CHAPTER ONE

591 15 1
                                    

CHAPTER ONE

"Uuwi ka na?" tanong niya.

"Uhh...oo, ikaw?"

"Hindi pa...uuwi ka? Eh, ang lakas ng ulan, oh?"

Oo nga naman, Anne. Uuwi ka, wala kang payong? Eh, anong gagawin ko rito sa campus? Umuwi na si Althea at ngayon kami na lang ni Cloud dito sa building.

"Dito ka muna, patilain muna natin ang ulan," aniya at naupo sa unang baitang ng hagdanan.

"Wala ka rin bang payong?" tanong ko.

"Meron, kaso no'ng sinabit ko sa bintana, biglang nawala." He shrugged.

"May kumuha no'n."

"Think so."

Magkatabi kami ni Cloud sa hagdanan, naghihintay na tumila ang ulan. Oo, kinikilig ako pero hanggang doon lang 'yon. 'Di ko lang pinapahalata pero kinakabahan pa rin ako at ang lakas ng heartbeat ko. Habang tumatagal ang oras ay mas lalo namang lumalakas ang ulan. Maya-maya'y biglang napadaan ang...I think friend siya ni Cloud, Pete ang name niya.

"Cloud, bakit nariyan ka pa? Tara sumukob ka na!" Offer nito.

"Sige, mauna ka na," tanggi ni Cloud.

"Sure ka?"

"Ay, teka, sabay mo na siya." He held my arm at dinala ako sa kaibigan niya.

"Paano ka rito, Cloud?" ,anong ko. I am worried about him. Makakauwi kaya siya?

Pinauna na 'ko ni Cloud. Pinasukob niya ako sa payong ni Pete para ihatid sa may sakayan. Pero nag-aalala talaga ako kay Cloud. Pinauna ko na si Pete at bumalik ako sa building namin. Ayoko siyang iwan doon mag-isa.

"Oh? Bakit bumalik ka?" gulat niyang tanong.

"Hangga't hindi ka umuuwi, I'll stay with you."

"Kung sasamahan mo 'ko, parehas tayong 'di makakauwi," sabi niya.

"Okay lang, I don't mind."

"Haha, ikaw ang bahala."

Hindi ako umalis sa tabi ni Cloud hanggang sa inabot na kami ng 6PM. Not to mention, 3PM ang uwian namin every Tuesday so ibig sabihin three hours na kami roon.

Hindi ko iniinda ang pagakaka-stuck namin sa building but it's getting cold. Hindi ko pinahahalata kay Cloud na nilalamig ako pero bigla akong nag-sniff and he noticed that.

"Nilalamig ka?" Ngayon, alam na niya.

"Hindi, I'm okay," I denied.

"You're sniffing, sa 'yo na 'tong jacket ko." Hinubad niya 'yon sa kaniya.

"Edi ikaw naman ang nilamig?"

"Okay lang, ako naman ang dahilan kung bakit andito ka pa," nakangiti niyang sabi.

Binigay niya sa 'kin ang jacket niya at 'di ko 'yon tinanggihan dahil sa sobrang lamig na lamig na ko, para 'kong nasa freezer. Sobrang bango ng jacket ni Cloud, amoy imported. Tinitigan ko siya habang siya ay nakatingin naman sa langit. I wonder, ano kayang tinitingnan niya ro'n? Ganiyan naman si Cloud, mahirap basahin.

I'ts getting late pero over-over pa rin ang buhos ng ulan, nakakainis na. Hindi na yata kami stuck, what I mean is we're stranded. Pero 'di ako natatakot kasi kasama ko siya.

"Ang tagal tumila, 'no?" bigla niyang tanong.

"Oo nga, eh. Paano tayo uuwi?"

"I already texted Althea, ngayon lang nagka-signal, eh. Hindi ako maka-send kanina."

Love and Anxiety | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon