Chapter Nine

1.6K 84 0
                                    


ITINAGO ni Andrea ang kastilyong ginawa ni Rafael. Pagkuwan ay nagbanlaw na siya sa banyo. Pagkatapos makapagbihis ay dumeretso na siya sa cottage kung saan sila mag-aalmusal. Nagsuot lamang siya ng maigsing maong pants at puting blouse. Naabutan niya si Rafael na abala sa pagtipa sa cellphone nito habang nakaupo sa bench katapat ng mesa.

Napansin niya na nanlalalim ang mga mata ni Rafael. Malamang wala pa itong tulog dahil sinabi nito na pinagpuyatan nito ang kastilyo. Umupo na siya sa katapat nitong bench.

"Hindi ka ba natulog?" tanong niya rito.

"Natulog naman, mga tatlong oras," sagot nito habang ang mata'y nasa cellphone.

"Bakit kailangan mo pang magpuyat para gawin ang kastilyo? Hindi ko naman hiniling sa 'yo iyon," aniya.

Tumitig ito sa kanya. "May isang salita ako. Sinabi ko na igagawa kita ng kastilyo pero hindi buhangin," sabi nito saka matipid na ngumiti.

"Pero sinabi mong totoong kastilyo ang gagawin mo."

"Hey. Sinabi ko 'yon pero may kondisyon. Igagawa kita ng totoong kastilyo, 'yon ay kung makikipag-date ka sa akin. Of course, castle was too much. You have to marry me first before I build a real castle." nakatikwas ang isang kilay na sabi nito.

Tumawa siya ng pagak. "Masyado ka namang agresido," sabi niya saka ipinakita rito ang daliri niya'ng may suot na singsing.

Ngumisi ang binata. "Singsing lang 'yan, puwede 'yang palitan," wika nito.

"But you can't replace the sintemental value of this ring," aniya.

"I can."

"How then?" tumikwas ang isang kilay niya.

Lumapad ang ngiti ni Rafael. "I'm not a typical guy you desire to marry with but I can give you enough care and love you need. Just give me a try," anito.

Umiling siya. Sinalinan niya ng pagkain ang plato niya. "You should eat first. I think you're just hungry," sabi niya rito.

Tumawa ng pagak si Rafael. "You know, I like you. You're such a simple caring woman. Not obvious but I feel it."

"I just do my job. Huwag mo itong bigyan ng ibang kahulugan," aniya.

"Inaasikaso mo ang meal ko dahil ba utos ni Martin?" usig nito.

Natigilan siya. Saka niya na-realize na hindi siya inutusan ni Martin na ipaghanda ng pagkain si Rafael sa lahat ng pagkakataon. Lalong hindi rin sinabi ni Martin na sabay silang kumain ni Rafael. Sinabi lang nito na idadamay niya sa pagluto ng pagkain si Martin at bahala na itong kumain kung gusto nito. Bigla niyang kinuwesyon ang kanyang sarili. Bakit nga ba kailangang hintayin pa niya si Rafael bago kumain?

"You should eat, please," sabi na lamang niya.

"Fine." Kumain na lamang si Rafael.

PINIPILIT ni Rafael na dedmahin ang mga nararamdaman niya para kay Andrea. Ang totoo, simula noong dumating siya sa islang iyon ay hindi na siya nakakatulog nang maayos. Palagi siyang nananaginip katulad pa rin ng senaryo sa yate. Ang singsing, ang pangalan ng babaeng inalok niya ng kasal ay patuloy na umuusig sa kanya. Lahat na ng kaibigan niya ay tinawagan niya at pinilit magkuwento tungkol sa huling babaeng nakarelasyon niya ngunit walang nakakapagsabi. Wala pa raw siyang naging opisyal na girlfriend.

Inaaliw na lamang niya ang kanyang sarili upang hindi maisip ang kanyang panaginip. Subalit simula noong napadalas ang pagsasama at pag-uusap nila ni Andrea ay lalo lamang siyang inuusig ng mga pamilyar na emosyon. Nang makita niya ang singsing na suot nito ay pilit dumadapo sa isip niya ang senaryo sa yate. Magkamukha ang singsing. Posibleng maraming katulad ang singsing pero kakaiba ang naramdaman niya nang makita niya ang singsing na suot ni Andrea.

Hindi lamang dahil sa singsing kaya nakakaramdam siya ng pamilyar na damdamin kundi sa presensiya mismo ni Andrea. Bawat anggulo ng mukha nito, maging katawan ay tila nakarehistro na sapuso't isip niya. Alam niya hindi iyon basta love at first sight. Pakiramdam niya'y may puwang na sa puso niya ang dalaga. Noong unang beses niya itong nakita, iniisip niya na naaakit lamang siya sa ganda ng katawan at mukha nito kaya siya nasasabik. Pero habang tumatagal na nakikita niya ito ay lalong lumalalim ang nararamdaman niya para rito.

You're Still the One (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon