Chapter Seventeen

2K 95 0
                                    


NAKAPAG-BOOK na ng flight pauwi ng Texas si Sofia para sa kanilang dalawa ni Carina. Mayroon pa silang dalawang linggong pananatili sa Pilipinas kaya nilubos iyon ni Carina. Na-recover niya ang passport at visa niya sa mga tauhan ni Arnel na pinsan ni Rafael. Masama ang loob niya nang mapaamin niya ang staff ni Arnel na ipinatago pala ng Mommy ni Rafael ang mga papeles niya. Alam niyang against sa kanya ang Mommy ni Rafael dahil noong ipakilala siya ng binata sa ginang ay mabigat ang pakikitungo nito sa kanya. Pero hindi niya naisip na magagawa nitong linlangin si Rafael para lang mawala siya sa buhay ng anak nito.

Gayunpaman, itinuring na lamang niyang aral ang mga naganap sa buhay niya. Sadyang may mga taong ganid na handang gawin ang lahat para sa pansariling kapakanan. Nabalitaan niya na inatake pala sa puso ang Mommy ni Rafael. Iyon marahil ang dahilan bakit hindi na matanggihan ni Rafael ang pagpapakasal sa babaeng gusto ng ina nito para rito. Obvious naman na dahil sa yaman kaya gusto ng Mommy nito si Sandra. Nakakatanggap siya ng balita tungkol sa buhay ng mga ito dahil kay Sofia na may kakilalang nagtatrabaho sa pamilya ng mga Dela Vega.

Nag-stay sila ni Sofia sa rest house ng mama niya sa Mactan Cebu. Beach side ang dalawang palapag na bahay pero walang nakatira. May mataas lamang iyong bakod. Simula noong namatay ang Mama niya ay hindi na sila nakakapagbakasyon doon. Matagal na ring patay ang parents ng Mama niya at nasa US na rin ang ibang kaanak ng kanyang ina. Mabuti na lang bago namatay sa sakit sa kidney ang tatay niyang latino ay nabiyayaan pa siya ng mana kahit anak lang siya sa labas. Nakatanggap siya ng isang milyong dolyar na siyang ipinuhunan niya sa pagpapatayo ng bar. Maliban sa bar ay matagal na rin siyang vocalist ng bandang 'Royal Eagle' sa Texas. Noong hindi pa niya nakilala ang mga kabanda niya ay solo singer siya sa isang bar. Madalas silang tumutugtog sa mga bar maging sa kanyang sariling bar. Maliban sa pagkanta, sumasayaw din siya. Madalas siyang sumasali sa mga solo dance competition. Namana niya ang kanyang talento sa kanyang ina na dating dancer at singer sa isang bar sa Texas. Aminado siya'ng nagtrabaho rin sa isang night club ang nanay niya at doon nito nakilala ang tatay niyang sundalo. Pero noong maipanganak siya'y nag-focus ang kanyang ina sa pagkanta at pagsasayaw. Hindi niya ito minsan ikinahiya. Mahal niya ang kanyang ina. Kahit matagal na walang suporta ang tatay niya, hindi siya pinabayaan ng nanay niya. Nagpatuloy ito sa pagtatrabaho sa Texas habang iniwan naman siya noon sa Cebu, sa kanyang grandparents hanggang sa naging twelve years old siya. Noong nakapag-ipon ito at nakabili ng condo unit sa Texas ay kinuha na siya nito. Doon na siya sa Texas lumaki at nakapagtapos ng college sa kursong business administration at nag-aral din siya ng bartending. College friend naman niya si Sofia at ito rin ang tumulong sa kanya para makapagsimula ng business. Naikasal na si Sofia sa long time boyfriend nitong amerikano pero wala pang anak.

Noong bago siya umalis ng Texas para umuwi ng Pilipinas ay naihabilin niya sa manager ng bar niya na si Megs ang kanyang negosyo. Nangako siyang babalik siya after six months ng bakasyon niya. Nangako kasi siya kay Rafael noon na papasyal siya sa Pilipinas at makikipagkita siya rito. Nasorpresa siya noong pagdating niya sa bansa ay isinama siya ni Rafael sa bahay ng mga ito at ipinakilala sa parents nito.

Three months silang naging magkasintahan ni Rafael, simula noong nagbakasyon ito sa Texas. Nagkakilala sila sa kanyang bar. Madalas itong nagagawi roon kasama ang mga pinsan nito. Kaibigan ni Sofia ang isa sa pinsan nitong si Clark. Ang akala niya noong una ay si Sofia ang nililigawan ni Rafael, ngunit nalaman niya na gusto lamang nitong mapalapit kay Sofia para mapalapit sa kanya. Inamin sa kanya noon ni Rafael na una itong na-in love sa boses niya. At noong nalasing ito at naiwang mag-isa sa bar niya ay pinatulog niya ito sa guest room nila. Sa hindi inasahang pagkakataon ay natukso siya rito at naganap ang one night stand sa pagitan nila. Iyon ang unang pagkakataong naisuko niya ang kanyang pagkaberhin.

Sa mga sumunod na araw ay pabalik-balik pa rin sa bar niya si Rafael, hanggang sa niligawan siya nito. Naalala na niya. Ang key chain na pinamimigay ng banda nila sa mga guest singer ang kauna-unahang bagay na ibinigay niya kay Rafael. Sa loob ng isang buwang panliligaw nito sa kanya ay sinagot niya ito. Madalas silang nagkikita sa labas at namamasyal. Sinusuportahan lahat ni Rafael ang ginagawa niya.

At noong nagkita sila sa Pilipinas ay niyaya siya nitong mamasyal sa Palawan. Nasorpresa siya noong mag-arkila ng yate si Rafael. Hindi niya iyon in-expect dahil sabi nito ay maliligo lang sila sa beach at matsi-check-in sa isang hotel. Piniringan pa nito ang mata niya mula sa kotseng ginamit nila hanggang sa yateng inarkila nito. Biglaan ang desisyon nito at naalala niya na tanging operator lang ng yate ang kasama nila. Pasekreto pa raw iyon dahil hindi ito nagpaalam sa ina nito na pupunta itong Palawan. Hanggang alas-nuwebe lang dapat sila ng gabi sa yate at doon sila naghapunan. Hindi niya inasahan na doon magpo-propose ng kasal sa kanya si Rafael. Inabot na sila ng hating gabi roon. Naaliw sila pareho kaya hindi nila namalayan ang oras. Nakatulog siya at nang magising siya ay binabayo na sila ng malakas na hangin at ulan. Biglaan daw ang pag-ulan noon at hindi napaghandaan ng operator. Hanggang sa nangyari ang trahedya na naging sanhi ng paghihiwalay nila ni Rafael at pareho silang nagkaroon ng amnesia.

Dalawang araw bago ang flight ay bumalik sila ni Sofia sa El Nido at pormal na nagpaalam si Carina sa mga taong naging bahagi ng bago niyang alaala. Nagkita ulit sila ni Martin. Sadyang mabait si Martin at malawak ang pag-unawa. Pangako niya sa kanyang sarili na kung sakaling handa na siyang magmahal ulit at nagkataong binata pa si Martin, ito ang pipiliin niya. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi niya basta maitatakwil sa puso niya si Rafael. Ito ang unang lalaking minahal niya nang lubos.

Pagbalik ng Maynila ay nagtataka si Carina bakit kumuha pa si Sofia ng hotel room. Limang oras na lang naman ay flight na nila.

"Sana sa airport na lang tayo tumambay," sabi niya kay Sofia.

"Hustle masyado. Mag-stay muna tayo rito kahit two hours lang. Ilang minuto lang naman ang biyahe papuntang airport mula rito," sabi nito habang nag-aayos ng bagahe nito.

Lumuklok siya sa kama. Ang totoo'y inaantok pa siya. "Baka ma-late tayo. Traffic pa naman," aniya.

"Don't worry, may nakausap na akong taxi driver na maghahatid sa atin sa airport. Matulog ka muna kahit isang oras lang. Gigisingin na lang kita," sabi ni Sofia.

Bumuntong-hininga siya. Pagkuwan ay humiga na lamang siya sa kama. Hindi na talaga niya natiis ang antok. Mabilis siyang nakalimot.

You're Still the One (Complete)Where stories live. Discover now