CHAPTER 13: THE PLAN OF THE DEMON

1K 32 0
                                    

NO ONE's POV

Natapos ang ilang araw ng operahan si Kail. Lingid sa kaalaman ni Thunder ay balak ni Kail na umalis upang lumayo sa kanya ngunit napag isip niya na huwag na munang isakatuparan ang plano niya.

Ilang araw na din buhat ng makauwi sila mula sa hospital. At ilang araw na din na naging abala si Thunder sa trabaho sa opisina nito. Ganun paman naging malawak ang pag unawa ni Kail sa kanya. Batid niya na para sa kanila ang ginagawa ni Thunder. Ngunit ganun pa man sa mga araw na dumadaan ay tila nagbabago ang pakikitungo ni Thunder sa kanya. Lumalamig ito at tila ba'y nawawalan na ng gana, ang hindi alam ni Kail ay plano talaga ng asawa na gawin ang bagay na yun at pag selosin siya dahilan para ito ay gumawa ng masama dahil sa sama ng loob at selos.

Pinakitunguhan ni Thunder si Kail na tila isang asawa na kasal na lamang sa papel. Hindi na ito malambing sa kanya gaya ng dati at ramdam yun ni Kail. Nalungkot naman si Kail at palagi umiiyak, batid ni Thunder ang bagay na yun at kahit na nasasaktan siya ay hindi niya magawang sabihin at malambing ang asawa niya dahil sa ayaw niyang masira ang mga plano niya. Gayun pa man kita ni Thunder ang pagmamahal ni Kail sa kanya dahil sa pag unawa na ginagawa nito.

Isang araw naisipan ni Kail na ipagluto at dalhan ng tanghalian si Thunder. Nakamasid si Thunder at pinapanood ang misis niya na masayang nagluluto para sa kanya sa monitor ng camera na nakacommect sa laptop niya. Mula kasi ng kidnapin ang kanyang misis ay pinalagyan niya na ang bawat sulok ng bahay niya ng security camera na siya lang ang nakaka-access. Nang araw din yun ay nakaisip ang demonyong isip ni Thunder kung paano gagawin niya ang planong yun.

Bumungad sa opisina niya ang magandang babae na inupahan niya upang magpanggap na kabit niya.

Maganda ito at sexy na pwede ika-insecure ng misis niya. Batid niya na baka ikumpara niya pa ito sa sarili niya pag nagkataon. Malagkit din ang titig ng babaeng inupahan niya sa kanya at tila mabilis mapaibig ang gaya nito ng dahil lang din sa pera. Sinabi ni Thunder lahat ng dapat gawin ng babaeng inupahan niya.

Sumang ayon ito at natuwa pa dahil sa kisig at gwapong lalaking kasama niya sa pag buo ng plano. Wala namang pakialam si Thunder kahit nabasa niyang papaibigan siya nito dahil lang sa itsura at salapi niya. Nang dumating ang oras na isakatuparan ang plano ay pumwesto na ang dalwa at naghalikan sa pagbukas ng pintong inuluwa si Kail.

Umayon naman sa plano ni Thunder ang lahat ngunit masakit para sa kanyang makita muli na umiiyak ang asawa niya ng dahil sa kanya.

Umarte naman na nagulat si Thunder at ang babae na kahalikan niya.

Tumakbo ito palayo ng opisina


Hindi sinundan ni Thunder si Kail. Yun kasi ang nakasaad sa plano.




Ng makaalis na ang asawa niya ay binayaran ni Thunder ang babae. Ayaw pa sana nitong umalis at gusto pa na ipagpatuloy ang ginagawa nila. Inakit nito si Thunder ngunit walang pakialam dito Thunder. Pinalayas niya ito sa harap niya. At sa takot ay agad din naman itong sumunod sa kanya.

Nakita niya mula sa security camera ang pagdating sa bahay ng asawa. Umiiyak pa rin ito. Dire-diretso itong tumungo sa kwarto nila at doon humagulhol ng iyak. Malungkot na pinapanood ni Thunder ang asawa niya. Tila nagsisisi siya sa ginawa niyang plano dito. Hindi niya natapos ang trabahong ginagawa at pinapanood lamang niya ito.

Nakita niya namay kinuhang ballpen at papel ang asawa sa sulong at nagumpisa ng magsulat. Nagayos na ito at tumayo na para umalis. Kampante naman si Thunder na walang gagawin na kakaiba ang misis niya dahil sa tuwing aalis ito ay nagiiwan ito ng note sa tabi ng kama nila. Bukod doon ay wala itong dala kung hindi maliit na bag na naglalaman ng wallet at cellphone lang nito. Pinatay ni Thunder ang monitor upang ibaling sa tambak na papeles n nasa unahan niya. Batid niya na maghihintay siya sa pagbalik ng misis at kung anong mood na nito pag dating. Hindi pa nakakakalahating oras binuksan niya na muli ang monitor.

Devil Wants MeWhere stories live. Discover now