ENDING

330 9 21
                                    

ENDING

Nakipagsiksikan kami sa mga taong nagkakagulo ngayon sa pagsundo sa kani-kanilang kamag-anak sa airport. Madali sana kaming makagigitgit kung hindi lang dahil sa dambuhalang cardboard na bitbit namin ngayon. Sapilitan kaming pinagawa ni Althea nito para raw mapansin niya agad kami. Nag-request pa siya na ang isulat namin ay: WELCOME HOME, FABULOUS ALTHEA!

Pansin ko na maraming nakatitig sa amin. Agaw-pansin kasi ang bitbit naming ito. Hindi na kami nahirapang matagpuan sina Austin at Althea dahil American citizen na talaga ang datingan nilang dalawa ngayon. Grabe, mas lalong gumanda si Althea. Mukha siyang beauty queen.

"Guys, I miss you so much! Grabe, nag-abala pa kayo ng ganiyan!" wika niya sabay turo sa cardboard. Natatawang umirap si Claire at nagyakapan kami.

"Wala ka pa ring pinagbago sa attitude mo, Althea!" ani Claire.

Pinagmasdan ko si Claire na nakatitig ngayon kay Austin. He smiled at her at kita ko sa mga mata ni Austin na parang may iba. Nabighani ba siya sa laki ng ginanda ni Claire?

"Ang ganda ng haircut mo, Claire. Bagay na bagay sa 'yo," ani Althea bago ako nilingon. "Anne..." she muttered and gave me a hug, "You look very beautiful. Na-miss talaga kita ng sobra."

"I missed you both, too," I replied.

"Cloud just contacted me yesterday, I thought he's gonna be here..." wika ni Althea.

"He sent me a text message. He's here," ani Austin.

"Yes, I am here..." That manly voice sent chills all over my body.

"Cloud!" utas ni Althea at dali-daling nilapitan ang taong nasa likuran namin ni Claire.

My heart started pounding like crazy. I consciously looked at myself. Vintage, retro tunic, long sleeved dress ang suot ko at floral ang print nito. I thought I look decent enough. Kabado akong humarap sa kanilang apat na nag-uusap ngayon.

I can just see them mouthing words but I cannot hear anything. All there is silence. Cloud had a massive change to himself looking so stunning wearing a Calvin Klein long sleeved shirt paired with a washed out jeans. He looks so intimidating.

"Oh, Anne, bakit nakatayo ka lang diyan? Tara na!" Claire invited.

Cloud gazed at me for a very short moment before walking away. Okay, Anne, breathe. Just act professional. Hindi n'yo naman kailangang mag-usap. Nandito ka ngayon to have a good time with your friends.

First off, we went to Max's Restaurant which is pretty much the closest resto in NAIA Terminal 3. I let Claire decide for my meal. Up until now, the atmosphere between Cloud and me is still intense but of course I'm quite sure na ako lang ang nakakaramdam no'n. He doesn't seem to mind me at all.

Kani-kaniyang kuwento sila ng mga pinagdaanan nila during Master's Degree taking. Ako lang ang tanging tahimik na kumakain.

"Anne, bakit ba ang tahimik mo? Mag-share ka naman ng story? Kamusta ka na ba?" Althea asked me.

"Naku, iyang si Anne, senti na talaga 'yan. Walang friends sa school at alam n'yo ba kung saan ko pa pinuntahan 'yan the other day? Sa puntod pa ni Luis," umiiling na wika ni Claire.

"Death anniversary nga pala ni Luis next Thursday, 'no? Since then, wala ka bang naging boyfriend, Anne? I mean... You look so beautiful. Imposibleng walang nanligaw sa 'yo," Althea uttered.

"Alam mo namang wala akong panahon para sa mga ganiyang bagay, Althea. Since I am not a smart person, kailangan ko mag-double or triple effort sa pag-aaral. And the licensure examination is coming. Gusto ko sanang maipasa ko sa first attempt ang exam na 'yon," sagot ko.

Love and Anxiety | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon