Chapter 5

7.7K 229 28
                                    

JILL'S P.O.V

May parang basa sa aking mukha kaya kahit inaantok ay minulat ko ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang dalawa kong anak na hinalik-halikan ako sa magkabila kong pisngi.

"Mommy! You're awake!" huminto si Tiarah sa paghalik sa akin nang mapansing gising na ako.

"Baby what's the time?" tanong ko sa kanya at umupo sa kama.

"Six pa po mommy." si Crown ang sumagot.

Nang marinig ko ito ay bumalik ako sa pagkahiga habang yakap ang dalawa kaya pati sila ay nahiga sa kama kasabay ko.

"But it's still to early. Sleep muna tayo." I grumbled while hugging them in my arms.

"Mommy, we want to go to the park! Kaya bangon na po bilis." umalis si Tiarah sa pagkayakap ko sa kanya at hinila ako.

Sinadya kong magpabigat at nang napagod na siya kakahila sa akin ay binalingan niya ang kanyang kapatid.

"Kuya help me. Don't just lie there. Help me pull mommy out of the bed." nakasimangot nitong sabi sa kakambal.

"But Ayah, we'll just waste our energy. Mommy is heavy. We can't drag her out of the bed." sagot ni Crown.

Sumiksik at yumakap siya sa akin.
Napangiti ako sa inakto ng anak kong lalake at yinakap ito ng mas mahigpit. Tiarah notice our actions at tinigilan niya ako sa paghila. Naiingit niya kaming tiningnan.

"Mommy, sali ako!" palundag siyang yumakap sa amin ng kanyang kuya.

Niyakap ko siya at hinalikan siya sa kanyang noo.

"What do you guys want for breakfast?" I asked them.

"Mommy I want pancake with chocolate syrup." my son softly said.

"Me! Me! I want star shaped pancake!"

Pinakawalan ko sila at tumayo sa gilid ng kama. Tinali ko ang aking buhok at naglakad papasok sa cr at naghilamos. Pagbalik ko ay nadatnan kong nagtatalon-talon na si Tiarah sa ibabaw ng kama habang ang kapatid naman niya ay pilit siyang pinapatigil.

"Ayah stop jumping! You're making me dizzy and mommy will be mad at you because you ruined the bed." nakasimangot nitong pagbabanta na siyang ikinatigil ni Tiarah.

Pareho silang napalingon sa gawi ko at kaagad namang bumaba sa kama si Tiarah at patakbong lumabas ng kwarto.

"Mommy, why's my sister crazy?" biglang tanong ni Crown sa akin na sinagot ko lang ng malakas na tawa.

Linapitan ko siya at ginulo ang buhok. Umupo ako sa tabi niya at marahang hinawakan ang kanyang pisngi.

"I don't know kuya. But 'di mo naman siya hate kahit napakakulit niya diba?"

"No po. Kahit po crazy si Ayah love ko parin po siya. Kahit po palagi siyang tumatawa at sumasakit ang tenga ko minsan sa tili niya, 'di ko po siya hate." nakayuko niyang sabi.

Parang hinaplos ang aking puso dahil sa sinabi niya. Indeed, their attitude are very opposite but that didn't stop them from loving each other. Makulit at palatawa si Tiarah habang si Crown ay tahimik at mahiyain. Magkaiba ang bagay na kanilang hilig at gusto pero hindi 'yun naging hadlang para maging malapit sila sa isa't-isa.

"Buti naman kung gano'n. Why don't you play with your sister downstairs or wait for me in the kitchen. Aayusin ko lang 'tong higaang ginulo ng kapatid mong ubod ng kulit." nakangiti kong utos.

Tumango siya at bumaba sa kama. Nang makalabas na siya sa kwarto ay tsaka ko sinimulan ang pag-ayos sa kama. Nang natapos na ako ay pumunta na ako sa kusina para gawan sila ng pagkain.

Her ComebackWhere stories live. Discover now