Chapter 30

8.3K 226 7
                                    

JILL'S P.O.V

Kasalukuyan akong nagliligpit ng mga gamit ko sa school nang mayroong kumatok sa pinto. I closed my laptop before walking towards the door. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si mom na nakasimangot. Namangha ako sa ayos niya. Hindi mapaghahalataan na ina siya ni Tyrone. She looks really young despite her age.

"May kailangan pa po ba sa baba? Ano po ang maitutulong ko?" magalang na tanong ko sa kanya.

Ang tinutukoy ko ay ang paghahanda para sa birthday party mamaya. Isang oras at kalahati nalang ay magsisimula na ito at baka mayroon pang kulang sa paghahanda. Mayroon namang organizer para sa party pero tumutulong pa rin kami. Gusto kasi niya na maging hands-on kami sa party.

Hindi niya ako sinagot at sa halip ay pumasok. She eyed me from head to toe before sighing loudly and shook her head. She snap her fingers and in an instant, five people are circling around me. I looked at her confusedly but she just winked at me.

"Okay girls, dress her up and make sure that my son will drool over her," she told the women sorrounding me. "And good luck dear. I'll just be downstairs."

Umalis ito at naiwan ako kasama ang limang babae. They pulled me towards the vanity table and made me sit on the chair. Nagpaubaya nalang ako sa kanila dahil wala naman akong alam sa mga ginagawa nila. Hindi na rin ako  mahihirapang ayusan ang sarili ko dahil wala naman akong kaalam-alam sa pag-aayos. Leah would always do it for me whenever there are events that I need to attend.

I just sit still while looking at my reflection and letting them do their work.  They are working on my hair, on my make-up, and my nails. Habang ang isa sa kanila ay lumabas ng kwarto at nagpaalam na kukunin niya ang damit ko.

Napatingin ako sa pulso ko nang lumihis ang suot kong long sleeves na damit. A red mark was sitting on my wrist and instantly blood crept on my cheeks as I remember how Tyrone suck on it last night. The image of him trailing his kisses on my body flashed in my mind. I bit my lower lip and shrugged of the thought.

But I can't help but feel disappointed. I expected him to be the first person I'll see once I woke up pero nang magising ako kanina ay wala na siya sa tabi ko. And worst of all, hindi ko siya nakita buong araw at hanggang ngayon kahit na malapit nang magsisimula ang party. Hindi ko maiwasang malungkot at mainis dahil umasa akong mayroong magbabago sa relasyon namin pagkatapos ng nangyari kagabi. Parang wala lang iyon sa kanya.

"Ayos ka lang maam?" tanong sa akin ng nag-aayos ng make-up ko.

I let out a forced smile and nod my head. She didn't look convinced though. Pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Pinikit ko ang aking mga mata upang maalis ang malungkot na emosyon at muling nagdilat. Alam ko na minsan napakadaling basahin ang mga emosyon na pinapakita ng aking mga mata. Sometimes I am very transparent but I would always try to hide my emotions.

"Napakaganda po ng mga mata niyo maam. Pero natatabunan naman po ng kalungkutan ang ganda ng mga mata mo. Dapat po masaya ka kasi kaarawan po ng anak niyo, di ba?" sabi naman sa akin ng babaeng naglilinis ng aking mga kuko.

Tama ang sinabi niya. Dapat hindi ako malungkot ngayon at sa halip ay magsaya dahil kaarawan ng anak ko. Pakiramdam ko ang sama kong ina dahil imbes na magsasaya ako dahil kaarawan niya ay heto ako at kung ano-ano ang iniisip.

"Right," I smiled at her and now it's a genuine smile. "Thank you. But please call me Jill."
Natawa sila sa sinabi ko at sumang-ayon.

Napangiti ako nang makita ang resulta ng kanilang ginawa sa aking mukha sa salamin. They also curled the tips of my hair and I love it. Napansin ko rin na mas mahaba na ang aking buhok kumpara noon. Lagpas baywang na ito kahit na nakacurl ang dulo. Maybe one day if I'm in the mood pupunta ako sa salon ni Leah at ipapaayos ang buhok ko. I receive praises from them about my hair and how it complemented my fair complexion.

Her ComebackWhere stories live. Discover now