CHAPTER 21: A VISITOR FROM HELL

947 28 0
                                    

THUNDER's POV

Mula sa panaginip muling nagpakita si Satanas

"Kumusta ka naman Thunder? Kumusta ang misyon mo? Anong ganap?" Ang malachismoso niyang tanong

"Problema" ang sabi ko

Tumingin sa akin si Satanas.

Nagtataka siguro

"Buntis si Kail. At ako ang ama ng dinadala niya" ang kabadong sabi ko

"Siraulo ka! Di ba sinabi ko sayo inyong mga demonyo na bawal niyong buntisin! Kagaya ka rin ni Lee" ang sabi niya

"Di ko mapigilan eh, ang sarap kasi" ang sagot ko na may pagkamot sa ulo

Seryoso naman itong tinitigan ako. Kinalma ang sarili ko sa takot.

"Patayin mo si Kail, pati ang anak mo!" Ang maotoridad nitong sabi.

Nagulat ako at namutla sa sinabi niya.

"Patayin mo sila, kung hindi madadamay ka sa kamatayan nila" ang utos nito na nakatitig pa rin sa akin

Ito ang kinakatakutan ng anghel at demonyo, kaya umiiwas kami sa mga taga lupa. Pinagbabawal na umibig ang isang anghel o isang demonyo. Pag nalaman ito nagkakaroon ng isang anghel na magpaparusa kaninuman. Papatayin niya ang demonyo o anghel at tao pati na rin ang magiging anak nito upang ibalik ang balanse ng mundo. Ito ang kinakakaba ko.

"Matalino ka Thunder,alam mo kung bakit mo kailangan yung gawin. Kahit itago mo pa yan malalaman yan ng mga anghel at kung hindi mo susundin ang utos ko. Ako ang papatay kay Kail. At sa magiging anak niyo" ang babala niyang sabi

Hanggang mawala siya sa dilim.

Bigla naman ako napabalikwas ng higa.

Nagising naman si Kail ng maramdaman niyang bumangon ako.

"Baby, okay ka lang ba?" Ang tanong niya

Tinitigan ko siya.

Kailangan patayin ko siya?

Bakit kailangan ko pa gawin yun?


Hindi. Hindi ko kaya!

Ayaw kong mawala siya sa akin.

"Oo baby " ang tipid n asagot niya

"Matulog ka na"ang sabi ko

"Baka makasama sa baby natin ang pagpupuyat mo" ang sabi ko sa kanya

"Magbabanyo lang ako" ang sabi ko at tumayo na at dumiretso sa banyo.

Humarap ako sa salamin na nasa banyo. Mula sa salamin nakita ko ang isa ko pang katauhan. Mas matapang ito at mukhang berdugo.

"Ayokong patayin ang mag-ina ko. Magsisi tayo pareho pag ginawa natin yun" ang sabi ko

"Sira ulo ka ba? Kakalabanin ka ng lahat at papatyin na rin nila si Kail" ang sagot ng nasa salamin.

"Ayos lang ba sayo na mawala na si Kail sa atin?" Ang tanong ko

Tumahimik siya. Kilala ko ang mukhang yun na pinakita niya sa akin. Pag nagkataon pareho kaming magwawala at mababaliw pag nawala ang babaeng pareho naming minahal.

"Isa lang tao makakatulong sa atin ngayon" ang sabi ko

Napatingin siya sa akin.

"Si yuri" ang sabi niya

"Nahihibang ka na ba. Anghel siya" ang sabi niya na pasigaw na

"Magtiwala ka sa akin" ang sabi nito, tumahimik naman ito at tumango bilang pag sangayon.

At ng matapos ko ang paguusap namin at tumungo na ako sa kama.

Nakita ko ang misis ko na mahimbing na natutulog.

Inayos ko ang iilang buhok niya na nasa mukha niya.

Mula ngayon proprotektahan natin siya, kahit pa kapalit ng buhay natin at kahit pa sa Diyos at kay Satanas.

Sumang ayon naman ang isa pang katauhan sa aking kalooban.

I'm not selfish. I'm territorial.
Selfish is when you want something that's not yours.
Territorial is protecting what's already yours.

Mula sa oras na iyon ay pinangako na namin na nandyan ako at ang isa pang katauhan sa loob ko para protektahan ang asawa ko.

At lahat gagawin namin upang hindi ito masaktan at ang sanggol na nasa sinapupunan niya kaninuman

——————-

Happy reading

Thank you ulit

Devil Wants MeWhere stories live. Discover now