Chapter Twelve

1.7K 92 0
                                    


PAGDATING ni Andrea sa tent ay pinapak niya ang adobong manok na mayroong patatas. Isang baso ng tubig lang ang dala niya. Nakaluklok lang siya sa carpet. Wala na siyang nakikitang tao na pagala-gala sa paligid. Tahimik na sa kanyang puwesto. Pasado alas-diyes na ng gabi kaya malamang tulog na ang ibang guest na nasa tent 'di kalayuan sa puwesto niya.

Nang maubos ang pagkain niya ay kinuha niya ang unan sa loob ng tent at humiga siya sa carpet habang nakatingala sa kalangitan. Sa mga sandaling iyon ay iniisip niya ang mga napag-usapan nila ni Martin tungkol kay Rafael. Mamaya ay bigla na lamang may aninong sumulpot kasunod ang bulto ni Rafael. Nakadukwang ito sa kanya. Bumalikwas siya ng upo. Nakatayo sa gawing kaliwan niya si Rafael habang nakatukod ang mga kamay nito sa mga tuhod nito at nakatingin sa kanya.

"Ano'ng ginagawa mo rito na mag-isa? Baka bigla kang gapangin ng ahas dito at matuklaw," sabi nito.

Hindi niya ito sinagot. "Bakit ka nandito?" sa halip ay tanong niya rito.

"Hinanap kita," sagot nito saka ito umupo sa tabi niya.

"Nagsawa ka na ba sa kausap mong babae?" aniya sa malamig na tinig.

"Taga-Maynila ang babaeng iyon at isa sa kliyente ng kumpanya namin. Huwag kang mag-alala, may asawa na 'yon," anito.

"Hindi ako nag-aalala. Bakit ba napakahangin mo minsan?" inis na sabi niya.

"Don't get me wrong. Hinuhuli lang kita."

"Ano naman ang huhulihin mo sa akin?"

"Please, give ourselves a try. Alam ko'ng komportable ka sa akin. Hayaan mong bumuo tayo ng sarili nating alaala bilang parehong may amnesia. Aminado ako na simula noong nakilala kita ay may mga naaalala na ako. Kaya gusto ko sanang magpatuloy ito," sabi nito.

Nawindang siya. Pareho sila ng nararamdaman ni Rafael. Napatingin siya sa kumpol ng susi na nilalaro ng kamay ni Rafael. Ang dalawang key chain ang tinitingnan niya. Ang isa ay may nakasulat na 'Palawan', habang ang isang bilog na yari sa stainless ay may nakaukit na imahe ng agila na may kagat na rosas sa tuktok. Walang pasabing inagaw niya sa kamay ni Rafael ang susi.

"Hey!" sabi nito.

Tinitigan niya maigi ang key chain na mayroong agila. Parang kidlat na dumaan sa isip niya ang ilang senaryo na nagpapakita sa ganoong bagay. May nakikita siyang mga musical instrument, mga ilaw, mga taong nagsasayaw at damit na may imprinta ng agila na katulad nang nasa key chain.

"Saan mo nakuha itong key chain na agila?" tanong niya kay Rafael.

"Nakita ko 'yan na sinasabitan ng susi ng maleta ko. Akin na, importabte 'yan," sabi nito saka pilit binabawi sa kanya ang susi.

Hindi niya iyon ibinigay. Gusto niyang kunin ang key chain dahil ramdam niya na may koneksiyon iyon sa nakaraan niya.

"Akin na ito," aniya.

"No!" mariing tanggi nito.

Pinilit niyang maalis ang key chain pero sa kagustuan ni Rafael na mabawi iyon sa kanya ay bigla siya nitong sinampahan. Napahiga siya nang hindi niya kinaya ang bigat nito. Natigilan siya nang mamalayang ga-daliri na lamang ang pagitan ng kanilang mga labi. Bigla siyang nanlumo. Nagkaroon ito ng pagkakataong mabawi ang susi sa kamay niya.

"Gusto mo ba talaga ang key chain? Take it again," hamon nito.

"No way, sa ganitong posisyon natin?" aniya. Nalalanghap niya ang amoy mint nitong hininga.

"Susuko ka na lang ba? Kung ako sa 'yo hindi ko titigilan ang isang bagay na gusto ko hanggat hindi ko nakukuha," anito.

"Huwag na. Hindi mo rin naman ibibigay sa akin."

You're Still the One (Complete)Where stories live. Discover now