forty-two~~war begin....

1.5K 26 0
                                    

Cathlyn's POV

"Boss anong plano mo ngayon...kapag ba nakaganti kana sa pumatay sa parents mo ay ano na...."

"Ititigil ko na ito at kayo ay bibigyan ko na ng pinakahuling sweldo kumbaga...."

"So wala nang Death Skull Group...."

"Oo...pero mananatili ang samahan natin bulang magkakaibigan...."

"Opo naman....pagkatapos nito ay maghahanap na kami ng Stable na trabaho.....kaming siyam....."

Totally sampu lang kami sa group.Dahil gaya ng sinabi ko ay nagsialis ang iba nang mawala ang organization.

"Boss may nagtext!"

"Panu mo nalaman ehhh hawak ko yung Cp ko...."

"Yun nga boss....hawak mo kaya nakita ko...."

Napatingin ako sa cellphone na hawak ko...oo nga...bakit ko ba ito nilagay sa silent mode....

'Ito na ang huli Cathlyn.....grupo sa grupo...tapusin na natin..alam mo naman ang lugar ng pagkikitaan natin....at alam mo na rin ang oras....'

Napahawak ako ng mahigpit sa cellphone na hawak ko...

"Mukhang gusto na matapos ni Blade ang lahat...maghanda kayo...mukhang malapit nang matapos ang grupong ito...Ilan sa inyo ay sumama sa akin...maghahakot tayo ng gamit..."

"Yes bosssss!!!"

--_____--

My goodness!!!

********

"Anong lugar na ito...parang nakakatakot..."

"Lalaki ka kaya harapin mo..."

"Purket ba lalaki ay matapang na.."

"So mahina ka"

"Nope...sadyang maarte lang ang katapangan ko at hindi na ka on mode...."

"Ewan ko sayo...."

Nandito kasi kami doon sa basement sa bahay ni Kuya na parang hindi pa alam ito.....kujunin ko na ang lahat ng gamit dito....para kung sakali mang may nakapasok dito ay wala nang disgrasyang mangyayari...

"Lahat ng gamit ay kunin....walang matitira...."

Nakakita ako doon na sulat sa ilalim na parang kabinet...

Pangalan ni papa yung nakalagay...ibig sabihin ay alam ni papa ang lugar na ito...yung sulat ay galing sa namatay na lolo namin ng organization....nakalagay doon na gamit toh ng organization....kung alam ni papa ito..ibig sabihin ay...

"Kukunin mo ba yang lahat...dahil para sa akin ay dapat kunin mo na para pwede ko nang magamit itong basement na ito sa ibang bagay..."

"Kuya...."

"Alam kong dadating ang araw na pupunta ka dito para sa mga gamit ni lolo..alam kong nakita mo na ito simula nung una....di ako galit dahil may pinaglalaban ka...pero isipin mo na ang paghihiganti ay wala lang...walang magbabago kung nakaganti kana...."

"Hustisya yun-"

"Sa tingin mo ba masaya sina papa lalo na si mama sa gagawin mo....na ilalagay mo sa kamay mo yung batas....alam kong gusto mong ibigay ang hustisya para kay mama at papa....kahit ako rin ay gusto ko...gusto kong makita siya nakahiga sa harapan ko na nalulunod sa sarili g dugo niya....pero alam kong hindi rin ako patatahimikin ng konsensya ko-"

"Wala na yang konsensya na sinasabi mo sa akin kuya....alam mo kung gaano kasakit ang dinanas ko.....wala ka doon kuya...dahil mismo sa harapan ko sila nawala...walang ako nagawa...kuya....alam kong paulit-ulit ko na itong sinabi pero para sayo uulitin ko....hindi ako titigil habang hindi ko nakakamit ang gusto....bilisan nyo!!!!....kuya...aalis na ako...nakuha ko na yung gusto ko..."

Lumabas na ako...bago pa ako makaalis ay tinawag niya muna ako...

"Cathlyn!!"

Napahinto ako...

"Sana ay hindi ka lamunin ng galit....."

Tumingin muna ako kay kuya na mukhang seryoso...Bago ako lumakad na paalis...Alam ko na ang sinasabi ni kuya...dahil tama sya...hindi dapat ako magpalamun sa galit...pero huli na...dahil ang galit na ang nagbibigay sa akin ng buhay para hindi sumuko sa gagawin ko,para patuloy parin ako sa paglaban at makamit ang gusto ko...

******

"Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo...lahat naman kayo ay binigyan ko ng mga gamit at armas...maging alisto sa lahat....sa ilalim ng tulay magaganap ang laban...hahatiin ko kayo.....ang isang grupo ay sa part ng tulay...yung makakasama ko sa pagharap kay Edalb o si Blade...At yung isa ay sa tulay mismo...kapag nakikipaglaban na kami at alam nyo nang mukhang hindi na namin kakayanin ay bigla kayong bababa para lumaban....parang resbak kayo....at mag-mamasid kayo sa paligid kong may nakatagong grupo rin siya sa tabi-tabi...dahil mukhang marami siyang nirecruit na tauhan niya...hindi na yun nakakapagtaka..."

Inayus ko na yung gamit at ilang mga gamit na ikinakabit ko lang sa legs ko...mga emergency things na kapag naubusan na ay may pamalit...tulad lang nitong mga pistol guns...mga swift knife at double-blade knife.....

Gabi na kasi ngayon at pinahanda ko na yung van na gagamitin namin....

Pinasakay ko na yung limang kasamahan ko sa van...sila kasi yung magbabantay....kami namang lima din ay nakasakay kami sa motor...tag-isa lang kami...Nagsuot ako ng black leather jacket..gayun din sila...

"Pag malapit na kayo sa tulay ay huminto na kayo...at lumakad kayo sa tulay para hindi maingay ang punta nyo at hindi nila alam...kami ang pupunta doon na nakamotor....para malaman nila na kami lang......huwag kayo biglang sasabak dahil alam niyo naman na ang plano..."

Pinaandar ko na yung motor ko..pati rin sila...

"Huling laban na ito...."

Sinuot ko na yung helmet ko..nauna akong umalis at sunod sila....Para kami gagawa ng kalokohan sa suot namin.....

*****
*peep!!!!*

*peeepp!!!*

*peeeppp!!!*

Kahit pormado tayo ay laglag naman kasi sa traffic..

"Wait lang traffic....sa ibang daanan tayo...."

"Yess bossss"

******

Huminto na kami....nandito na kasi kami sa tulay...Nakita kong may humarang na 10 tao sa daanan namin.May hawak silang baseball bat na maraming pako at nakaikot na alambre...

"Hahahaha....lima lang kayo!!!..mukhang iniwan kana ng mga tauhan mo dahil sa takot....mukhang magkakaroon tayo ng duguang labanan dito..."

"Mukha namang ganun na nga...sa hawak nyong baseball bat na parang sa movie ng  The walking dead Season 7 ay talagang ganun na nga...."

Nabigla ako ng may tumamang blade sa pisnge ko.Napahawak ako sa pisnge ko at may nasalat akong dugo....Mukhang gusto niyang biglaang laban...Napakuyum ako ng kamao....

"Magsisimula na ang hinihintay ko.....ngayon..."

My Childish Mafia Queenحيث تعيش القصص. اكتشف الآن