thirty-two~~note

1.3K 29 0
                                    


Cathlyn's POV

"Ohh...anak...bat nandito ka pa..ako muna magbabantay sa kanya...magpahinga ka muna..kanina ka pa nagbabantay sa kanya....siguradong mapagsasabihan ka ni Stephen na magpahinga na....mukhang hindi ka pa kumakain ng umagahan.....Ngayon ay kailangan mong kumain ng tanghalian...."

"Gusto ko lang po na makita si Stephen na gising na at gusto ko rin po na makita nya ako sa paggising nya"

"Alalahanin mo rin ang kalusugan mo....makikita ka nga nya pero pareho kayong nakalatay dito sa hospital....Huwag kang mag-alala...nandito ka sa paggising nya.....magpahinga ka muna...."

Tumango nalang ako....Si Tita Stephanie ang mama ni Stephen....Hindi rin obvious nohh....

Napatingin ako sa nakalatay parin na si Stephen.Hinawakan ko yung kamay nya at inilapit ko sa pisnge ko...

"Aalis muna ahhhh....hintayin mo ako ahhhh...pinapagalitan ako ni tita"

Tumingin ako kay Tita.Ngitian nya lang ako...

"Sige na nga aalis na ako..."hinalikan ko si Stephen sa pisnge.Tumayo na ako at kinawayan ko nalang si tita na tumango naman....Pagkalabas ko sa pinto ay parang gusto kong bumalik.Para kasing hindi ko kayang malayo kay Stephen sa kalagayan nya.Pero nandoon naman yung parent nya so ok lang....Nagsimula na akong humakbang nang makarinig akong bulungan...

Napatingin ako sa direction ng tunog.May isang babae na kinakausap ang doctor.

"Doc...please...pwede na po ba toh...babayarin din po namin ang kulang....Kailangan na pong operahan ang anak ko...."

Napakunot ang noo ko ng makita kong umiling ang doctor.Umiiyak na yung nanay sa harap nya....bakit ganun sya.....

"Kailangan nyo munang magbayad..."

Lumapit ako sa nag-uusap.Napatingin naman sa amin sila.Bakas parin sa mata ng nanay ang lungkot at pag-alala....

"Doc...bakit hindi nyo muna tanggapin....babayarin naman pala yung kulang....kailangan na palang maoperahan nyo na yung anak nya..."

"Yan ang mahirap sa mga katulad nyo....purket mahirap ay kailangan ng palagpasin....ehhh kung hindi ko nalang opera---"

Bago ko pa marinig o patapusin mag salita ang doctor ay hinawakan ko na sa kwelyo at ibinalandra sa pader....

"Masyado yata masakit ang mga nilalabas ng bibig mo....gusto mo bang literal na sakit ang maramdaman mo...."

Binitawan ko na yung doctor.Nilabas ko yung wallet ko at kumuha ng pera doon...

"Yan....baka kulang pa yan...kausapin mo yung pinaka head ng hospital na tohh....sabihin mong KULANG YUNG NAGBAYAD AT SABIHIN MO NA SI CATHLYN DEMONICE CLARKSON YUN!!!!!"

Si daddy ang may-ari ng hospital na tohh na ipinangalan na sa akin....

Mukhang ngayon lang napansin ng doctor na kaharap nya ang may-ari.Nakayukong umalis yung doctor.Nakaramdam akong may humawak sa kamay ko....

"Salamat maam...maooperahan na yung anak ko....."
Napangiti nalang ako...

"Ok lang yun....ang mahalaga ay ok na yung sa gastos ng anak nyo po...

Naglakad na ako paalis.Nakasalubong ko si tita na may dalang twalya....Nakangiti sya sa akin....Mukhang nakita nya yung pangyayari kanina.Napayuko ako...kasi naman.....nakakahiya kaya yun....gusto kong magrolling nalang paalis...

"My son is so lucky to have you...."

Napangiti nalang ako sa sinabi ni tita...kahit papaano ay nawala yung pagkailang ko sa parents ni Stephen..

Lumabas na ako sa hospital at dahil wala akong sasakyan ay nagpara nalang ako ng taxi.....Mukhang mahirap maghanap dito ahhh...kaya naglakad-lakad ako muna....may napansin ako sa basurahan na parang metal....kaya hinugot ko yun at isa iyung plate number...Hmmm....saan namang galing---ohhh....ito yung nasa video ng kotseng ginamit.....magagamit pa kaya ito parang mahanap kong sino yun...baka kinarnap lang yung kotse....kaya baka madamay pa yung dating may-ari ng kotse.....

Tinapon ko nalang ulit iyun...alam ko namang si Edalb yun....like what i said....

Nagmakita kong malayo-layo na ang nalakad ko ay dumeretso na ako sa may todahan ng tricycle.Mukhang wala talagang mahanap na taxi....ok rin namang sumakay sa tricycle kasi nakakaenjoy....

"Kuya doon sa DC resto...."

Tumango nalang si kuya driver...Doon ako kakain sa resto ni kuya....masarap doon at parang ngayon ko lang naramdaman yung gutom ko.....kasi nung na sa hospital ako ay parang wala lang ngayon ay gutom na gutom na ako...

Nang nakarating kami ay nagbayad na ako....Sinabihan ko na rin yung driver na hintayin ako dahil madali lang ako.....

Pagkapasok ko palang ay may lumapit na parang nagtratrabaho din doon....

"Maam...dito po kayo...may nakareserve na upuan sa mga mahahalagang customer"

"Ahh....ano...geh"

Sumunod nalang ako sa sinabi nya...mukhang mapilit ehhhh"

Nang maka-order na ako ay umalis na yung lalaki...Napatingin ako sa buong resto...ako ang nagdesign nito....syempre nagpatulong si Kuya ulan....

Nang dumating na yung inorder ko ay nagsimula na akong kumain....Masarap syempre...dahil kung hindi ay maraming marereklamo....madali lang akong kumain at nang matapos na ako ay tinawag ko yung waitress....

"Bill?"

"No maam....hindi na po kailangan...kapatid po kayo ng may-ari"

"Ano naman...hindi purket kapatid ko ay hindi na ako magbabayad...walang special treatment para sa akin....now...my bill?"

Tumango nalang yung waitress at ibinigay na sa akin.Inabot ko yung bayad at umalis na ....umorder muna rin ako ng pagkain at tinake-out....kailangan ko nang bumalik sa hospital.Nakakain na ako kasi...at ayokong sa bahay magpahinga...gusto ko kay Stephen....sa tabi nya...

Nang makarating na ako sa hospital ay nagbayad na ako sa driver sa driver at ibinigay yung tinake-out na kung lagkain sa kanya....Nagpasalamat na ako sa driver bago ako umalis....

Nang nasa harap na ako nang hospital ay may napansin ako motor doon...hmmm....walang plate number..ano yan....tsk...tsk...tskk....

Pumasok na ako sa loob ng hospital....Dumeretso ako sa private room ni Stephen.May nakita akong palabas sa kwarto at nang makita ko ay nurse na lalaki pala...na nakamask...

"Chineck ko lang yung patient"

Tumango nalang ako....Nang makapasok ako sa loob ay saktong kalalabas ni tita sa Cr....

"Kumain kana..."

"Opo"

Lumapit ako sa tabi ni Stephen pero bago ako magsalita para kamustahin sya ay may napansin akong something sa tabi ng ulo nya......isang.....

....

....note...

My Childish Mafia QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon