CHAPTER 28: THE PAST

917 24 2
                                    

THUNDER's POV

Natulala kami ni Yuri.

Totoo ba ang nakikita ko.


Ilang taon na din ng mawala siya. Ilan taon na din akong naghintay.

Nasa harapan ko ngayon ang babaeng mahal na mahal ko.

Buhay siya?

Buhay si Kail?

Pero paano?


Tumingin ako kay Yuri ganun din siya sa akin. Nagtataka rin siya.



Lumapit siya sa akin



"Hi baby" ang sabi niya.


Naiiyak akong niyakap siya ng mahigpit. Namiss ko ang boses na yun, mga malalambing na tawag niya sa akin, ang yapos niya.

"Kail" ang tawag ko.

Nakangiti si Yuri at Mi-ha na pinagmamasdan kami. Ganun din ang kambal.


"I told you daddy, you will not regret it" ang sabi ni Kai

"And we will be a happy family!!!" Dugtong ni Storm

Ng lumayo ako.



"Sobrang namiss kita baby" ang sabi ko sabay halik sa kanya



Naging malalim yun. Nakalimutan ko na nandoon ang mga bata.



"Get a room Thunder!" Ang sigaw ni Mi-ha



"Children cover your eyes. Masyado namiss ng daddy niyo si mommy niyo" ang sabi ni Yuri agad naman na tinakpan ang kanilang mga mata




Ng humiwalay na sya ng halik.
Yumapos ako sa kanya ng sobrang higpit.







"Thank God. Buhay ka" ang sabi ko

Nagpapasalamat talaga ako na dininig ng Diyos ang hiling ko.

Kahit kailan hindi ako nagdasal at humiling sa Diyos. Pero ng araw na mawala si Kail, yung araw na yun. Hindi ko man lang sinisi ang Diyos nun hiniling ko na lang na bumalik siya at magiging mabuting tao ako habang nasa lupa. Araw araw akong humihiling sa Diyos na sana dinggin ang aking dalangin.


"Mommy! Daddy!" Ang sigaw ni Storm na dire diretsong yumapos sa ina.



Kilala ng dalwang anak ko ang ina nila?



Ngayon naiintindihan ko na kung bakit lagi sila hinihiram ni Mi-ha.

Pero paano nga ba siya nabuhay.


Nakita ko siyang mamatay at maglaho.


Tumingin ako ka Mi-ha.


"Si Kail na ang magpapaliwanag sa inyo. " sabi nito

Lumapit ito kay Kail.


"Storm, Kai tara sa playroom may paguusapan  lang sina mommy, daddy and tito" ang sabi niyo

"Thank you Mi-ha" ang sabi ni Kail. Hinalkan niya ang dalwang bata

"Welcome couz"  hinawakan naman ni Mi-ha ang kamay ni Storm at Kai. Tumalikod na sila at nagkwekwentuhang lumabas ng kwarto.

Devil Wants MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon