CHAPTER TEN

230 4 1
                                    

CHAPTER TEN

"Yeah, I know it's wrong. You have Luis with you at masaya ka sa kaniya. But I feel like I'm going to explode if I'd hide it longer. Mahal pa rin kita, Anne. Walang nagbago. Naduwag lang ako pero gano'n pa rin ang nararamdaman ko. I'm sorry, Anne." Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay ito sa pisngi niya.

"This is so wrong, Cloud. Ayokong saktan si Luis. Please, bawiin mo ang sinabi mo."

"Hindi ko na kayang lokohin ang sarili ko. Every denial I do is another needle to my chest. I love you, Anne."

Cloud, bakit ngayon pa? Ayokong saktan si Luis, he doesn't deserve to be hurt. I won't deny it as well. Mahal ko si Cloud. Oo, mahal ko siya, but this is so wrong. Mahal ako ni Luis and I'm starting to feel the same way. How can I hurt someone so kind and innocent? I could get sentenced to death if I do that.

Saktong natapos ang ride ay nagtatakbo ako palayo. What have I done wrong? Maybe because I know for a fact that I broke Cloud. This is my punishment. I'm nervous, worried, scared and unease. This surge of anxiety is killing me.

Gulung-gulo na talaga ang buhay ko. Gusto ko na lang magkulong sa kuwarto ko at hintayin na humupa ang lahat but that is just so lame. I need to fix this. I love Cloud pero si Luis, mahal niya 'ko. My mind tells me to choose Luis but my heart tells otherwise. Luis is the safer hand. Bakit hindi ko siya mapili?

"Hihintayin kita, Anne. I'm not going to give you up unlike what you did to me," Cloud said two days ago.

Hindi ako makapag-focus sa mga gawain. Althea looked at me with worried eyes. I smiled at her to cover myself up. Nandito kami sa café. They keep giving me words. Pero sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon, nabibingi na ang puso ko.

"Kaya mo 'yan, Anne. Nandito lang kami ni Claire." Althea rubbed my back. I wiped my tears.

"Anne, may sasabihin nga pala 'ko sa 'yo," ani Claire.

"Ano 'yon, Claire?"

"I hope this may help you out. Kilala mo 'yong ex-girlfriend ni Luis?"

"H-Hindi... What about her?"

"Ang pangalan niya ay Colleen Vergara and alam ko kung saan siya nag-aaral ngayon. Narinig ko lang sa mga classmate ni Luis. Hindi ko alam pero I suddenly felt na dapat ko itong sabihin sa 'yo." She bit her lower lip.

"Saan? Tell me..."

Sobrang na-curious ako nang dahil doon. I want to know everything. Tuwing itatanong ko kay Luis ang tungkol sa kaniya ay natatahimik siya. Ngayon, malalaman ko na kung bakit niya hiniwalayan si Luis. That keeps bothering me. Why did she leave Luis? What is her reason for leaving such a kind man? Napagdesisyunan na namin na after class, pupuntahan namin siya.

Hindi ko 'yon sinabi kay Luis cause I know na hindi niya 'ko papayagan. After ng break, nagbalikan na kami sa room. Nakita ko si Cloud na nakatingin siya sa 'kin. Sobrang naaawa ako sa kaniya. Nakipagpalit muna 'ko ng seat kay Althea para hindi ko siya makatabi. Puwede bang ako na lang ang masaktan?

God, can you at least save the two them? Save them from me.

Sa public school nag-aaral ang ex ni Luis. Siguro ay mga tatlong highway ang layo mula sa campus namin. Mamaya rin naman makikita ko siya. Science class namin ay nagpunta ako sa CR para sagutin ang tawag ni Luis. Paano niya 'ko natawagan, school hours pa?

"Luis, science pa namin, ba't ka tumawag? Baka mapagalitan ka ng adviser nyo."

"Uhh... Anne, wala ako ngayon sa room namin." He sounds weak.

"Nasaan ka? Ah, nasa Journalism Club, sige dadaanan kita mamaya."

"Wala rin ako roon."

"Then where are you?"

Love and Anxiety | COMPLETEDWhere stories live. Discover now