Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

✨1.8 : Tukso✨

39.9K 733 162
                                    

1.8 : Tukso


I smiled even before I opened my eyes.

I loved this moment... I loved how his hands were wrapped around me like a shield. I loved how his lips formed those sweet words of reassurance. I loved how his...

"Savannah? Reed?"

Pakiramdam ko ay nabuhusan ako ng mga bloke ng yelo nang biglang mapamulat ang mga mata ko at makita kong nakatingin sa amin si Ash. Nakakunot ang ulo niya at mukhang hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang posisyon namin ni Reed.

Dammit! Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ni Reed na nakapulupot sa baywang ko. Dammit! Baka kung ano pang isipin niya!

"Reed." Bulong ko. Nilingon ko siya. Nakangisi siya kay Ash at parang hindi niya pansin ang mga tingin ng pagdududang ibinibigay sa amin ng pinsan ko.

"You, goin' in?"

Argh! Ano ang gusto niyang isipin sa amin ni Ash?

Ash gave us one more suspicious look before shrugging and said, "Nope. Dad wants me to show up in the plantation. Kayo na ang maunang pumunta kila Nana, baka gusto nilang makita si Savannah."

Hindi ko nakita kung anong isinagot sa kanya ni Reed dahil pumunta ito sa may likuran ko nang hindi pa rin tinatanggal ang mga kamay sa baywang ko. Tiningnan ako nang seryoso ni Ash kaya naman ngumiti na lang ako.

Pagkaalis na pagkaalis ni Ash ay pinalo ko agad ang kamay ni Reed. "Bakit 'di mo ako binitawan? Tsk! Baka ano pa isipin no'n!"

Tinanggal niya naman ang isang kamay niya sa akin pero 'yong isa, parang naka-glue na ro'n sa baywang ko. "I'm serious Reed. What if..."

Tinawanan niya lang ako at nag-aambang hahawakan ang labi ko. Hinawi ko nga. Nakakainis e! Parang biro lang sa kanya ang lahat.

Hindi siya nag paawat at ibinalik niya ang labi niya sa may tainga ko at binulungan. "Fuck. You look hot when you're serious baby."

Damn, Reed! Alam niya lagi ang sasabihin para matameme ako!

"Smile, Sav. That's nothing. Ash is not that kind of guy."

Mas lalo pa siyang tumawa nang bumusangot ako sa kanya. "I said stop looking cute, Sav. Do you want me to kiss you right here?" I shook my head furiously. "Come on, let's just go." Ayoko pa sana siyang sundan nang buksan niya ang gate at pumasok sa loob pero na-curious din kasi ako kung anong itsura doon.

Madami sa aming mga bumati pagkapasok namin doon. Sabi sa akin ni Reed mga trabahador daw ang iba na 'yon sa bahay habang 'yong iba naman daw ay mga tao ng lolo ko sa opisina niya sa munisipyo. Gobernador daw kasi 'yon dito sa Montego.

"Manang Auring is my Nana home?"

Nanlaki ang mga mata ng matandang sumalubong sa amin sa engrandeng hagdanan sa labas ng bahay. Nagmadali siyang bumaba papunta sa amin at agad na niyakap kaming dalawa ni Reed. Nasa 60's na siguro siya pero ang bibo-bibo pa rin niya. Nakakatuwa!

"Sir Reed! Ma'am Savannah! Opo, nandito po ang Nana at Papi niyo. Teka lang po, pasok muna kayo. Nasa garden silang pareho, tatawagin ko lang po."

Ibinalik naming dalawa ni Reed 'yong yakap niya. Sobrang nakakatuwa talaga 'tong si Manang Auring. Ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. At all smiles pa talaga siya sa aming dalawa.

VINCENT (Book 1 of 2) ↠ Amor Vincit Omnia (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon