CHAPTER THIRTEEN

253 4 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Five months later.

I got myself busy with the Journalism Club. I tried getting along with my friends like the usual but it's not working. May kulang pa rin. Linggu-Linggo ay nagpupunta ako kanina Tita Ada. Wala na sila roon, nasa US na sila and I think it's for good. She gave me the spare key of the house. Ibinigay na niya sa 'kin itong bahay. At first, I can't believe it. Ang sabi niya ay wala naman daw magbabantay sa bahay at wala na rin akong nagawa.

Malungkot ang pasko ko. Ang bagong taon ay matamlay din. Mahirap. Araw-araw ay nami-miss ko si Luis. Pakiramdam ko ay nauubos na ang lahat sa 'kin. Si Cloud ang lagi kong kasama. Honestly, my feelings for him keep fading. Hindi ko alam kung bakit at ayoko munang isipinn. Kahit hindi naging kami ni Luis, pakiramdam ko ay nagtataksil ako sa kaniya. But he likes Cloud. Sinabi niya 'yon sa video niya. He was dying pero ako pa rin ang iniisip niya nong mga panahong 'yon.

Breaktime na pero hindi pa rin ako tumatayo sa upuan ko, pinanindigan ko na ang pagiging busy ko. Inaako ko na rin pati ang mga gawain ng co-members ko. Dumating si Cloud para ayain akong mag-lunch.

"Kanina ka pa raw diyan, 'wag ka ngang nagpapabaya. Tara kain tayo, libre ko." He smiled at me.

"Wala akong gana, eh."

"Tara na, please?" Hinawakan niya ang kamay ko and I stared at it. "S-Sorry."

"Okay lang. Tara na nga."

Sa café, malalim pa rin ang iniisip ko. Hindi pa nga nangangalahati ang pagkain ko. Cloud looked at me worriedly. Sabi ni Luis ay matatanggap ko rin daw ang lahat sooner or later. Bakit parang imposible? Help me, Luis.

"Anne, stop torturing yourself. Kung nakikita ka man ni Luis ngayon, I know hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari sa 'yo," ani Cloud na nakapagpabalik ng ulirat ko.

"I'm sorry," tugon ko bago tuluyang lumabas ng café.

Nagtatakbo ako patungong TGG. I sat on the same seat where Luis died. Walang gustong maupo rito simula ng kumalat ang balitang dito namatay si Luis. Ako na lang. May mga kumakalat pang fake news na nagpaparamdam daw si Luis dito. Suddenly, the whole area became quiet. Wala akong ibang naririnig kung hindi ang ihip ng hangin.

"Anne!" somebody called. I immediately got goosebumps hearing his voice.

"L-Luis! B-Bumalik ka." I cried.

"Sa tingin mo ba matatahimik ako 'pag ganiyan ka?" He looked away.

"Luis, I miss you so much."

I ran towards him and enveloped him with a very tight hug. Ayoko na siyang bitawan nang mga sandali na 'yon. Natatakot akong baka umalis na naman siya, at ayoko nang mangyari 'yon.

"You broke your promise," I said as I keep on crying.

"Kaya ba hindi mo tinutupad ang third wish ko? If I only had a choice why would I leave your side? I won't be able to find my peace if you keep it that way, Anne," he uttered with his eyes full of sorrow.

"I'm sorry, Luis. Can you stay? I'll be good," I said desperately.

"I can't, Anne. It's hard to explain but please understand. Mahal na mahal kita. Ingatan mo ang sarili mo." Unti-unti siyang naglalaho at wala akong magawa kung hindi ang umiyak, "Please, be happy. Be happy, Anne."

Tuluyan na siyang nawala at mag-isa na naman ako. Narinig kong may tumatawag sa 'kin. Palapit ng palapit ang boses niya. Pamilyar ang boses. It feels like I used to admire that voice. Is it Luis?

"Anne.. Anne, wake up."

I opened my eyes and saw Cloud's nervous face. Nakatulog pala ako. And... I just dreamed of Luis. Parang totoo. I felt cold wind touching my cheeks. I have dried tears all over my face. I did cry.

Love and Anxiety | COMPLETEDWhere stories live. Discover now