Chapter 27

624 29 0
                                    

Chapter 27

Cole's POV

Napanguso ako dahil umalis na siya sa mga hita ko. Tiningnan niya ako. “Hindi ka pa naliligo, siya sige maligo ka na at ipagluluto kita!” bago pa man siya makaalis papuntang kusina ay hinapit ko na ang kamay niya.

“I don't have any ingredients. Let's just eat outside. My treat.” I smiled at her. “Sige. Maligo ka na ang baho mo na e!” mapang-asar pa niyang tinakpan ang kanyang ilong.

“Pero hinalikan mo naman ako.” panunukso ko at kita ko kung paano mamula ang pisnge niya. Kinurot ko iyon at mabilis na pumunta sa kuwarto ko. Baka mabugahan pa ako ng apoy haha!!

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng ripped jeans at black na t-shirt. Mabilis ang naging pagbaba ko at naabutan ko siyang nanonood ng SpongeBob.

“Spongebob huh?” nanunuyang ani ko. “Anong pake mo?” mataray na baling niya sa akin. “Im done so let's go?” pagtatanong ko tumayo siya at pinatay ang TV.

Lumabas na siya sa bahay, tss! Hindi man lang ako hinintay! Pero dahil nasa likod niya ako kitang kita ko kung gaano siya kaliit. Haha! Hanggang dibdib ko lang siya pft!!

Pumasok na siya sa kotse ko at ganun din naman ang ginawa ko. “Saan mo gustong kumain?” pagtatanong ko. “Sa...Jollibee.” biglang nagliwanag ang mukha niya.

“As my Queen said so.” I smiled at nagsimula nang mag drive. Pagkarating namin don ay agad kaming umorder.

Burger steak lang ang akin at ang sa kanya ay Chickenspag, nag order pa siya ng kanin at ang drinks pa niya ay cokefloat. Alam ko na kung bakit tumaba siya ng ganon dati. Napailing nalang ako...takaw talaga!

Habang naghihintay kami ay bigla siyang nagtanong. “Can you tell me about your past with her?” pagtatanong niya at napatulala ako. Is she even serious!? Alam ko naman na ang tinutukoy niya ay si Reighnity.

“No! Ayoko nga! Baka mamaya ay magselos ka nanaman tapos hindi mo nanaman ako pansinin! Hindi ko na kaya My!” sigaw ko.

“Ang OA mo! Huwag mo akong isipin! Hindi ako magseselos! Kaya sige na, gusto ko lang malaman kung ano ang ginagawa niyo dati.” nakangiting sabi niya pa.

Really!? This woman is crazy!!

“Ayaw.” sabi ko at nag cross arms at sumandal sa upuan ko. “Aha? Okay! Kung ayaw mo! Siya mismo ang tatanungin ko!” nanlaki agad ang mata ko at umayos ng upo.

“Okay! Okay! Huwag mo lang muna siya lalapitan!” sigaw ko sa kanya. I don't fvcking care if some people are now looking at us. This is my moment with my Darkness, Queen my Wife and everything!

“Bakit naman bawal? She seems nice.” nakangiti nanaman siya. “Yeah I know. Pero hindi iyon ang tinutukoy ko, siya...siya yung nag set up sayo nung kutsilyo sa bahay niyo.” nanlaki agad ang mata niya.

“A-ano!?” napahawak siya sa ulo niya. “Shh...relax. napag utusan lang naman siya...nagawa niya lang iyon dahil kailangan niya ng pera. Siya nalang kasi ang bumubuhay sa sarili niya, kaya ayaw kitang palapitin sa kanya ay baka bigla siyang balikan nung nag utos sa kaniya at baka madamay ka pa!” seryosong sabi ko at lumambot naman ang ekspresyon niya.

Argghhh! Nakaka-asar ang babaeng ito! Hindi manlang magtagal ang galit sa iba! Masyadong mabait! Kaya hindi na ako magugulat kapag lalayuan niya ako kapag nalaman niyang pumapatay ako ng tao.

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now