thirty-six~~funeral

1.4K 25 1
                                    

Cathlyn's POV

MIRACLE DELA FUENTE CLARKSON
                             and
         DARK WAYNE CLARKSON
                        FUNERAL

Napatingin ako sa buong ayus ng bahay.Lahat may mga bulaklak.Lahat busy sa pag-aayus.Nakaayus na ang lahat...

Napatingin ako ng may dumating na mga kotse.May lumabas na mga tao at binuksan nila ang van.Nilabas doon ang dalawang kabaong.Dahan-dahan nila na nilapag ang kabaong doon.....

Lumapit ako at ako na ang nagbukas....Naramdaman kong may tumutulong luha sa mga mata ko...magkatabi sila sa paglagay doon...

Napahawak ako sa gilid ng kabaong at napayuko...ayokong magpakita ng kahinaan....ayokong makita nila na mahina ako....boss ako sa isang organization....ayokong makita nila na ang boss nila ay mahina.....

"Ma...pa...paghihiganti ko kayo....walang balat nya ang walang latay......."

Hinimas ko ang salamin ni papa...

"Paghihiganti kita pa...."

Umupo ako sa upuan sa tabi ng kabaong..

Nakita kong lumapit si Stephen sa akin...

"Cathlyn....gusto mo ba ng maiinom"

"Hindi....gusto ko lang muna mag-isa dito..."

"Sige....sabihin mo lang ang gusto mo ahhh"

"Sinabi ko na...gusto kong makapag-isa....please"

Tumango nalang sya at umalis...Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.Lumingon ako at si kuya yun...

"Alam mong hindi magugustuhan ni mama ang gagawin mo"

"Wala pa akong ginagawa"

"Alam kong may balak ka....."

"They deserve justice..."

"Naiintindihan ko..."

"Walang nakakaintindi sa akin..."

"Naiintindihan kita.....alam mo yan...nandyan si Stephen..."

"Gusto ko makaganti...kuya"

"Cathlyn....."

"Kuya nandoon ako....nandoon ako ng mabaril sila....nandoon ako...nakita ko kung paano nya pinatay sina mama at papa....wala akong nagawa ... hinayaang kong umalis yung si Edalb..
Wala akong nagawa kuya...w-wala...."

Niyakap nalang ako ni kuya.Hinayaan nya lang na umiiyak ako...

Nang tumahan na ako ay kumawala na sya...

"Ikaw muna magbantay kay papa at mama..."

Tumango nalang ako...Nakita ko g umalis si kuya.Sinalubong sya ni Ate Allison na tipid na ngumiti sa akin....

Nakakalungkot isiping walang namang kaalam-alam si mama ay nadamay sya....

Wala syang alam sa nangyayari...

Maraming nagsidatingang tao.Karamihan ay mga members ng organization.Mga ilang business partners...

Lahat sila ay nakiramay sa akin..

"Condolence Cathlyn..."

"Salamat Sabrina..."

Umupo sa harapan ko si Sabrina at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Alam kong masakit...naranasan ko na ang dinadaanan mo ngayon...."

"Sana mahanap na sya...nang mabigyan ko nang hustisya ang pagkamatay nila..."

"Anong gagawin mo pagnahuli mo sya...."

"Buhay ang kinuha nya...buhay din ang kukunin ko"

"Alam mo...kahit na kaapelyido ko pa yan ang support pa kita sa gagawin mo....he deserves it...."

Ngumiti nalang ako ng tipid sa sinabi nya....bilang nalang ang mga araw nya...Hindi ko sya mapapapatawad...

"Cathlyn...ako muna ang magbabantay kay papa....kumain ka na muna doon...."

Tumango lang si Sabrina sa sinabi ni kuya...

Tumingin ako sa ibang direksyon.

"Ayaw ko...gusto ko hanggang sa libing nila ay nasa tabi lang nila ako"

"Tama Cathlyn...talagang makakatabi mo sila kung pababayaan mo ang sarili mo....ikaw nalang at ang pamilya ko ang natitira sa akin....wag mo namang pabayaan ang sarili mo...kung nandito lang sina mama at papa ay pagsasabihan ka nila....alagaan mo ang sarili mo dahil hindi mo magagawa ang gusto mong gawin kapag humihina ka...kailangan lakasan mo ang loob at sarili mo....walang magagawa ang mga mahihina kapag sinakop ka nito....."


Hindi nalang ako sumagot.Tumayo ako at humarap sa burol ni mama at papa....Bago ako umalis sa pwesto ko at umakyat sa kwarto...

"Padadalhan kita ng pagkain doon...magpahinga kana..."

Tumango nalang ako sa sinabi ni kuya.Umakyat na ako sa kwarto.Pagkapasok ko palang ay humiga agad ako.Napaupo ako ng makarinig ako ng mga katok sa pinto...

"Bukas yan"

"Hi Cathlyn..."

Si Ate Allison pala...may dala syang tray ng pagkain.Itinabi nya muna yung dala nya at tumabi sa akin..

"Alam mo ba nung namatay si mama ko...hindi kinausap lahat ng tao.Well...bata pa naman ako...masakit mawalan..alam mo yan"

Tumango ako...

"Hindi lahat ng nawawalan ay nag-iisa na...may dadating at dadating para punan ang sakit na nararamdaman mo..ako....si kuya mo...dumating sya sa buhay mo....maraming tao na dadating sa buhay mo....hindi ka nag-iisa...tandaan mo yan...."

Tumango nalang ako....

"Isa lang ang masasabi at maiipapayo ko lang sayo.....sana....wag kang lamunin ng galit......"

Hindi ko alam ate....

Tumango nalang ako sa sinabi nya...Hindi ko alam kung mapipigilan ko pa ang galit ko....dahil ito nalang ang nagpapakilos sa akin.Ito nalang ang kumikilos sa utak ko....matagal na akong nasakop ng galit dahil umpisa palang ay ginalit nya na ako...

My anger management...nasa akin na yun...hindi ko napipigilan pa....

Ngumiti nalang ako kay ate at tumayo ako para kunin ang pagkain ng pigilan ako ni ate.

"Sana nasa tamang ayus ang puso at isip mo sa pagdedesisyon..."

Ngumiti nalang ako.Tumayo na si Ate Allison at lumabas na sa kwarto ko.Pero bago pa sya lumabas ay nagcondolence sya sa akin.Nagpasalamat nalang ako sa lahat ng tulong na binibigay nya.Masaya ako dahil may ate akong mapagsasandalan...masaya ako dahil napunta sya kay kuya.

Pero ngayon ay malungkot ako hindi dahil sa naging asawa sya ni kuya.Nalulungkot ako dahil sa mga layo na sinabi nya ay wala akong nasunod....

Kumain nalang ako.Masarap naman yung pagkain pero namimiss ko ang luto ni mama na hindi ko na matitikman pa...mamimiss ko si papa sa pangungulit nya.Namimiss ko si mama dahil wala na akong mabait at maunawain na nanay...mamimiss ko si papa dahil wala na akong matapang at supportive na tatay...namimiss ko na sila....

Hindi ko na naubus ang pagkain na dinala ni Ate Allison....Binaba ko na yun... Hindi ko na magawang makakain.Nawalan ako ng gana.

Napahiga nalang ako sa kama.Marahas kong pinunasan ang mga luha...pangako ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak dahil dito....magiging mas matapang ako...kung kailangan kong ibahin ang pagkatao ko para lang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng magulang ko ay gagawin ko....

Hindi ko sya mapapatawad.Gusto nya ng makita ang magulang nya ay isususnod ko na sya...mauuna mo na syang mamatay bago ako......

My Childish Mafia QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon