CHAPTER ELEVEN

199 4 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

Pinagsalusaluhan namin ang mga pagkaing inihanda. Pagkatapos no'n, iniligpit na namin lahat dahil New Year na! Iyon naman ang ipinagdiwang namin. Nag-fireworks kami at iba-iba pang klaseng paputok. Itinulak ko ang wheel chair ni Luis palabas para panuorin ang fireworks. It's like we're on a time travel.

Hindi pa man din nakaka-recover sa pagkain kanina, kakain na naman ulit kami. Napansin ko na nakatakip ang mukha ni Luis, nilapitan ko siya at inakbayan.

"Oh, bakit ka umiiyak?" I pouted.

"I can't believe na nangyayari talaga lahat ng 'to."

"Sabi mo 'di ba gusto mong maranasan ang mga okasyon na 'to? I'm your genie and your wish is my command!" I tried to sound cheerful.

"Maraming salamat sa 'yo, Anne. Pati sa kanila."

"Dito ka lang magtse-change outfit lang ako."

Nagpunta ko sa CR para magpalit ng damit, nag-gown ako kasi gusto kong magkaroon ng Perfect Valentine si Luis. Lahat ng mga kaibigan namin ay nag-red outfit.

"Oh, ano namang meron ngayon?" natatawang tanong ni Luis.

"Happy Valentines, Luis." I gave him one red rose.

"Happy Valentines? Wow, ang ganda mo, Anne," aniya at tinignan ako from head to toe.

"Salamat!"

I dated him with so much love I could ever give. Masaya 'ko dahil napasaya ko si Luis. Matamlay na matamlay siya. Ngayon ay pilit na pilit na lang ang dating pamatay na ngiti niya. 'Yong boses niyang dati ay sobrang sigla pakinggan, ngayon halos mapaos na. Bakit ka nagkaganiyan, Luis? Hindi ka deserving na magkasakit ng ganiyan kalala. Ano bang napakabigat na kasalanan ang nagawa mo para pagbayaran mo sa ganito kasaklap na paraan?

Pinipigil ko ang mga luha ko para hindi panghinaan ng loob si Luis. Pinipilit kong tumawa para sa kaniya, para mabigyan ko siya ng lakas ng loob para labanan ang pesteng sakit niya.

"Wow, ang ganda! Pasensya ka na dahil wala akong gift para sa 'yo," paumanhin niya.

"You already gave me so much, Luis. Magpagaling ka. Fight harder, Luis. Doon lang ay masaya na 'ko."

"Sige, magpapagaling ako."

Gumaling lang talaga si Luis ay wala na 'kong mahihiling pa. Lord, alam kong nakukulitan ka na sa 'kin pero 'di po ako magsasawang kulitin kayo, pagalingin n'yo po si Luis. Please. Please.

"Oh, ano, may hihilingin ka pa ba?" I asked him.

"Wala na, walang-wala na, Anne." He smiled.

"Since, nangyayari na naman lahat ng 'to, bakit 'di pa natin lubusin?"

"What do you mean?" Nagtataka niya 'kong tinignan.

"Guys!" I called them.

Lumabas sila Althea dala-dala ang cake. Binilisan na namin ang birthday ni Luis kahit katatapos lang non.

"Para saan 'yang cake?" I handed it to him.

"Sabi mo lahat ng okasyon, 'di ba?"

"Uhh...haha, the best ka talaga, Anne."

"Syempre, ako pa?"

Sa mga ginagawa ko, mas lalo lang akong nasasaktan kasi parang mawawala na siya. But he wants this at para sa ikasasaya niya, kailangan kong gawin ito. Wala na 'kong maisip na paraan kung paano ko siya mapapasaya. Nag-research ako about leukemia pero napakatindi pala ng sakit na 'yon. Ngayon alam kong wala ng magagawa ang doktor, kailangan ko na lang mag-rely kay God. siya na lang ang pag-asa ni Luis, sana nga'y totoo ang miracle.

Love and Anxiety | COMPLETEDWhere stories live. Discover now