CHAPTER 3-MEETING HER

2K 44 0
                                    




KAIL's POV

Panibagong araw, panibagong buhay kasabay ang buntong hininga ko. Nasa higaan ako at walang pakialam sa mundo. Magisa lang ako sa bahay ko. Tuwing umaga dumadating lang ang katulong para paghanda ako ng pagkain at linisin ang mansion.

"Young Lady handa na po ang pagkain. " ang sabi ng babaeng mas matanda sa akin

" handa na din po ang kotse niyo" ang dugtong nito

Sumakay na ako ng kotse at tumungo sa school na pinapasukan ko.

Pagbaba ko ng kotse naglakad na ako sa koridor ng school ngunit may humarang sa akin. Matipuno siya at makisig ang pangangatawan.

Tumingin ako sa mukha niya. Isang lalaking madilim ang aura. Iniwasan ko siya habang ang ibang babae ay nagtitilian dahil sa kakisigan niya at sa gwapo niya.

"Vince marry me!" ang sigaw ng isa

"Vince buntisin mo ako!"

"Vince I Love you!" ang mga sigaw nila

Naglakad na ako palayo sa kanya at sa mga tumitiling babae sa paligid ko. Pumasok ako ng room 456 at umupo sa upuan ko at isinubsob ang sarili sa mesa. Hanggang sa lamunin ako ng dilim, at hindi ko namamalayan na nakatulog napala ako.

THUNDER's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THUNDER's POV

Maganda ang facility nito kumpara sa public school kung saan ako galing. Habang naglalakad ako nagtitilian ang mga babae sa tabi ko at nagpapacute.

Nagsisigawan sila na buntisin at pakasalan ko sila.

Hahaha... ang tao nga naman nasisilaw para sa yaman at physical na anyo.

Nginitian ko lang ang mga ito. Hinahanap ng mata ko ang babaeng babantayan ko.

Humarang ako sa harap niya.

Malaanghel ang kanyang mukha at simple lang

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Malaanghel ang kanyang mukha at simple lang. Hindi siya ngumingiti pero bakas pa rin ang kagandahan nito. Nakamini skirt siya at maputi ang legs nito. Hmmm... nabuhay na naman ang dugo ko. Tumingin siya sa akin ng walang reaksyon, hindi ko mabasa ang nasa isip ng babaeng ito. Iba sya sa lahat ng babaeng nakilala at naencounter ko. Walang salitang makakapagdescribe sa kagandahan niya .

Umalis siya sa harapan ko at nilampasan ako. Ni hindi niya nilingon ang kagwapuhan ko at kakisigan ng katawan ko. Pumasok siya sa room. Umalis na naman ako sa kinatatayuan ko at tumungo sa kwarto na pinasukan niya.

Nakita ko na nagtinginan ang lahat sa akin. Ang mga babae kinikilig sa kagwapuhan ko samantala ang mga lalaki ay tila naiinis dahil sa mga asal ng mga babae.

Nakita kong bakante ang upuan sa tabi niya. Umupo ako doon at nakita ko ang malaanghel na babaeng natutulog sa tabi ko.

Pumasok ang professor namin. Tila wala lang siyang pakialam tulog pa rin.

"Kail Andrei Co!" ang tawag ng professor namin. Pinagmasdan ko lang siya kung magigising siya.

"Kail Andrei Co!" muli nitong tawag.

Hindi nagigising. Hanggang sa nakita ko na may lumipad na eraser sa harapan niya at tumama sa ulo niya. Bahagya naman na napaangat sa pagkakaub-ob

"Hmmmmm...." Nagmulat siya ng mata at nagkusot nito.

"Kail Andrei Co kung matutulog ka lang sa klase ko, bukas ang pintuan para lumabas ka at tumayo sa harap nito bilang punishment" ang sabi nito.

Tumayo naman ito at lumabas.

"Grabe talaga siya ano. Weirdo talaga." Ang bulong bulungan nila.

Tumingin lang ako sa labas at nakita siya na nakatayo lang . Nakapikit ang mga mata at walang balak imulat yun.

"Ok, class. We have a new student here" ang tawag ng professor sa akin

"ipakilala mo ang iyong sarili" ang sabi ko

"Hi, I'm Vince Thunder Sue, 18 years old, single and ready to mingle" ang sabi ko

Naghiyawan ang mga classmate ko maliban lang sa babaeng nakatayo sa tapat ng room at nakapikit ang mata. Napatingin ako sa kanya pero walang reaksiyon. Mahihirapan ako sa babaeng ito. Tapos tinuon ulit ang tingin ko sa mga naghihiyawan na mga classmate ko.

Nagbell na hudyat na lunch break na.

Lahat ng tao naglalabasan na. Nakita kong lumapit sa akin ang grupo ng naggagandahan na babae.

"Hi, Vince" ang sabi ng isa na maganda dahil sa kapal ng make up.

"Hi" ang sagot ko

"Gusto mo bang sumama para maglunch?" ang malanding tanong niya

"Sorry, pero may gagawin pa kasi ako maybe next time" ang sabi ko.

Nakita kong palabas na siya ng room at papunta sa lugar na walang masyadong tao. Isang hardin ng school ang nakita ko. Tila isa siyang diyosa sa hardin n iyon na nakatayo sa isang bench.

Lumapit ako sa kanya.

"Hi..." ang sabi ko sa kanya

Hindi siya sumasagot. Tumayo siya at tinalikuran ako para umalis.

Nagulat ako sa ginawa niya kaya kinuha ko ang palapulsuhan niya. Pero bigla ko na lang nasalag ang suntok niya sa akin. At sinalo ito saka ako pumunta sa likuran niya para doon ako makaganti sa likod niya at niyapos ko sya mula sa likod.

"Gusto ko ang gaya mo" ang nadedemonyong sabi ko.

Alam kong kinalibutan siya sa sinabi ko. Nakita ko ang leeg niya at hinalkan ito. Nanigas ang buong katawan niya pero hindi ko pa rin mabasa ang nasa sa isip niya. Siniko niya ako dahilan para mapaurong ako at bitawan siya.

Nakita ko ang maitim na aurang bumabalot sa kanya.

Napangiti ako sa kanya na tila nadedemonyo sa ganda niya na kahit nagdilim ang mukha niya ay nagagandahan pa rin ako. Inirapan niya ako at umalis sa hardin na yun.

Inayos ko ang sarili ko at bumalik n sa room. Nakita kong bakante ang upuan sa tabi ko.

"Kung hinahanap mo siya, nagcutting classes na naman yun." Ang sabi ng malanding babae. Mukhang sisiraan niya ito sa akin.

"Si Kail, mahilig sya mag- cutting class. Balita dito pumupunta siya sa company nila para ayusin yun. Nakita niya kasi na lubog na sa utang ang company ng parents niya kaya ganun na na lang ang eager ng mga relative niya ipakasal ito sa mga nagiinvest. Kung sabagay mukha naman siyang bitch." Ang mahaba niyang dugtong na puno ng panlalait at paninira.

Tumayo na ako. At lumabas ng room

"Hoy, may klase pa tayo. Saan ka pupunta?" ang tanong niya sa akin

"Sa impyerno" ang matipid kong sagot na nakangiti at dire-diretso na akong lumabas. May tinawagan ako at binili ang isang company na nagiinvest kina Kail.

Hindi ko maipaliwanag ang sarili ko.

Kumukulo ang dugo ko pag naririnig ko na ipapakasal si Kail. Hindi ako papayag. Sa akin lang ang babaeng yun ang bulong ko sa sarili ko.

Devil Wants MeWhere stories live. Discover now