Chapter 3

8.3K 222 19
                                    

JILL'S P.O.V

"Uuwi na sina tito Carter kaya 'wag ka nang magsenti jan." sumimangot ako dahil sa sinabi ni Leah.

"He told me kahapon ang uwi nila. Why are they taking so long? Ugh, you know I can't bare to be away from them for a long time." tinawanan lang ako nito at tumayo.

"Huwag ka nang magmaktol jan. Get your butt out from that chair and let's go to the spa!" sabay hila niya sa akin. Kumunot ang aking noo dahil sa paghila niya sa akin.

"Ikaw nalang! And stop pulling me." sa kabila ng pag-angal ko ay hindi siya nakinig at patuloy akong hinila.

Wala akong nagawa kun'di ang magpahila nalang. Hoping that this day would end right away so that I could finally see them. I badly miss them and if I don't have some matters to settle at the school, probably I already go after them.

Lumabas kami sa restaurant at pumuntang parking lot. At sa wakas ay binitawan na ako ni Leah nang kunin niya ang susi ng kanyang lambourghini mula sa kanyang bag. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at hinintay akong makaupo sa passengers seat bago umikot at pumasok sa sasakyan.

"I want to change my hair color. What do you think suits me the best?" tanong niya bago pinaandar ang sasakyan.

I rolled my eyes and said, "Lahat ng kulay nasubukan mo na. Kaya bakit hindi mo alam kung ano ang mas babagay sa'yo?"

"I haven't tried all  color. There's still one na hindi ko pa nasubukan. Hindi ko pa nasubukan ang color green. Yun nalang kaya?" nahimugan ko ang excitement sa kanyang boses.

"Magmumukha ka lang lumot. But, yeah... Whatever you want. Ikaw naman masusunod. As if I can stop you." tumawa lamang siya dahil sa naging tugon ko.

It's true that whenever she changes hair color no one can stop her. Every month hindi maaaring hindi siya nagpapalit ng kulay. Sitahin pa siya ni uncle at ng kakambal niya'y hindi talaga siya papatibag.

After a few minutes, huminto kami sa tapat ng kanyang L and L Spa and Salon. Nang napatay na ni Leah ang sasakyan ay nauna siyang bumaba kasunod naman ako.

Pagpasok namin ay binati kaagad kami ng isa sa mga tauhan ni Leah. Kinausap kaagad nito ni Leah at sinabi na magpapapalit siya ng kulay ng buhok. Samantalang habang sila'y nag-uusap ay umupo ako sa nakitang couch. Iginala ko ang aking paningin sa buong paligid.

Kahit hindi ako mahilig na magpunta sa mga ganitong lugar ay hindi ko maipagkaila ang ganda ng lugar na ito. There's only few people coming here because not many can afford their service. So basically, this place is only for rich people. What I liked with this place is the lighting, the vintage furnitures and soothing aesthetic background. The whole place looks really vintage but elegant at the same time.

"Do you want a foot spa, Jill?" napalingon ako kay Leah nang binanggit niya ang aking pangalan.

"I think that would be nice." I agreed with a small smile on my lips.

I am quite familliar with Leah's people dahil madalas niya akong hilahin rito kapag nakikita niyang may vacant time ako. Minsan umaangal ako pero pumapayag nalang rin ako lalo na kapag pagod ako sa school at pati narin sa bahay. Kaya through this I can at least relax a bit.

Gina, one of Leah's emplyee assisted me to sit on the chair next to Leah. We often do this. Magkatabi kami habang siya'y nagpapagupit o nagpapakulay ng buhok samantalang ako naman ay nagfofoot spa. Sumandal ako sa upuan at inalis ang suot suot kong eyeglasses. Inilagay ko ito sa sling bag ko na pinatong ko sa table.

Nakalimutan ko itong tanggalin kanina. Kung noon ay nagsusuot ako ng eyeglasses araw-araw. Ngayon ay nagsusuot na lamang ako nito kapag nagbabasa ako. Napapikit ako nang sinimulan na ni Gina ang kanyang trabaho.

Her ComebackWhere stories live. Discover now