Chapter 7

703 30 0
                                    

That Fatty Girl [ A short update ]

Chapter 7

“Saan mo ba kasi ako dadalhin ha?” pagtatanong kong muli. Kinuha niya ang susi ng kotse ko at nag drive nalang kung saan-saan.

Balak ng babaitang ito?

Makalipas siguro ang sampung minuto ay nakarating na yata kami. Teka sa gym!? A-anong gagawin ko sa gym!?

“Baba.” sabi niya pero nakatingin parin ako sa kanya. “Ano kaba Fat? Baba!” kita kong gigil na siya.

“B-bakit?” tanong ko at nakita ko lang ang pag rolyo ng mata niya. “Argh!” lumabas siya sa kotse ko at pumunta sa gawi ko. Ni lock ko ang pinto para hindi niya ako mapalabas.

Nakatingin lang kami sa isa't-isa at binigyan ko siya ng mapang-asar na ngiti. She gave me a look na ‘Wanna die?’

Hindi ako nagpatinag sa kanya at nag seating pretty nalang ako. Doon ko nalang napagtantong ako pala'y sadyang bobo, nasa kanya nga pala ang susi ko.

Hinila niya ako palabas. Aba! Ang lakas naman ng babaitang ito! Akalain mo iyon nahila niya ako ng ganon ganon!?

“Ano nga kasi gagawin natin dito?” napahawak siya sa sintido niya. “Isn't it obvious? Nasa gym tayo so ano pa ba ang ginagawa dito?” she look at me then I just shrug.

“Gad, Fatima!” napa face palm nalang siya. Alam ko naman talaga e, ayoko lang isipin. “Mag babawas tayo ng timbang malamang!”

Hindi ko na naiwasang mapahiyaw. Nahihiya ako! Madami-dami din ang nag g-gym! Nakakahiya baka pagtawanan nila ako, kutyain nila ako sa harap ng pinsan ko e may pagka army pa naman to! Baka mapa-away pa kami!

“Mila...n-nakakahiya.” mahinang sambit ko. She hold my hands. “You don't have to be shy, I am here...” hindi ko alam pero bakit parang may bakas ng lungkot ang mga mata niya habang sinasabi niya sa akin iyon?

“Akala mo ba hindi ko alam?” napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “Hindi alam ang alin?” pagtatanong ko. “You're viral. Umabot sa ibang bansa kaya nga nakita ko e.” niyakap niya ako. Tinutukoy niya iyong video na kuha nila Stacey.

“Dahil don napauwi ako. Hindi pwedeng ginaganyan-ganyan ka nila! Kaya si tita ang tinawagan ko at hindi ikaw. Now that I'm here tutulungan na kita.” humiwalay siya sa pagkakayakap.

“You don't deserve these. Tandaan mo magbabago ka para sa sarili mo at hindi lang para ipamukha sa kanila na kaya mo rin ang ginagawa nila.” pinahid niya ang mga luha ko sa mukha.

“Thanks cous!” sabi ko. “Let's go?” aya niya at kahit kinakabahan ako ay pumayag na din ako. Nandito na kami e wala na akong magagawa.

Pagpasok pa lang namin ay kita ko na ang mga titig nila. Wala akong nagawa kung di ang yumuko at magpahila kay Mila. Hindi ko alam kung makakapag focus ako dito kung ganito kadami ang tao.

“Mila...” tawag ko sa kanya. She smiled at me pagkatapos niyang kausapin ang sa tingin ko ay nagpapatakbo ng gym na ito.

“Don't worry I already reserved a space for us. Let's go?” Aya niya ulit. Ang galing talaga ni Mila, tingnan palang niya ako ay alam na niya kung ano ang problema.

Kaya kahit wala akong kapatid swerte parin ako dahil may pinsan akong katulad niya.

Pumasok na kami sa sinasabi niya at agad naman akong namangha. Kumpleto rin ng gamit dito at may konting space para siguro sa mga nag wa-warm up.

“Okay so listen my dear Fatima, bago tayo mag simula may mga rules muna akong ibibigay.” lumapit siya sa bag niya at may dinukot don na papel.

“Ano naman yan?” pagtatanong ko. “Ang mga dapat gawin ni Fatty!” masigla niyang sabi at isa-isa binasa sa harap ko ang mga sinulat niya. Mukhang pinaghandaan talaga niya ah.

“Una, iwasan ang masyadong matatamis na pagkain! Pangalawa, dahil matindihang pag re-reduce ito isang beses kalang sa isang linggo pwede kumain ng kanin! Pangatlo, laging mag exercise kahit sa bahay lang. Pang-apat, matutong magsuot ng mga pang teenager na damit! At pang huli! Magbabago ang itsura sa loob ng isang taon pero hindi ang ugali!” napangiti ako sa sinabi niya at the same time nalulungkot.

Isang beses sa isang linggo lang kakain ng kanin!? Mabubuhay pa kaya ako sa loob ng isang taon!?

“Ano kaya ba?” pagtatanong niya. Ako? Kaya ko? Hindi, hindi siguro...napasalampak nalang ako sa lapag. “Tayo na diyan bilis!” hinatak niya ako ng hinatak hanggang sa mapatayo ako.

Tinuruan muna niya ako mag warm up. Ganon palang ay masyado na ang pawis ko at hingal na hingal na agad ako. Jusqo isipin mo isang taon ko itong gagawin!

RIP self! Good bye chocolates! Argh!!

Jonas's POV

It's Saturday at naisipan kong ayain si Stacey for a date. Simula nung sinagot niya ako bilang boyfriend niya ay sobrang saya ko at the same time confuse. Dahil hindi pa man ako nanliligaw ay sinasagot na raw niya ako, weird isn't it?

Pumunta ako sa bahay niya at doon siya sinundo. Bumaba ako sa kotse ko at hinintay na makalabas siya sa bahay niya.

Hindi na ako nag abalang mag doorbell dahil mabilis na rin naman siyang nakalabas. She looks so beautiful wearing that tight dress, kitang kita kung gaano siya ka sexy.

“Hi.” mahinahong bati ko. She smiled and gave me a peck on my lips, hindi ko inaasahan iyon dahil baguhan pa lang kami at nirerespeto ko siya.

“Oh? Bakit parang nagulat ka?” sabi niya habang ngumi-ngisi. “Ah...wala wala let's go?” pinagbuksan ko siya ng pinto at agad naman din akong pumasok sa kabila.

“Saan tayo pupunta?” pagtatanong niya. “You'll see.” matipid kong tugon at nag drive nalang papuntang amusement park.

Hindi pa ito ang date namin. Dahil first date namin to kailangan maging memorable agad to.

Pag ka park na pag ka park ko palang ay agad akong bumaba para pagbuksan siya. She smiled at me at hinawakan ko naman ang kanyang kamay.

Lumipas ang ilang oras at sobrang saya niyang kasama. Kung saan-saan kami sumakay at kumain dito sa amusement park.

Pagkatapat ng alas siyete ng hapon ay nagpa alam akong mag babanyo muna. Tumango naman siya at iniwan ko siya sa bench doon.

Sa daan papuntang banyo ay may nahagip ang aking mata. It's Fatima, why is she here? Sino naman ang kasama niya dito? I was about to go to her pero agad rin namang napahinto ng makita siya...s-she's back?? Since when?

Stacey's POV

Grabe ang lalaking iyon! Iwan ba naman ako ng ganito katagal dito! Ano ba ang inihi niya? Isang timba!? O baka naman may tawag ang kalikasan!?

Napairap nalang ako sa kawalan. A goddess like me hindi dapat pinaghihintay! Gad! Masisira ang beauty ko!

Pamaya-maya pa ay may biglang nag takip ng mata at bibig ko. Kinaladkad ako nito kung saan kahit panay parin ang kawag ko.

Lintek! Jonas nasaan kana ba??

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now