Chapter 2

8.8K 255 20
                                    

JILL'S P.O.V

Binuksan ko ang ilaw pagkapasok ko sa bahay. Tahimik ang buong kabahayan at tanging ingay na gawa ko lamang ang aking naririnig. Pumasok ako sa kusina at ipinatong ang dala kong bag sa mesa. Binuksan ang fridge upang kumuha ng maiinom.

Matapos akong uminom ay kinuha ko ang bag at lumabas ng kitchen. Nang paakyat na ako ng hagdan ay nahagip ng aking mga ang litrato na nakadisplay sa ibabaw ng mesa dito sa sala. Napangiti ako nang makita ang mga mukha nila sa litrato pero 'di ko parin maiwasang makaramdam ng lungkot.

Huminga ako ng malalim at ipinagpatuloy ang pag-akyat. I put my bag on the side table and plopped myself on the bed. Inabot ko ang unan at niyakap ito. I can't help but to feel lonely.

This past four years, the emptiness I am feeling is getting bigger and anytime it could swallow me. Kung hindi lang dahil sa kanila ay matagal na siguro akong nawalan ng ganang mabuhay.

Sometimes I just found myself longing for something. Based on what uncle told me, after I survived from an explosion and got comatosed, I woke up four months later without any recolection of my past nine years of life. The doctor said I have a selective amnesia. Pinili ng utak ko ang mga bagay na aking maalala o makalimutan. He also expeculated that maybe I was hurt that time and as a self defense my brain choose not to remember those memories that would only hurt me more.

Ang naalala ko lang ay wala na sina mama at papa. I was surprised to see uncle beside me that time dahil akala ko noon matagal na siyang patay. Pero buhay na buhay siyang nakatsyo sa harapan ko. Unti-unti nilang pinaliwanag sa akin ang mga nangyari pero kahit sinabi nila sa akin ang lahat at pakiramdam ko mayroong mali. I always feel na may kulang sa mga sinabi nila tungkol sa akin.

Almost everynight I would hear voices calling me in my dream. A child's and a man's voice. The child always mumble mommy while crying and the man kept on calling my name. Whenever I turn to look at their faces ay doon naman natatapos ang panaginip. Pagkatapos ay nagigising akong pawisan at naghahabol ng hininga. Hindi ko alam if it's simply a dream or it's some part of my memory.

Gusto kong alamin pero hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko. Alam kong kapag tatanungin ko sina uncle, Luke at Leah ay hindi naman nila ako sinasagot.

Apat na taon na akong nangangapa dahil sa mga nawalang ala-ala. I don't want myself to suffer more. I'll search for the answers myself.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa pag-iisip nang hindi nagpapalit ng damit.

...

"Six hundred twelve and seventy-five centavos lahat ma'am." ani ng casheir.

Kinuha ko ang aking wallet at nagbayad.

"Here's the change ma'am." inabot ko ito at kinuha ang mga plastic na naglalaman ng aking mga binili mula sa nagpapackage.

Pumunta ako dito sa mall upang bumili ng school supplies. Naalala ko kanina na wala na pala akong chalk at paubos narin ang iba ko pang mga gamit kaya naisipan kong mag-mall nalang. Pero hindi naman gaanong marami ang aking mga binili at yung mga importante lang.

Tumungin-tingin ako sa paligid kung mayroon pa ba akong gustong bilhin dahil minsan makakalimutin rin ako. O baka may magustuhan ako sa mga bagay na nakadisplay. Nang walang nakakuha sa aking atensyon ay naisipan ko nang bumaba sa first floor at maghanap na rin ng makakainan. Bigla kasing kumalam ang aking sikmura dahil hindi ako kumain ng pananghalian.

Naisipan kong kumain nalang sa isang korean restaurant dito sa loob ng mall kahit hindi naman ako familliar mga korean foods. But I feel like trying something new.

Her ComebackWhere stories live. Discover now