CHAPTER SEVEN

251 4 1
                                    

CHAPTER SEVEN

"Ano 'to, Luis?" tanong ko.

"Anne, mabilis ang lahat ng nangyari. Oo, inaamin ko na kaya ako nakipagkaibigan sa 'yo ay dahil gusto kita. Sobrang thankful talaga ako na sumali ka ng Journalism Club. Hindi ko kayang nagagalit ka sa 'kin. I'm sorry, Anne."

"Ang bongga mo naman mag-sorry! You don't need to do this." I said as I blushed in embarrassment. "At isa pa, ako naman 'yong may kasalanan sa 'yo. Ako dapat ang mag-sorry."

Lumuhod si Luis sa harap ko at binigyan ako ng tatlong pulang rosas. Tinignan ko si Althea, sabay ngumiti siya sa 'kin. Luis held my hand and put it in his chest. Ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Anne, can I court you?" His question sent chills all over me.

"Luis...please..."

"Hindi naman ako naghahadali. I can wait. Bigyan mo lang ako ng chance para mapatunayan ko ang sarili ko sa 'yo. Just give me a chance."

I looked at Althea with anxiety evident in my eyes. She just nodded and smiled. Pero ano 'to? Papaasahin ko si Luis? Nahihirapan na talaga ako. Suddenly, I thought of Cloud. Nakakulong pa rin ako sa panghihinayang sa nangyari sa 'ming dalawa. Mukha namang hindi big deal sa kaniya 'yon. Ako lang ang may regrets. Sinabi niya noon sa 'kin na may popormahan siya.

Luis is a nice guy. But do I have to give him a chance? I am not sure if I'll be able to handle him but I just can't break his heart.

"Inuulit ko, can I court, Anne Ignacio?" ani Luis.

"Puwede naman akong mag-isip muna, 'di ba?" I rolled my eyes.

"Sige, uupo muna ko dito, nangangawit na 'ko, eh," aniya at naupo sa malaking bato sa gilid ko.

"Pinagtitinginan na tayo ng mga tao."

"I don't mind, ang kailangan ko ay yes or no. And I think they are all here to hear your answer, too."

I still need to think of it. Pero, manliligaw pa lang naman, 'di ba? Why not give it a shot? Kabang-kaba kong tinignan si Luis and he stared back at me with the same emotion.

"So?" He gulped.

"Y-yes? Yes, Luis."

"W-wait...can you say it clearer? Do my ears deceive me?" Tumayo siya at lumapit sa 'kin.

"Luis Tordesillas, yes. Yes, you can court me." Pag-ulit ko at unti-unti ay ngumiti siya. Humarap siya sa mga tao.

"Did you hear it, guys?" he asked at hinampas ko siya.

"Luis! Ano ba? Nakakahiya."

Nagpalakpakan ang schoolmates namin at gustung-gusto kong lumubog sa lupa ngayon. Luis is smiling from ear to ear. Niyakap naman ako ni Althea at mula rito sa kinatatayuan namin, I saw Cloud staring at us, rather at me. Blanko ang mga mata niya. I should move on. Cloud and I are friends at sa tingin ko ay hanggang doon na lang 'yon.

Umalis muna si Althea para makapag-usap raw kami ni Luis ng maayos.

"Luis, I know you're a good guy. Sino ba ako para tanggihan ka? Pero hindi ko alam kung saan tayo pupulutin after this," I worriedly said.

"Don't think about it. Ang mahalaga ay ang ngayon. What we do now, whether it's good or bad, it will lead us to something that is surely for the better. If we end up with our hands still holding then it's good, we just have to keep going and discover more. But if we end up both wounded and hurt then that means we still need to make ourselves even wiser or smarter. See? It's all for the better. You gave me a chance so I need to make it up to you. Salamat, Anne."

Love and Anxiety | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon