CHAPTER 12: SACRIFICE

1K 26 1
                                    

Thunder's POV

Dumating ako sa lugar na binigay nila at naghintay. Malaking bodega yun. Tumayo ako sa gitna nun at dala ang bag na naglalaman ng pera.

Bumukas ang parteng madilim ng bodega at nakita ko doon ang asawa ko na nakagapos ang braso. Lumapit ako sa kanila. Isang dipa ang layo mula sa akin dahil pinigilan at pinahinto nila ako.

Susunod muna ako sa mga sasabihin ng mga ito.


Tiningnan ko ang asawa ko. Namumula ang pisngi nito at may pag-aalalang bakas sa mga mata nito.

"Thunder, bakit pumunta ka pa?" Ang tanong nito na naiiyak na

"Asawa kita Kail, hindi kita pwedeng pabayaan." Saad ko na nakatingin sa lalaking katabi nito na si Liam.

"Eto na ang pera" ang sabi ko sabay hagis ng bag na naglalaman ng pera.

Lumapit ang isang tauhan niya at chineck ang laman nito, ng makumpirma ay tumango ito na sinasabi na laman nga ay pera. Umalis na ito sa harapan dala ang pera at tumabi kay Liam.

"Ibigay mo na ang asawa ko sa akin, gaya ng napagkasunduan" ang sabi ko.

Ngumisi naman ito ng pagkademonyo.

"Akala mo ba makukuha mo pa si Kail" ang sabi nito na hawak hawak ang balikat ng asawa ko.

"Sa akin na ang asawa mo!" Ang sigaw nito
Sabay senyas sa mga tauhan niya na lumapit sa akin.

"Patayin niyo na ang hayop na yan!" Ang sabi niya

"Ngayon Kail, pagmasdan mo kung paano mamatay sa harap mo ang pinakamamahal mong si Mr. Vince Thunder Sue....HAHAHAHHA" ang halakhak nitong sabi kay Kail.

"Thunder tumakbo ka na, please!" Ang sigaw ni Kail na umiiyak na.

Wala sa bukabularyo ko ang tumakbo, wala din ang pagiging mahina.

Biglang nagsilapitan ang mga tauhan nito sa akin at inumpisahan na nila akong bugbugin. Malakas ako at marunong idepensa ang sarili ngunit ang lakas ko ay pang karaniwang tao lamang. Maiksi lamang ang kapasidad ko upang lumaban. Puro pasa na ang aking mukha at katawan. Nababalot na din ito ng sarili kong dugo.

Naririnig kong nakikiusap si Kail na itigil ang pangbugbog sa akin kapalit na gagawin niya lahat para sa akin na hindi ko kinagusto.

Nakita ko siyang walang magawa na umiiyak sa harap ko.

Humandusay ako sa sahig dahil sa mga suntok at sipang natamo ko.

Umupo ako.

Nakita kong tinapat sa akin ni Liam ang baril na hawak niya.

Mukhang mapapadali ang pagbalik ko sa impyerno nito.

Ngumisi ako.

Handa na akong bumalik sa impyernong pinagmulan ko.

Ngunit nakita ko na naman ang mga bughaw na mata na nakatingin sa akin at umiiyak.

Pumikit ako para iwasan ang tingin niya at isipin niya na handa na ako mawala sa mundo.

Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa bodega, wala akong naramdaman na tumama sa akin na kahit isang bala.

Ng imulat ko ang mata ko nakita ko ang mukha ng asawa ko na nakangiti sa akin.

Napatitig ako sa bughaw na matang samutsari ang emosyon sa akin.

"Kail?" Ang sambit ko

Devil Wants MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon