CHAPTER EIGHT

229 3 0
                                    

CHAPTER EIGHT

"Saan ba kayo galing? I've been waiting like forever here," tanong niya at tumawa lang kami ni Tita Ada.

"Nilibot lang ako ng Mama mo," ani ko at tumabi sa kaniya.

"So, Mama, do you like her?" Tanong niya. I suddenly felt uncomfortable.

"You don't have to ask that, Luis," bulong ko sa kaniya but he didn't mind me. Ang kulit.

"There's no reason to dislike her. What a wonderful girl, Luis," she said as she looked at me.

Doon na rin ako nagtanghalian sa kanila. Luis is right. Tita Ada is a good cook. Hindi naging sapat ang oras para sa 'min ni Luis. I need to be home early. Nagpaalam na ako kay Tita Ada and I was surprised when she hugged me. Suddenly, I thought of my mother. I miss her. Sana makauwi na siya.

Bago ako ihatid ni Luis ay tinawag muna siya ni Tita Ada. Hindi ko narinig ang pinag-usapan nila but seeing Luis' face, parang hindi siya masaya. Ano kayang pinag-uusapan nila? Lumapit si Luis sa 'kin wearing a smile again.

"What happened?" tanong ko.

"Nothing. Tara na. Hatid na kita," aniya at tinawag na ang driver nila.

Hindi naging maganda ang kutob ko sa naging pag-uusap nila ni Tita Ada but I shook the thought away. Sabi nga ni Luis, ang mahalaga ay ang ngayon.

Busy ang lahat dahil Hand to Hand Special Week ng BIS. Ang HHSS ay naging culture na ng BIS at ito ay fundraising week. Ang lahat ng kikitain ay mapupunta sa tatlong magkakaibang charity. Lahat ay nag-eenjoy and me as a fresh student here ay hindi pa masyadong naiintindihan ang mga nangyayari. There are different kind of booths, mga palaro and so many fun activities.

Nagtayo kami ni Althea ng Dedication Booth. Simpleng booth lang 'yon kung saan isusulat mo sa isang papel ang gusto mong sabihin sa isang tao or even without it, just anything you have on your mind and then you'll be posting it in a huge board. And it's only two pesos per paper. Althea even customized a paper for it. She and I are getting along good. I guess she really wants to make it up to me.

We have a lot customers today and Althea's enjoying it. Naupo ako sa gilid at nag-print pa ng papers. Mukhang maaga kaming magsasara nito. Agaw pansin naman 'yong Dating Booth na isang tent lang naman ang pagitan mula sa booth namin. Si Claire ang nagma-manage non.

"Nice booth, Claire," ani ko nang madaan siya sa tapat namin.

"Thank you, sa inyo rin, oh. Ang dami nyong customers," sabi naman niya.

"Oo nga, 'di na nga kami magkandaugaga dun, eh."

"Carry mo 'yan, sige marami pa 'kong aasikasuhin," aniya at umalis na.

Bumalik na 'ko sa booth namin. Hindi pa nagpaparamdam si Luis mula kaninang umaga, even a single text from him ay wala. Somebody poked me at akala ko ay si Luis na 'yon pero mali ako. Si Cloud pala. Ilang araw na nga ba kaming hindi nagpapansinan? Hindi ko na matandaan. Hindi ko nga alam kung paano namin nakakayanan 'yon gayong magkatabi lang naman kami.

"Bakit?" tanong ko.

"Puwede ba 'kong mag-post sa Dedication Booth nyo?" balik-tanong niya.

"Lahat naman puwede," sagot ko.

"Magkano 'to?"

"Libre na lang 'yan," sabi ko and he slightly smiled at me.

Inabangan ko kung anong isusulat niya. Siguro, para 'yon sa gusto niyang babae. Pagkatapos niyang sulatan 'yon ay idinikit na niya sa bulletin board. 'Sorry' ang nakasulat. Tiningnan ko siya and he's also staring at me.

Love and Anxiety | COMPLETEDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora