CHAPTER 7- MARK OF THE POSSESSIVE DEMON

1.7K 33 0
                                    

HINAY HINAY PO SA PAGBABASA!!! YUNG PONG MGA BATA DIYAN AY SKIP NIYO NA LANG TO . PANG 18+ OF AGE PO ITO...

THUNDER's POV

Two weeks ang lumipas at umuwi na rin kami. Napagdesisyunan na tumira si Kail sa mansion. Ang pinagpatuloy naming ang pagaaral naming dalawa. Nasanay na rin kami na walang katulong at pinagsisilbihan ang isa't isa. Maaga palang wala na si Kail dahil tinatapos niya ang thesis na isusubmit niya dahil yun na lang ang kulang para makagraduate ito. Dala ang kotse na pinarada sa parking ng school ay bumaba na ako. Nagdilim ang paningin ko ng makita ko ang dalawang tao na naguusap. Ang asawa ko at ang matangkad na lalaki na kaharap nito. Liam, naalala ko na ang pangalan niya. Childhood sweetheart ito ni Kail at ito lang talaga ang malapit sa kanya. Hinawakan nito ang kamay ni Kail at tila nagsusumamo ang itsura nito. Nagtago ako sa pader na malapit sa kanila. Alam ko mas pipiliin niya ang siraulong ito kaysa sa akin. Hindi ko gusto ang maririnig ang litanyang yun pero handa akong masaktan ano man pinag-uusapan nila. Tch bago pa ba sakin yun.

"Kail, please magfile ka ng divorce. Hindi ko matatanggap na mapunta ka sa lalaking yun" ang sabi niya habang hawak ang kamay nito.

" I'm sorry Liam pero hindi pwede" ang malungkot na sagot ni Kail

"Bakit? Mahal mo na ba sya?" ang sabi ni Liam

"hindi mob a alam na yumaman lang siya dahil sa pagka-casino. Hindi natin alam baka masamang tao siya. " dugtong pa niya.

"Pinaimbistigahan mo ba ang asawa ko?" Ang tanong ni Kail.

"Oo, ngayon nasagot ko ang tanong ko, yung tanong ko naman ang sagutin mo. Mahal mo na ba sya?" ang tanong ni Liam

Matagal na nakatigil silang dalwa. Mahinahon na hinihintay ang sagot ng asawa ko.

"Oo, mahal ko na sya Liam. I'm sorry" ang sabi ni Kail. Napangiti ako ng malaman ko na may isang babaeng nagmahal sa akin.

"Hindi ako naniniwala sayo. Pinakasalan mo siya para lang masalba ang kumpanya ng mga magulang mo. Ni hindi mo nga alam kung anong demonyo siya e."sabi nito na nakahawak sa kamay ng asawa ko.

Nagiinit na ang dugo ko dahil ayaw kong may ibang hahawak sa asawa ko kung hindi ako.

"Oo, nung una para sa company lang, pero binuksan ko na ang puso ko sa kanya bago palang kami nagpakasal. At kahit demonyo pa sya o anghel asawa ko pa rin siya. wala kang karapatan siraan siya. kung yumaman man sya sa sugal o sa mga bagay na mali, hindi ka Diyos para husgahan siya. Sa ginagawa mo paninira sa asawa ko mas tama lang na siya ang pinili ko para mahalin." ang sabi ni Kail na tila natulala si Liam sa mga sinabi.

Tila may kumiliti sa aking puso ng marinig ko ang pagtatanggol sa akin ng aking asawa. Hindi ko talaga siya makitaan ng kahinaan kahit sa ibang lalaki.

"Wag ka ng magpapakita sa akin Liam. Hindi kita mahal. Nagbago na ang pagtingin ko sayo bilang kaibigan. Hindi ganyan ang Liam na kilala ko." ang sagot niya at dumiretso na para lampasan si Liam na gulat pa rin sa mga sinabi.

Ng makaalis siya sinundan ko siya patungong hardin ng school. Nakita ko na umupo siya sa bench at tila malungkot na yumuko.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Okay ka lang ba?" ang tanong ko sa kanya.

Umangat ang tinigin niya sa akin. Ngumiti, ngunit malungkot ang mata.

"oo, hindi ko lang akalain na ang tanging kaibigan ko na nandiyan para sa akin ay maglalaho din." Ang sabi niya

Niyapos ko siya, nagseselos ako. pero hinayaan ko muna na maging okay ang asawa ko.

Devil Wants MeWhere stories live. Discover now