Wattpad Original
There is 1 more free part

✨1.15 : Yours✨

31.7K 615 133
                                    

1.15: Yours


Kinaumagahan, kahit na hindi talaga maganda ang pakiramdam ko dahil sa hangover ay pinilit ko pa ring tumayo at mag-ayos. Kailangan kong sumipot sa lakad namin ni Jedidiah. Nakakahiya naman kung hindi ko siya pupuntahan nang dahil lang sa nangyari kagabi.

I actually smiled while preparing my clothes for our breakfast-slash-picnic sa park namin mamaya. I was sure, mapapagaan ni Jed ang loob ko. Lagi naman e. With him, everything was easy and not complicated. Napakagandang simula ng umaga 'yon pag nagkataon. Matatanggal niya 'yong inis ko.

Good morning, beautiful. Nandito na ako. :)

Binabasa ko pa lang ang text niya sa akin ay napangiti na ako.

Wait lang, magpapaalam lang ako kila Mommy tapos diretso na ako diyan.

Ibinaba ko ang phone ko at tiningnan muna ang sarili sa salamin. Suot ko ngayon 'yong simpleng necklace na flower na ibinigay sa akin ni Jed last week. Napanalunan niya raw 'yon sa peryahan sa Montego dati pa.

Nag-apply ako ng lip gloss at nang okay na ay lumabas na ako sa kwarto.

Huminto muna ako sa kwarto ng kapatid ko, na katabi ng sa akin katulad ng nakasanayan ko araw-araw. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa. Ewan, nakasanayan lang siguro.

Nakasarado ito ngayon, hindi kagaya ng lagi kong naabutan pero nagkibit balikat na lang ako at inisip na baka nililinis lang ng kasambahay 'yon ngayon.

"I thought you said he will be there for another five weeks?"

Napahinto ako sa paglakad ng marinig ko ang boses ni Mommy. Nasa door frame na ako ng kusina namin at magpapaalam na sana ako para dumiretso na lang doon sa lugar na napag-usapan namin ni Jed nang marinig ko silang nag-uusap. Kahit na medyo tumataas na ang boses ni Daddy, hindi naman yata sila nag-aaway na dalawa.

"I don't know. Kausapin mo 'yang anak mo. Iniwan niya ang trabaho niya sa Davao at nagmadali sa aking sumabay kaninang umaga. He should be there, talking to those business partners! Iniwan niya ang lahat ng meeting niya with that Esquivel bastard!"

"Shh, honey calm down. It's bad for your blood pressure."

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Daddy. Tama nga ba ang rinig ko? Nandito na nga ba si kuya?

Napaatras ako nang kaunti at nagtago sa may napakalaking halaman. Kailangan kong i-confirm kung umuwi na nga dito si Reed. I didn't want to see him immediately matapos ng lahat ng nangyari kagabi. "Bakit ba galit na galit ka doon sa anak ni Mr. Esquivel? I already met him. And I think mabait naman si Pierre Vincent. And look at the bright side honey, at least we can go to church and have lunch together right? "

"That boy doesn't know anything about the company. He's just there for the money, just like his father. Hindi ko nga alam sa'yo kung bakit sa iisang eskwalahan mo ipinasok 'yang anak mo sa Pierre na 'yan!"

"Honey, I'm sure he can handle whatever Reed left. Just calm down..."

Hindi ko na kayang mag-eavesdrop sa pinag-uusapan nila ni Daddy kaya naman ay pasimple akong naglakad papunta sa kanila at nagpanggap na walang narinig.

"Good morning, Mommy! Daddy! Good morning po."

Mukhang hindi naman sila nagulat sa biglaan kong pasok at lumiwanag ang mga mukha nilang dalawa. Tumayo si Mommy sa upuan niya at sinalubong ako ng yakap at halik. Habang si Daddy naman ay ibinaba ang binabasang newspaper at tinanggal ang suot na salamin para ngitian ako.

VINCENT (Book 1 of 2) ↠ Amor Vincit Omnia (PUBLISHED)Where stories live. Discover now