap sa kanya si Rafael. Itinaas nito sa ulo nito ang suot na sunglasses saka humakbang palapit sa kanya. Hindi siya nag-alis ng salamin sa mata. Pasimpleng sinusuyod niya ito ng tingin.

You're Still the One (Complete)Where stories live. Discover now