Forty~~unexpected

1.4K 30 0
                                    

Stephen's POV

"Cathlyn !!! Wag!!!!!"

*bang*

Nabigla ako nang bumalagta ang lalaking kaaway ko ngayon.Napatingin ako sa baba ng dumaloy ang dugo nung lalaki sa semento at kumakalat na ito.....

Napatingin ako kay Cathlyn na nakataas pa din ang baril niya.Para syang tulala na parang walang malay....

"C-Cathlyn..."

Binaba niya na yung baril at napatingin sa akin.Parang walang emosyon na pinatay niya yung lalaki.Parang ibang Cathlyn ngayon ang kaharap ko....Parang bumalik ang Cathlyn na hindi ko kilala...

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.Napahinto ako ng parang ayaw niya na lapitan ko siya....

"Cathlyn..."

Napalaki ang mata ko nang tinaas niya ang baril.Nakatutok yun sa akin.Anong nangyayari sa kanya....

"Natatakot ka ba Stephen...."

Gusto kong sabihing 'oo' dahil nakakatakot siya...Pero siya si Cathlyn..paiba-iba man ang ugali niya ay mananatili siyang si Cathlyn na minahal ko ng lubusan...

"Bakit hindi ka makasagot...."

"Hindi.......hindi ako nakaramdam ng takot sa katayuan mo ngayon.Naramdaman ko lang ang takot sa tuwing nalalagay sa panganib ang buhay mo..."

"Stephen....kung takot ka ay hindi ikaw ang lalaki na nararapat sa akin...ang takot ay para lang sa mahihina......ngayon..matatakot ka ba kung ipuputok ko tong baril sayo.."

"Hindi...kung ang pagsalo ng bala ng baril ang magpapatunay ng pag-ibig ko sayo,....then do it..."

Nakita kong kinasa niya ang baril at tinutuk sa akin.Alam kong pwede niyang barilin ako....

Pumikit ako na waring hinihintay ko ang pagbaril niya sa akin.Napadilat ako ng parang ang tagal yata.Sakto sa pagdilat ko ay ang paglapat ng labi niya sa akin.Napahawak ako sa bewang niya nang sagutin ko ang halik na binigay niya....

Ilang segundo lang ay siya ang bumitaw.

Nakita ko ang pagcurve ng labi niya...
Hindi ko nang hinitay pa na may sabihin siya.Dahil ang pagngiti niya lang ay sapat na para malaman ko ang gusto niyang sabihin...

Hinapit ko siya palapit nang ako naman ang magsimula sa paghalik sa kanya...

********

Napadilat ako ng maramdaman kong wala akong katabi.Napatingin ako sa labas ng bintana na parang ang tahimik yata ng paligid.Nakatakip ng kumot ang katawan ko dahil may nangyari sa amin kagabi....Nandito ako sa bahay ko.Napatingin ako sa gilid ng kama kung saan may maliit na kabinet doon na may nakapatong na lampshade....May nakatuping papel doon...

Inabot ko yun at may nakasulat sa harap nun na 'STUPID'...Alam ko na kung sino ang naglagay doon.Binuklat ko yun at binasa ang sulat...

'Huwag kang lalabas ng gabi.Manatili kang sa loob lamang.Nabalitaan kong ikaw na ang isusunod niya.May nakabantay ngayon na tauhan ko sa bahay mo....mag-ingat ka...para sa akin....'

Lumapit ako sa bintana at hinawi ng kunti ang kurtina.May mga lima o anim na tao na mukhang lang na nakatambay sa tapat ng bahay ko.Nakamask silang itim....na hindi mahahalata dahil nakajacket sila na may malaking hood....

Bumalik nalang ako sa paghiga.Iniisip na sana ay normal nalang ang pamumuhay namin ni Cathlyn..Simpleng magkasintahan.Naghahabulan sa isa't isa...Hindi yung hinahabul ng kamatayan...









Cathlyn's POV

Nandito ako ngayon sa hideout namin.Ilan lang kami na nandito dahil ang iba ay binabantay ko sa bahay ni Stephen.Nakareceive kasi ako ng umaga pagkapunta ko dito na...

'Uuntiin ko kayo....sunod na ang mahal mo....'

Kaya ko binabantay sa mga tauhan ko ang bahay niya.May kasama ako ngayon na tauhan ko na magaling sa computer.Marami kasing nawala dahil wala na ang organization ay nawala na din sila.Ayaw daw nilang madamay sa away namin ni Edalb.....

Si Blade ay nawala na din.Siya pa naman ang inaasahan kong makakasama ko pero naiintindihan ko naman kung bakit.....

Gusto niya rin namang maging ligtas.....Pagnatapos ko ang misyong ito ay aalis na ako sa pagiging ganito at pamumuhay nalang na tahimik sa piling ng mahal ko....

"Maam...paano kung paalisin nyo yung nagbabantay sa bahay ni Stephen..."

Napatingin ako sa kanya na parang sinabing...'tanga ka ba?'

"Kasi maam....kung gusto natin siyang palabasin ay dapat natin siyang puntiryahin sa balak niyang gawin...sinabi niya na isusunod niya ang mahal niyo....dapat abangan natin siya doon...magbabantay tayo pero hindi muna natin ipapahalata na binabantayan natin yun...."

"Pwede rin....hihintayin natin na dumating siya sa bahay ni Stephen...at ku g dumating siya ay agad na natin siya dispatsyahin....may utak ka rin pala...."

"Opinion ko lang po yun maam...."

"Kahit na...kapag naging epektibo ang sinabi mo ay malaki ang makukuha mo...."

"Salamat maam..."

"Ok...sabihan mo na ang lahat na maghanda mamayang gabi...."

"Yes maam.."

Sana maging epektibo tohhh....

*********

Nandito kami ngayon sa bahay ni Stephen.Palihim akong pumasok sa bahay niya.Nakita ko na nakatalikod si Stephen.Mukhang nagluluto siya.Napatingin ako sa malapit na CR doon...dahan- dahan akong lumapit.Nang malapit na ako ay bigla ko siyang hinila papasok sa CR....

"WHAT!!----"

"SHHH!!"

"Cathlyn...kinabahan ako sayo..."

Agad niya akong niyakap.Niyakap ko siyang mabilis pero agad din akong bumitaw.Inabot ko sa kanya yung dala ko....isang vest...

"Isuot mo..darating dito si Edalb sa bahay mo....mag-aabang kami sa labas...alam kong maraming galamay si Edalb.Umakto kalang na normal....umakto kalang na nag-iisa sa bahay mo...."

"Cathlyn..."

"Ito lang ang tanging paraan para mahuli na siya..."

"Naiintindihan ko....basta mag-ingat ka...."tumango ako...hinalikan niya lang ng mabilis at lumabas na ng CR.Iniwan niya lang na nakabukas iyun.Pagapang akong umalis sa CR...

"AY....nakalimutan ko palang isara ang CR...."

Napangiti ako nang sinusunod ni Stephen ang pinagsasabi ko.....

HATING gabi na....ilang oras na rin kaming naghihintay...totally nilalamok na kami sa pwesto namin...Mukhang panakot lang ito ni Edalb---

Napaayos ako sa pwesto ko nang may nakita akong humintong van na di kalayuan sa bahay ni Stephen.Binilang ko ang mga nagsibaba....mga anim sila....Kumpara sa amin na sampu kami.Nakamask silang itim....Dahan-Dahan silang naglalakad...Humiwalay yung tatlo....Mukhang sa amin sila pwepwesto....nasa likod kasi kami....nang makalayo ang tatlo ay bigla namin silang hinila at tahimik naming pinagsasaksak....Nagsikilos na kami.Nakarinig na ako ng putukan....Mabilis na akong kumilos....

Tatlo nalang sila...Nakita kong bumalagta yung isa dahil binaril ng kasama namin....Nakita kong tumakbo yung natitirang dalawa....inutos kong ayusin ang mga bangkay doon sa likod ng bahay ni Stephen at ako na ang susunod sa dalawang tumakbo.Nagpapaulan sila ng bala pero naiilagan ko naman...Marami rin akong nakuhang daplis....

"Hinto!!!!"

Mukhang narinig nila dahil huminto silang dalawa....

Humarap ang isa at pumapalakpak....

"Magaling Cathlyn...."

Nabigla ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun.....si......Blade....

Tinanggal niya yung mask niya at si Blade nga.....papaanong siya....

My Childish Mafia QueenKde žijí příběhy. Začni objevovat