Chapter Fifteen

1.7K 95 2
                                    


NASORPRESA si Rafael pag-uwi niya sa bahay nila ay mayroong nagaganap na party. Naroon na ang Daddy niya kasama ang Rogers family na siyang bagong business partner ng kumpanya nila. Maraming tao. Ang alam lang niya ay family dinner ang madadatnan niya kasama ang pamilya Rogers kaya nagsuot lang siya ng bughaw na pantalong maong at itim na long sleeve shirt. Sinalubong naman siya ng kanyang ina at iginiya siya paupo sa silyang katabi ni Sandra, ang nag-iisang anak na dalaga ng mga Rogers. Napakaganda nito sa suot nitong pulang half shoulder dress.

Nagtataka siya nang mapansing may hawak nang microphone ang Mommy niya at kinukuha nito ang atensiyon ng mga bisita.

"Good evening ladies and gentlemen! Tonight is a very important moment for our family and of course for our company. For the bitter future of Dela Vega Real estate developer and Construction Company, we had decided to choose Rogers Corporation as our new business partner. And also I'd like to take this opportunity to announce that tonight was my son's engagement with her fiancee. Ms. Sandra Rogers," anunsiyo ng kanyang ina na labis na nagpagimbal sa kanyang pagkatao.

Marahas siyang tumayo ngunit hinawakan siya ni Sandra sa braso at hinila paupo muli. Nagpalakpakan ang mga tao. Dumagsa na ang pagbati ng mga bisita sa kanilang dalawa ni Sandra. Napansin niya na masaya ang dalaga at mukhang tanggap ang desisyon ng mga magulang nila. Pero hindi siya makapapayag. Nang magkaroon siya ng pagkakataon ay nilapitan niya ang kanyang ina.

"Ma, it's embarrassing for me! Bakit kayo nagdedesisyon para sa akin?" nanggagalaiting sabi niya sa kanyang ina.

Noon lamang siya tuluyang naghinanakit sa kanyang ina dahil sa pagkakait nito sa katotohanan tungkol sa kanyang nakaraan. Wala itong binanggit sa kanya tungkol kay Carina.

"Hijo, nag-usap na tayo tungkol kay Sandra. Mabait siya at malaki ang maitutulong niya sa business natin. I thought you like her dahil nagkita na kayo sa Texas before," sabi nito.

Hindi na siya makatiis. "We need to talk privately, Ma, please," aniya.

"Later, okay? Let's enjoy the rest of the party first," anito at pilit siyang binabalewala.

"No. I have to go. Hindi ako magpapakasal," protesta niya.

"Rafael!" hasik ng kanyang ina.

Hindi siya nagpapigil dito. Malalaki ang hakbang na iniwan niya ito. Palabas na siya ng lobby nang may kalalakihang humarang sa kanya at sapilitan siyang ibinalik sa party.

"Pakawalan n'yo ako, ano ba!" hasik niya habang nagpupumiglas. Gapos siya ng dalawang malalakas na lalaki.

Nang makita niya ang kanyang ama ay kumalma siya nang ilang sandali. Ngunit nang sumpungin siya ng galit ay nagwala na siya. Nilapitan niya ang kanyang ina.

"Nagsinungaling ka sa akin, Ma. Naaalala ko na ang mga nangyari. Bakit hindi mo nasabi sa akin ang totoong dahilan bakit ako nagpunta ng Palawan? Why Carina didn't exist? Why?" nanggagalaiting kastigo niya sa kanyang ina habang tumutulo ang kanyang mga luha.

Tulalang nakatitig sa kanya ang ginang. Hindi niya ito tinigilan hanggat hindi ito nagsasabi ng totoo.

"Alam mo kung sino ang babaeng mahal ko, di ba? Bakit wala kang binaggit tungkol sa kanya?" usig niya rito.

"Because she does not deserve you, Rafael! Maikling panahon mo lang siyang nakilala sa Texas at isa siyang liberated na babae, a bar owner, a vocalist of unfamous band. Nag-research ako tungkol sa kanya. Anak siya ng Pinay na babaeng bayaran na kalaguyo ng isang Latinong US Army na mayroong pamilya. Anak siya sa labas. Nagmula sa Cebu ang nanay niya na nagtrabaho sa isang night club sa Texas. Noong namatay ang nanay niya, kinuha siya ng tatay niya at dinala sa Texas at doon na siya lumaki. I hate her environment; the people around her and her lifestyle. She's living in a night life. Hindi ako makapaniwala na nagkagusto ka sa katulad niya," bunyag ng kanyang ina hinggil sa pagkatao ni Carina, na walang iba kundi si Andrea.

"I don't care who she was for you. I love her. I chose her not because of her backstory. I just love her who she really was. I was disappointed in you, Mom," may hinanakit na pahayag niya.

Napaluha ang kanyang ina. Nababasa niya ang guilt sa mga mata nito. "I'm sorry, son. I just want to give you a bitter future. Alam kong mataas ang standard mo sa babae kaya hindi ko matanggap na mabilis kang napamahal kay Carina. Tinutulan ko ang desisyon mong pakasalan siya pero nagpumilit ka. Umalis kang hindi nagpaalam sa akin. Nagpunta kayo sa Palawan. Nalaman ko na lang iyon noong nakita ko ang post mo sa Facebook account mo na naroon kayo sa yacht club ni Arnel. At noong nabalitaan ko ang trahedyang naganap sa inyo, sumugod kaagad ako sa El Nido. Naabutan kita sa Ospital. Hinanap ko si Carina pero ang sabi ng mga tauhan ni Arnel, na nawawala si Carina. Kinausap ko ang mga tauhan ni Arnel at sinabing huwag silang magkuwento sa 'yo tungkol kay Carina. Nag-utos ako ng tao para hanapin si Carina. Ang sabi niya, may taong nakakita kay Carina at nalaman ko na nagkaroon ng amnesia si Carina. Noong nagising ka, nagulat ako nang wala kang maalala. Ang sabi ng doktor, nagkaroon ka ng amnesia. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para tuluyang mawala sa buhay mo si Carina. Tinago ko lahat ng bagay na maaring makapagpaalala sa 'yo tungkol sa kanya. Pina-hack ko ang dating Facebook account mo na may mga litrato kayo ni Carina," mahabang kuwento ng kanyang ina.

Tuluyan siyang nilamon ng galit. Nang makontento siya sa paliwanag ng kanyang ina ay iniwan na niya ito. Nagpumilit siyang makaalis.

Walang tigil sa pagpatak ang kanyang luha ni Rafael habang lulan siya ng kanyang auto at tinatahak ang daan patungo sa bahay niya sa Makati. Pagdating niya sa bahay ay tinawagan niya si Andrea ngunit hindi siya nito sinasagot.

You're Still the One (Complete)Where stories live. Discover now