Twenty-five~~cheating

1.9K 37 0
                                    

Stephen's POV

Hmmmm....Ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Cathlyn.Sa pagkakaalam ko ay wala naman syang trabaho para pagkaabalahan.Hmmm....hindi naman syang ganung tao na push sa trabaho.

Baka laging nagtatambay yun sa bahay ni Allison.Hmmm...baka nga kasi lagi nya binibisita yung anak ni Allison.Matagal ko nang tanggap yung sa amin ni Allison.At saka ngayon ay si Cathlyn na.Walang pag-aalinlangan kapag sya ang concern.

Sa isang linggo ay dalawa o tatlong araw lang kaming nakikita at sa mga araw na iyun ay dalawa o isang oras lang kami nagtatagal.Minsan kapag magkasama kami ay laging may nagtetext sa kanya o tatawag.At mga sandaling iyun ay agad syang aalis.At laging may pagmamadali.

Minsan iniisip ko na nagtataksil sya pero hindi din.Ewan ba...hindi ko sya sinusundan kapag aalis sya kasi ayokong malaman o alamin kung ano ang dahilan doon.Parang mas gusto ko pang hindi malaman baka masaktan lang ako.Pero alam kong kailangan dahil hindi ako matatahimik sa kakaisip ng dahilan.Ngayon naman ay magkikita kami.Alam nyo na.....may date kami.Tinawagan ko sya kagabi na magdadate kami.Sumagot naman sya ng oo pero parang hindi sya interesado.

Hayy....di ko na talaga alam .....

Naghihintay ako dito sa playground.Dito kasi kami unang nagkakilala ehhh kaya memorablena sa akin ito.Napatayo ako sa pagkaupo sa swing ng makita ko na sya.Napakunot ang noo ko ng parang may gasgas sya sa ilalim ng baba.

Kumaway agad sya sa akin.Bubbly sya kapag magkasama kami pero hindi din minsan....

"Stupid!!!"

Minsan gusto ko ring pagbuhulin yung bibig nya.Kasi naman...nakaka-inis yung endearment nya..but...well...i still love her....

Sinalubong ko sya.Habang naglalakad sya palapit sa akin ay nakikita ko na sya ng husto.May mga gasgas sya.Mukhang hindi nya rin alam na meron dahil pag-alam nya ay siguradong pagkakaabalahan nyang takpan yun.Nakajacket syang itim at tshirt na puti ang pangloob.Nakapants syang itim...she looks like a gangster...parang cool lang....

"Kanina ka pa nandito?"

"Yap...tagal mo pusa...san ka ba nagsusuot?"

"Sa bahay...."

Well ano pa nga ba....

"Ang dami mong gasgas...saan mo yan nakuha...nakikipag-away kaba???"

Mukhang nabigla sya sa sinabi ko.Dahil marami syang gasgas sa mukha...Tumakbo si Cathlyn sa isang tricycle.Paandar na sana yung driver nun peo nakisalamin pa....hayyy...si Cathlyn talaga....

"Hoyy.....grabe ka-"

"May pangalan ako"

"Hahaha"

Alam kong may pagkaisip bata sya.Ano pa nga ba...pero minsan parang hindi na sya yung Cathlyn na kilala ko.Tapos minsan lagi nyang kasama si Blade na yun...kainis lang....kasi sya kasama nya palagi ako minsan lang...oo....nagseselos ako...

"Halika nga....bibili tayo ng cotton at alcohol...linisin natin--"

"AYOKO!!!!! "

"Hahaha.....sabi ko nga...bibili tayo ng band-aid para matakpan o ointment para ilagay dyan sa gasgas mo-"

"Wag na....gasgas lang ito..."

Hinawakan nya ako sa kamay at naglakad na kami.Napangiti nalang ako sa inaakto nya ngayon.

"Anong gagawin natin..."

"Malay ko....ikaw anong gusto mong gawin na kasama ako at hindi yung Blade na iyun.....ano bang pinaggagawa nyo at nagseselos na ako"

"Hahahaha"

Abat...pinagtawanan lang ako...hmmpp..

"Hay nako stupid....stupid ka talaga....wala ka namang dapat na ikaselos dahil...ikaw yung gusto ko....walang iba"

Alam kong nakakabaklang pakinggan pero...ehemmm...hindi ako kinikilig...macho toh nohhh...

"Hahahha....namumula ka...uyy kinikilig...joke lang yun noh---joke lang ulit"

Iaambang ko na sana yung kamao ko sa kanya.Pero hinto lang...hindi ko sya kayang saktan nohhh...panakot lang.....

Gusto ko lang sulitin ngayon ang oras na kasama sya dahil alam kong aalis agad sya...

"May trabaho ka na ba??"

"Ako yung tinatanungan mo??"

"Ay hindi...yung puno"

"Hahaha...syempre ikaw"

"Ahh--ano...oo meron na nga"

"Ano naman?"

"Ano....secret yun..."

"Ano naman yun??"

"Kaya nga secret diba"

"Ha-ha...."

Nabigla ako ng tumunog yung cp nya.Nag-excuse muna sya para sagutin.Tumango nalang ako.Nakakainis naman..minsan nakakainis yung cp...wrong timing...

Nakita kong seryoso sya sa pakikipag-usap.Napatingin sya sa akin....ngumiti lang ako at sya naman ay hindi...seryoso syang nakikipag-usap sa kanino o sino yun.

Binaba nya na yung tawag at lumingon sa akin.

"Kailangan ko nang uma--"

"Grabe...kadadating mo lang...hindi tayo makakapagdate nun"

"Sorry Stephen...pero importante lang...kailangan ko nang umalis..sorry ulit...hayaan mo...babawi ako sayo...promise"

Tumingkayad sya para halikan ako at tuluyan na syang naglakad palayo ulit.....ulit....dahil paulit-ulit nalang...

Nang hindi ko na sya makita ay tuluyan na ako nawalang ganang maglakad-lakad.Hindi ko rin natuloy yung gusto kong gawin kasama sya.Yung mga gawaing kami lang...nood sine...kain sa labas...simple lang na date ang gusto ko.Wala na ako magagawa kung important yun.

Namumuo na sa isipan ko ang mga tanong na kung bakit sya umaalis agad?Ano ba sila ni Blade?Bakit sya lagi umaalis ehhh agad-agad?May iba na ba sya?....di ko na talaga alam.....

Umiiba na sya.Hindi na rin sya yu g Cathlyn na lagi akong binabara sa lahat.Lagi kaming magkasama noon ni Cathlyn.Pero ngayon ay limitado nalang.Minsan ibang Cathlyn na.Pero ang kinaganda lang ngayon ay nagiging sweet sya.Hindi sya noong mahilig magsalita ng mga ganuun.

Ayokong isipan sya ng masama.Ang alam ko lang ay may dahilan sya.At yun ang aalamin ko.Kahit na parang umiiwas sya.

Hindi ko sya masisisi kapag may kung anong masama syang magagawa kasi....well...sya si Cathlyn...

Ayaw ko syang sundan pero yung mga paa ko ay kusang naglakad sa direction kung saan sya dumaan.Ayoko muna syang sundan pero gusto kong-agggrr...kainis...

Nagsimula na akong maglakad.Nakita kong may hinihintay sya kasi parang nakatayo lang sya doon.Napakunot ang noo ko ng may humintong kotse sa harap nya at lumabas doon ay si Blade.....

Si Blade??!!!

Anong.....anong....anong ginagawa nya....

Nilang dalawa??

May secret ba sila? Ito ba yung secret na sinasabi ni Cathlyn....anong...niloloko ba nila ako..

Nakita kong pumasok sa loob si Cathlyn sa kotse.At pumasok si Blade din at umalis na sila....Naiwan akong tuliro doon..maraming tanong ang naglalaro sa isip ko at sa nakita ko ay parang nasagot na....are they cheating on me???...

Cheating.....

Yun ba.....

My Childish Mafia QueenWhere stories live. Discover now