CHAPTER 19: WAY BACK TO YOUR LOVE

1K 31 1
                                    

CHAPTER 19: WAY BACK TO YOUR LOVE

KAIL's POV


Nakaupo ako ngayon sa loob ng bus at nakatingin sa bintana. Alam kong magaling ang mga inupahan na detective ng asawa ko kaya kailangan ko magdisguise muli,ngunit hindi bilang lalaki, kungdi bilang isang nerd na may brace at makapal na salamin. Nagwig na din ako para hindi ako mapansin ng iba. Napukaw ang atensyon ko sa pag -iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko at tinitingnan ang number ko. Isa itong message sa inupahan ko na detective.

_________________
|Hi, Ms. Kail. Good pm. |
|Regarding sa hinihingi |
| #141 ********, St. *******|
| ********* ang address. _|

____________
| Ok. Thank you. |


Batid ko na galit na galit si Thunder sa akin ngunit para sa kanya din namin ito. Tatlong oras ang byahe at ayaw ko rin na magtagal pa ang araw para tumigil sa lugar na yun.

Nakarating ako sa lugar na sinasabi ng nagtext sakin.

Puno ng puntod at lapida tumambad sa akin. Magubat na at hindi nalilinisan ang lugar kung saan siya nagpapahinga. Tumambad sa akin ang pangalang CECILLE SUE katabi noon ay ang lapida ng asawa ko. Nilinisan ko ito at nagtirik ng kandila.

"Baby, I'm sorry. Mahal na mahal kita. Sana ay hindi ka galit sa pag alis ko" habang linilinis  ang lapida niya.


Alas tres na ng hapon ng matapos ako sa paglilinis. Bago man ako umalis ay muli ako naglaan ng dasal na ikakapayapa ng kaluluwa niya. Pagkatapos noon ay tumungo ako ng simabahan.



THUNDER's POV

Buong araw ako naghanap kay Kail. Tumungo na ako sa private investigator at pinahanap si Kail. Pinuntahan ko ang mga pinupuntahan niya at pinagtratrabahuhan ngunit wala isang makapagsabi kung nasaan siya.

Ng hapon yun, tumingin ako ng sa oras at alas tres na pala. Naalala ko na hindi ako nakapagtanghalian. Sa hindi ko maipaliwanag na pangyayari ay napatigil ako isang malakas na hangin ang naramdaman ko. At gumaan ang  kaninang balisa at nagwawala na pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan pero tila naramdaman ko ang init ng puso ko na nagaalab. Ngayon ko lang naramdaman ito kahit na ang demonyo sa loob ko at tila kalmado at gusto ang pakiramdam na yun.

Tumungo na ako sa condo ng asawa ko para doon ay makapag pahinga. Alam kong uuwi siya dahil wala man lang siya nadala na kahit anong damit. Hiniga ko ang katawan kong ngayon ay balisa dahil sa pag iisip muli sa asawa ko.

Kinabukasan

Ng imulat ko ang mata ko ay nagulat ako sa katawang katabi ko na yapos yapos ako.

Bumalik nga siya at tinupad iyon.

Hinalkan ko ang noo niya.

Hindi ko mapaliwanag ang saya ko ng makita siyang muli.

Nagising naman siya sa ginawa ko at hinarap siya sa akin at ngumiti.

Hindi ako magsasawa na makita ang mukhang ito palagi paggising ko. Ito ang babaeng ipagtatanggol ko kanino man at  hindi ko hahayaang mawala siya sa akin.

"Thunder, sorry kung nagalala ka." Ang sabi nito

Hindi ako sumagot.

"Galit ka pa ba. I'm sorry, hindi na kita iiwan" ang dugtong nito

Ngumiti ako sa kanya at niyapos siya.

"Baby, okay lang ako, masaya akong marinig sayo na hindi mo na ako iiwan" ang sabi ko

"At ayoko na din na hindi mo suot suot ito at wag mo na sanang hubarin pa kahit kailan" habang kinukuha ang singsing sa bulsa ko at sinuot sa palasingsingan niya


KAIL's POV

Sobrang saya ko ng makita ang singsing sa kamay ko. Ayaw ko naman talaga itong hubarin yun, kaso nasaktan kasi talaga ako. At masaya ko ulit itong isuot.

"Baby, sobrang namiss kita" ang sabi niya na mahigpit akong niyakap ulit.

"Alam ko Baby, ramdam ko rin ang pananabik ng isa pang katauhan sa loob ng iyong katawan" ang sabi ko na tila nagdalawang isip pa na sabihin sa kanya. Napatigil naman siya sa pagyakap at kumalas at tinitigan ako. Nagulat siya sa sinabi ko.

"Ha?" ang pakokompirmang sagot niya sa kanya

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Baby, hindi mo kailangan maglihim. Sino at ano ka pa o siya gusto kong malaman mo na mahal ko kayo. Nagiisang lang kayong nandito" ang sabi ko habang turo ang tapat ng puso ko.

"Baby, may alam ka ba?" Ang tanong niya.

Nakatitig lang siya sa akin na naghihintay ng sagot.

—————-

Sabihin na kaya ni Kail? O magpanggap siya na walang alam sa pagkatao ni Thunder dahilan para magkaroon siya ng kasalanan na ikakasiya ng asawa.

Devil Wants MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon