Chapter 38

497 22 0
                                    

That Fatty Girl

Chapter 38

Fatima's POV

Pagkagising ko sa umaga ay biglang nagsunod-sunod ang tunog ng cellphone ko. Hinayaan ko muna iyon dahil gusto ko nang maligo para mas lalo akong magsing.

Pagkatapos kong kumain ay saka ko na nagawang tingnan ang cellphone ko. Galing ito sa unknown number, huh? Sino naman kaya ito??

Agad kong tiningnan kung ano ang laman ng text nito at...halos mabitawan ko ito. Mabuti nalang at nasa kotse na ako kung hindi baka tanungin pa ako ni Mama, ayoko namang mag padalos-dalos gusto ko paring narinig ang side niya.

Habang tinatahak ko ang daan papuntang school ay hindi ko maiwasang maluha. Ang sakit-sakit e. Paano niya nagawa iyon sa akin?

Buong akala ko ako lang ang babaeng pinapapasok niya doon sa bahay niya. Tapos malalaman kong may iba pa pala!? At gabi pa ha!?

Sige nga isipin niyo, sino ang hindi ma pa-paranoid sa ganong eksena? Babae't lalake sa i-isang bahay ng gabi pa tapos may nakaraan pang naging playboy si Cole kaya hindi ko masisisi ang utak ko kung ganito nalang mag isip!

Akala ko ba ako lang Cole, may pasabi-sabi kapang hindi mo ako kayang saktan!? E ano to!? Ha!? Leche!

“Nandiyan na siya.” bulong sa akin ni Zaalia kaya napabalik ako sa ulirat. Nandito na kami sa classroom at sabi ko sa kanila ni Brayden ay maupo sa magkabila ko para hindi makaupo ang manlolokong iyon!

Si Cole ang tinutukoy niyang nandiyan na at dahil don hindi ko nilingon ang manlolokong iyon at panay lang ang sketch ko sa notebook ko.

Nagulat ako dahil ang kasunod niya ay sila Stacey na ngayon ay namumula ang mata at ilong, galing siguro sa iyak. Napansin ko din na namumula ang kabilang pisnge nito at may dugo din ang gilid ng labi nito.

Anong nangyari don sa bruhang iyon, tss kinakarma siguro. “Ah pwede ko ba makatabi girlfriend ko?” bumalik ang inis at galit ko sa boses na iyon.

Tumingin sa akin si Zaalia at umiling lang ako habang hindi dinadapuan ang tingin ang manlolokong ito. “Hindi pwede. Maupo ka nalang don Cole mag sisimula na ang klase e.” mataray na sabi ni Zaalia.

Nagpapasalamat ako sa kanila na kahit hindi pa kami ganon mag ka close ay tinutulungan na nila ako sa mga problema ko.

Naramdaman kong padabog na naupo si Cole dahil sa lakas ng kalabog ng isang upuan. Aba siya pa itong may ganang magalit!?

Hays kalma Fatima, kalma ka lang. Mamaya maririnig mo na ang side niya at dapat ay madami kang puwersa kung sakaling mag sinungaling siya.

Huh, humanda ka Cole Rivera, matinong tanong at totoong sagot ang mangyayari mamaya.

Buong magdamag ay hindi ko siya pinansin kahiy lunch break na ay hindi siya makalapit sa akin sa tulong nadin nila Zaalia. Sobrang nagpapasalamat talaga ako sa kanila.

Ang plano ko kaso ay kausapin siya mamayang uwian na para tuloy tuloy dire-diretso!

Pero kapag may oras na hindi niya ako tinitingnan ako naman ang nag nanakaw ng tingin. Kitang-kita ko kung paano magsalubong ang dalawang kilay niya.

Ganyan nga Cole, magdusa ka. Teka bakit ka nga pala magdudusa kung ang dali-dali lang para sa iyo na kalimutan ako? Tss... naramdaman ko ang unti-unting pagiinit ng gilid ng mga mata ko.

Shit! Fatima huwag ngayon! Nasa loob ka ng klase for Pete's sake! Inis kong pinahid ang luhang nag ba-badyang tumakas sa mata ko at nag focus nalang sa kung ano ang tinu-turo ng gurong ito.

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now