Chapter Fourteen

1.7K 89 4
                                    


NAPANSIN ni Rafael ang biglang pananahimik ni Martin. Mamaya ay naglakad ito patungo sa bakanteng cottage. Sinundan kaagad niya ito. Nagdududa siya sa ginagawa nitong pagtulong kay Andrea.

"Marami na akong nagawa para kay Andrea. I think it's over," ani Martin.

Mariing nagtagis ang bagang niya. "Kaya ba ayaw mo nang bumalik ang alaala niya dahil ayaw mong masayang ang sakripisyo mo para sa kanya?" usig niya rito.

Matiim na tumitig sa kanya si Martin. "She's everything to me," bunyag nito.

Nag-init ang bunbunan ni Rafael. "Do you like her?" tanong niya.

"I don't just like her. I love her. I want her to stay with me forever. Alam ko namang mababaw lang ang amnesia niya at kaya kong magbayad ng tao para mag-imbestiga tungkol sa identity niya pero ayaw ko. Ayaw ko siyang mawala sa akin," agresibong pahayag ni Martin na lalong nagpainit sa ulo niya.

Hindi siya nakapagpigil. Nasuntok niya sa pisngi si Martin subalit hindi nito ininda ang pananakit niya.

"You lied to her! You're selfish, Martin! Hindi ka ba naaawa kay Andrea? Hindi mo ba naisip na maaring may mga taong umaasa rin sa kanya?" palatak niya.

"Kung merong umaasa sa kanya at may taong nagpapahalaga sa kanya, then where the hell they are? Seven years, walang ni isang lumitaw para hanapin siya!" ganti nito.

"Pero hindi pa rin tama ang ginagawa mo. Lalo mo lang siya pinapahirapan."

"She's fine. She's contented in my custody, until she meets you. Napansin ko ang pagbabago. Marami na siyang naikukuwentong pagbabago sa sarili niya at nakakaalala na siya. Nagulo ang isip niya noong nakilala ka niya. You should stay away from her, Rafael. Your presence won't help her."

Pakiramdam niya'y nag-akyatan lahat ng dugo niya sa ulo. Bumuntong-hininga siya. "Did you think why she felt changes? Because she found something familiar in my presence," giit niya.

"How dare you say that? You also have amnesia," anito.

"Oo nga, pero unti-unti ko nang naipagbubuklod ang mga pamilyar na senaryo. One thing, Martin, would you please tell me the exact date the time you found Andrea?" usig niya rito.

Nag-aalangang sumagot sa kanya si Martin. "Bakit gusto mong malaman?" usig din nito.

"I just want to know. Sasabihin mo o sasabihin ko kay Andrea ang plano mo para sa kanya?" Wala na siyang choice kundi takutin ito.

Naging uneasy si Martin. Bumuntong-hininga ito. "Fine. Natagpuan ko siya sa pampang ng dagat dito na walang malay noong pasado alas-singko ng madaling araw noong December 8, last year," sabi nito sa eksaktong petsa.

Tulalang nakatitig lang si Rafael kay Martin. Ang petsa, ganoon din ang petsang natagpuan umano ng mga tauhan ni Arnel ang yate na sinakyan niya. Nakuha siyang walang malay at dinala sa ospital. Na-comatose pa siya ng dalawang linggo noon. Noong magising siya ay wala siyang maalala. Mabuti at naroon ang kanyang ina at mga kaibigan at tinulungan siyang makilala ang kanyang sarili.

Nang sumakit ang ulo niya sa kakaisip ay iniwan niya si Martin. Nagtungo siya sa kanyang cottage. Kinuha niya ang kumpol ng susi na nakakabit sa dalawang key chain na pinagtabi niya. Kinuha niya ang key chain na gustong-gusto ni Andrea. Habang nakatitig siya sa key chain ay may senaryong dumapo sa isip niya. Isang senaryo kung saan may isang babaeng nagbigay sa kanya ng key chain na iyon nang mapansin nito na walang key chain ang susi ng dala niyang kotse. Bumalik din sa diwa niya ang senaryo sa isang bar kung saan may bandang tumutugtog sa entablado. Ang babaeng vocalist maging ang ibang miyembro ay nakasuot ng itim na T-shirt na may imprinta ng agila na may kagat na pulang rosas.

Pagkuwan ay kinuha niya ang kanyang laptop saka binuksan. Mabuti nadala niya ang pocket wifi niya. Tinawagan niya si Nick at umutang muna ng load para sa internet niya. Ayaw na niyang lumabas para magpa-load. Ipinasa niya kay Nick ang numero ng card na gamit niya sa internet at ito ang nagpa-load.

Nang pumasok na sa numero niya ang load ay kaagad niya iyong nai-rehistro sa isang araw na unlimited internet. Binuksan na niya ang kanyang laptop saka nagbukas siya ng email. Nai-download niya ang files na ipinasa sa kanya ni Nick.

Isa-isa niyang tiningnan ang profile ng mga babaeng may pangalang Carina ay may kalakip na litrato. Masyadong marami kaya hindi sapat ang isang oras lang na pagtutok niya sa kanyang laptop.

Napako ang atensiyon niya sa ika-pitong profile ng babae. Paulit-ulit niyang binasa ang profile nito.

Name: Carina Alvarez Albano

Age: 23

Status: Single

Address: Lot 33, El Paso St., Vista Verde South, Texas

Nang i-zoom niya ang litratong kalakip ng nabasang profile ay para siyang nauntog at sa isang iglap ay dumagsa sa isip niya ang ilang nakaraan.

"Okay. It makes sense now," sabi niya.

Kumislot siya nang may kumatok sa pinto. Itiniklop niya ang kanyang laptop saka tinungo ang pinto. Nang buksan niya ang pinto ay tumambad sa kanya si Andrea, suot ang pulang dress. Nakaisang tali ang buhok nito at may manipis na make-up at lipstick. Sinuyod niya ito ng tingin.

NAGULAT si Andrea nang bigla siyang yakapin ni Rafael. Napakahigpit ng yakap nito na halos ayaw siyang pakawalan. Hindi siya pumalag nang siilin nito ng halik ang kanyang mga labi, bagkus ay tinugon niya ang halik nito. Nang kapwa kapusin ng hininga ay kusa na siyang lumayo rito.

"Aalis na kami ni Martin," paalam niya rito. Habang sinasabi niya iyon ay parang kinukuyumos ang puso niya. Hindi na siya sanay na mapalayo kay Rafael nang matagal.

Walang imik na pinagmasdan lang siya ng binata. Tinalikuran na niya ito. Nang makalimang hakbang siya palayo rito ay biglang...

"Carina! I love you..." narinig niyang sabi ni Rafael.

Umugong sa pandinig niya ang pangalang itinawag nito sa kanya. Ganoon na lamang ang pagtahip ng dibdib niya. Marahas niyang hinarap si Rafael. Nasorpresa siya nang mapansin itong lumuluha. Hindi niya maintindihan bakit parang pinipiga ang puso niya habang nakatingin siya kay Rafael.

"You have to promise me, first. Babalik ka. Babalikan mo ako," mamaya ay sabi nito.

Lalo lamang nagsikip ang dibdib niya. Pakiramdam niya'y napakahirap mangako rito gayung sinabi ni Martin na uuwi ng Maynila si Rafael.

"Aalis ka rin 'di ba? Ayaw kong mangako. Hindi rin ako aasang babalik ka para sa akin," emosyonal na pahayag niya habang pigil ang kanyang pagluha.

"May project ako rito. Kailangan kong bumalik," anito.

"Dahil lang iyon sa project."

"No. Babalik ako para kunin ang dapat sa akin. You're mine and I am yours. Walang ibang puwedeng mag-ari sa atin dahil tayo ang para sa isa't-isa. Nangako akong papakasalan kita. Tinanggap mo ang proposal ko. You came here for me, alalahanin mo, Carina."

Nabuburyong siya. Hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ni Rafael pero ang pangalang binibigkas nito, pakiramdam niya'y konektado sa pagkatao niya.

"I need to go," aniya. Natatanaw na niya ang bulto ni Martin na palapit sa kanila.

Tinalikuran niya si Rafael at sinalubong niya si Martin.

Humagulhol si Andrea nang makapasok siya sa palikuran ng sinasakyan nila ni Martin na yate. Palayo na sila sa isla ng Cuyo. Hinihipo niya ang singsing na suot niya habang walang ibang laman ang isip niya kundi si Rafael. Hindi na natahimik ang isip niya simula noong naging malinaw sa kanya ang paulit-ulit niyang panaginip. Hindi siya maaring magkamali na si Rafael ang lalaking kasama niya sa panaginip kung saan ay nakasakay sila sa yate. Kasunod ng mga senaryong iyon ay dumagsa na ang pagbabalik ng alaala niya. Subalit naguguluhan pa rin siya. Ano ba talaga ang nangyari sa kanila ni Rafael?

You're Still the One (Complete)Where stories live. Discover now