Wattpad Original
There are 4 more free parts

✨1.12 : Manipulative Bastard✨

25.4K 554 144
                                    

1.12: Manipulative Bastard


"And who are you?"

Crap! Dapat hindi ako naniwala doon kay Alicia na pumapayag itong si Prof. Amante ng mga late! Mukhang hindi na ako makakalabas nang buhay dito e! Para siyang mangangain ng estudyante niya!

"I said who are you, and what are you doing in my class?"

Mas lalong tumaas ang kilay niya at nagpaka-pamaywang siya. Nasa 60s na rin yata si Prof. Amante pero kung makapagdamit pa ay talo pa ang mommy ko.

"So, are you deaf? That's a simple question, girl. Answer me."

Hindi ko na tinitingnan ang mga reaksyon ng mga blockmates ko, na tumigil din sa pagkokopya ng kung ano mang naka-flash doon sa white board para titigan ako at ang pangbabara sa akin ng prof. Kung nanginginig na nga ang mga tuhod ko sa pagtataray ni prof, paano pa kaya kung makikita ko pa 'yong mga mapanghusgang mga tingin sa akin ng mga kaklase ko?

"Savannah Destiny Fonacier po, Ma'am." Mas lalong humigpit 'yong hawak ko sa dalawang makakapal na librong dala-dala ko at doon sa shoulder bag nang hindi agad siya sumagot sa akin at tiningnan lang ako mula ulo hanggang paa.

"Oh, I know you. You're the amnesia girl, right?" Hindi ko alam kung kinukutiya niya ba ako or what pero tumango pa rin ako.

Ugh. I hope she'll never call me with that godforbidden name again. I didn't need her to remind me that I can't remember a single thing.

"Tsk! Sa akin ka talaga nila itinapon. Anong masasagot sa akin ng isang batang may amnesia? They should've given your slot to someone else. Someone deserving."

"P-Po?" Nainis na akong tuluyan dahil sa sinabi niya. Anong ibig sabihin niya doon? Na hindi niya ako gustong maging estudyante dahil lang sa wala akong maalala? Umm, where's the logic in that? Ni hindi niya pa nga ako tinatanong kung kaya ko bang makahabol sa mga lessons niya kahit na ganito ang kalagayan ko. Tsk! Nakakainis!

Well, kung ayaw niya sa akin e di mas lalong ayoko sa kanya! Nakakainis! Wala bang konsiderasyon itong prof na 'to? May ginawa ba ako sa kanya at mukhang unang araw ko pa lang dito ay may plano na siyang gawing impyerno ang buong sem ko?!

"Call me Dra. Amante. I didn't graduate with MD just for you to call me that kind of lowly title. Now, where are your excuse letters and your reg form?"

Iniabot ko sa kanya ang mga kailangan niya. Hindi ko na siya kinibo, it's either kasi na ipapahiya ko ang sarili ko at sasagutin siya nang pabalang o idi-divert ko na lang ang attention ko sa ibang mga bagay para hindi ko pa mas lalong ipahiya ang sarili ko. Pero, honest to God. My blood is already boiling in annoyance with her messed up attitude.

Tsk. Bigla ko tuloy naalala ang kakambal ko. Pareho kaming mainitin ang ulo.

"What are you still doing? Go find your seat!" She suddenly snapped at me. Ako naman itong si nataranta ay agad na ini-scan ulit ang room. Mabuti na lang at may nakita akong vacant seat sa pinakalikod. Nasa may corner naman 'yon kaya medyo gumaan ang loob ko. At least, less interaction with other people.

Habang papunta ako doon sa silyang nakita ko, ramdam ko ang lahat ng matang nakatingin sa akin. Para bang naghihintay sila na magkamali ako. God, college is starting to feel like hell.

"Ms. Fonacier, next time ha. Pumasok ka nang maaga. I don't want late comers in my class so don't be a brat and try to come up with excuses. In this room, my words are law. You'll believe everything I say and if I ask a question, that's the only time I will hear your voice. I give quizzes after every meeting. There will be a revalida at the end of the sem. 80% is the passing grade. Are there any questions?" Aniya.

VINCENT (Book 1 of 2) ↠ Amor Vincit Omnia (PUBLISHED)Where stories live. Discover now