Wattpad Original
Є більше вільних частин 10

✨1.6 : Mga Paasa✨

38.2K 831 142
                                    

1.6: Mga Paasa

When I woke up, wala na doon sina Keira and Chels. Maliwanag na ang kwarto at mukhang pinatay na din ang aircon. Gumulong muna ako sa other side ko at nagbilang ng sampu bago tumayo.

Pagkaupo na pagkaupo ko pa lang ay bigla akong inatake ng sakit sa ulo. Para akong pinupukpok nang paulit-ulit ng martilyo.

Damn! I will never drink again! Ang hirap ng may hangover! And my god! Ang sakit ng likod ko! Bakit ba kasi ako pumayag na matulog dito sa lapag! Kung kasya lang sana kami sa kama ko, at kung sana ay hindi malikot matulog si Chelsea, hindi na dapat dadagdag ang pagsakit ng likod ko sa mga pinoproblema ko ngayon.

Dahan-dahan akong tumayo at iniligpit ang inilatag namin ni Keira na extra folding bed na nakita namin sa guest room kagabi.

Habang pinapagpag ko ang unan ko bago ko ito ibalik sa kama ay may nahulog ditong sticky note. May nakasulat kaya binasa ko ito.

"Savvy, we didn't wake you up. You're so cute kasing matulog! Hihi! Btw, nasa work kami ni Keir today, so see yah na lang later. Party?"

Xxx. Chels.

Itinabi ko ang sticky note sa may drawer at tinapos na ang pagliligpit. Wala pala akong makakasama ngayong araw.

I decided to shower first because I smelled like puke and sweat. Mabuti na lang at mabango ang nakita kong lavender shampoo sa rest room at natanggal na ang lahat ng masangsang na amoy na nakadikit sa akin.

Grabe, mabuti na lang at sila Chels ang kasama ko kagabi at hindi ako pumayag sa gusto ni Reed na matulog kasama namin. Kung hindi, naku! Nakakahiya.

"Knock? Knock?"

Kakalabas ko lang ng CR nang may kumatok. Dali-dali kong sinuot ang ni-ready ko nang underwear. "Wait! Saglit lang!" Sigaw ko sa tao sa labas ng pinto. Nabosesan ko 'yong tumatawag sa akin. Si Grey ata.

Kinuha ko 'yong pink kong bath robe na nakasabit. Mabuti nang mag-ingat. Ayoko nang mangyari ulit sa akin ang nangyari sa amin ni Reed kagabi. Kahit na si Grey pa 'to, mas mabuti na ang makasigurado. Nang tumingin ako sa salamin at mukha naman na akong presentable ay binuksan ko na ang pinto.

"Mornin', Sav. Tawag ka ng kuya mo sa baba. Breakfast is ready." Nag-init ang mukha ko nang bumungad sa akin ang kakagising lang na Grey sa may pinto ko. Jusko 'tong batang 'to! Naglalakad sa corridor nang naka-boxers lang!

"Uy, Grey, magbihis ka nga! May makakita sa'yong ganyan ka, nakakahiya."

Hindi ko masyado tiningnan ang kanyang pormadong abdomen at itunuon ko na lang ang atensyon ko sa magulo at kulot niyang buhok.

Alam kong tumawa siya dahil nakita niya ang pamumula ng mukha ko. Ang aga-aga para makakita ako ng ganyan! Hmph!

"Sinong makakita? Tayo-tayo lang naman dito. And look at these abs, couz. Who doesn't want to see this?" Hinigit niya ang kamay ko at inilagay sa kanyang abs para lang ma-ipoint out kung gaano ka-form ito.

"Ano matigas ba?"

Mas tinawanan niya ako ng halos mag-apoy na sa init ang pisngi ko. Bwisit na kulot! Kulot salot talaga!

Hindi pa nga ako nakaka-recover sa kalokohan niya ay biglang dumaan sina Kuya Marco at Levi na katulad ni Grey ay wala ring suot na pantaas at may kasama pang mga babae na hawak hawak nila sa baywang at suot-suot ang kanilang mga t-shirts.

My god! Dapat ko na palang sanayin ang sarili ko na makakita ng mga half naked na lalaking palakad lakad! Mukhang ito yata ang uso sa pamamahay na 'to!

VINCENT (Book 1 of 2) ↠ Amor Vincit Omnia (PUBLISHED)Where stories live. Discover now