CHAPTER THREE

379 9 2
                                    

CHAPTER THREE

"Ayan, friends forever. Friends, ha!" he said air-quoting the word 'friends'.

"Oo, alam ko. Pero ang corny mo, bakit may ganito pa?"

"Sa akin na lang 'yon," sabi niya sabay kindat. "Knock, knock..."

"Who's there?" I tried hard not to smile.

"Buying."

"Buying who?"

"Ikaw ang pag-ibig na hinintay. Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na ikaw. Ikaw..."

"Oh? Nasan ang buying don?"

"Ikaw 'Buying' Constantino," he said as he wiggles his brows.

With that, I laughed really hard. Shocks! Sobrang corny niya pero ang facial expressions niya talaga ang nagdadala.

"Grabe, Luis ang corny mo! Hahaha!"

"Yet you are laughing hard."

Kahit gano'n, mabuti at malinaw na ang sa amin ni Luis ngayon. 'Yon nga lang, medyo naiilang pa rin ako sa kaniya kasi alam ko na crush niya 'ko. Ngayon, nagre-ready na 'ko dahil I know na marami na akong makakaaway dahil sa pagkakaroon ng crush sa 'kin ni Luis. 'Yon ay mangyayari kung magiging makulit siya at ipahahalata ito sa lahat.

"Hoy, ikaw, sagot mo ako 'pag may nang-away sa 'kin, ha," paalala ko.

"Oo na," he answered, wearing a bored face.

"Promise?"

"Promise." He sighed.

Friday morning, nagre-rehearse kami ni Luis para sa gaganaping Essay-writing Contest sa Sunday. Ilang oras na ang lumipas but I haven't seen Althea since pagpasok ko. Sabi ng iba naming classmates, nagre-rehearse din daw si Althea para naman sa gaganaping pageant dito sa campus, same day din ng contest namin. Althea didn't mention that she's going to join.

Pagkatapos ng rehearsal namin, nagpaalam muna sa 'kin si Luis na kakain daw siya. Bumalik ako sa room at napansin kong 'di pa umaalis si Cloud sa upuan niya. I think there is something wrong with him. Dahil na-curious ako ay nilapitan ko siya. Pagkalapit ko sa kaniya, his eyes are closed elegantly. Ano kayang nararamdaman niya? Tinitigan ko siyang mabuti at napansin kong ang putla niya.

"Uhh...Cloud, is something wrong?" I asked.

"Ikaw pala, Anne. W-Wala naman."

"Wala? Eh, ang putla-putla mo." He's not a good liar.

Sinalat ko siya sa leeg at noo and I found out that he has a fever. Inaya ko siyang pumunta ng Clinic pero ayaw daw niya. Siguradong pauuwiin lang daw siya kapag nalamang may sakit siya. Ayaw niya raw umuwi dahil baka raw kasi may ma-miss siyang aralin.

He is thinking about our long quiz on Monday. Pero syempre, sino ba naman matinong tao ang ito-tolerate siyang 'Sige, gusto mo yan, eh!'. Pinilit ko pa rin siyang pumunta ng Clinic, and it took me forever bago ko siya mapapayag. Nagpunta kami ng Clinic.

"Bakit mo ba ginagawa 'to, Anne? Okay lang naman ako. Bumalik ka na sa room," aniya.

"'Wag mo ng bigyan ng ibang meaning, can't you see? I'm helping you...as a friend," sagot ko.

"Wala naman akong ibig sabihin sa tanong ko."

I just rolled my eyes. Pumasok na siya sa Clinic at hinintay ko siya sa labas. While waiting, finally, nakita ko na si Althea. Tinawag ko siya and agad naman siyang lumapit.

"What are you doing here? May sakit ka?" tanong niya.

"Si Cloud, nasa loob siya. He has a fever."

Love and Anxiety | COMPLETEDWhere stories live. Discover now